EPILOGUE

1.7K 26 14
                                    

AC's POV

Napabalikwas ako sa kama because of the light na tumatama sa mukha ko.

What the hell? Sino ang nagbukas ng mga bintana at talagang inilagay pa sa side ang mga kurtina?

Pero not bad, mas presko at sariwa ang hangin na pumapasok ngayon. Napatingin ako sa pink na orasan na may mga prinsesang sumasayaw na nasa gilid ko.

It's 7:29am, I still have an hour and 30 to prepare for work.

"Goodmorning, mommy!" Bati sakin ni Athena na nakaupo sa highchair at pinapakain ng yaya niya.

"Goodmorning, baby!" I kiss her hair at ngumiti sa bata. "Where's everyone?"

"Tita Isabel and tita Binni leave early while my two ninangs arl still sleeping." Napatigil ako sa pagsandok when I heard what she said.

Ngayon pala ang alis nila. Fuck! I forgot! Pero bakit hindi man lang ako ginising ni Beatriz para magpaalam?

"What's with your face, doc?" Nakatawang tanong ni ate Ella na halatang bagong gising pa at nakasunod naman sa kanya si ate Jho.

"Good morning, Athena!" Sabay nilang bati sa bata at hinalikan pa ito.

"You'rl not yet blushing yourl teeth." Reklamo ng anak ko kay ate Ella.

"Hala! Oo na kaya!" Inamoy pa ni ate Ella yung bibig niya. "Hindi pa nga pala."

"Yuck, ate Els!" Sabay naming reaksyon ni ate Jho.

"Arte niyo! Nagmumog naman ako." Umupo na ito sa mesa at kumuha ng makakain kaya ganun na rin ang ginawa ni ate Jho

"Di ka magli-leave para samin? Uso ipasyal kami, oh!" Sabi sakin ni ate Jho habang tinitingnan ang suot ko.

"Kakapasyal ko lang sainyo kahapon. May mga nagpaappointment ngayon that's why I can't and besides it's freakin Monday para hindi pumasok." Ipinagpatuloy ko na ang pagsandok at nagsimula na ring kumain.

"Ano ba yan, KJ! Paano kami dito? Nganga?" Tanong ni ate Ella.

"You can go shopping or explore the place. Isama niyo si Athena and si yaya para may tour guide kayo." I suggested na parang okay na sa kanila kasi hindi na sila nagsalita pa.

"Yaya can drive. Wag kayong magpumilit na kayo ang magddrive, baka mahuli kayo ng cops at mapaaga ang uwi niyo sa Pinas." Natatawa kong sabi sabay hagis ng susi kay ate Jho at agad niya naman itong nasalo.

"You're now a big girl, right? You better be good, okay?" Hinalikan ko si Athena na ngayon ay karga ko.

"Take cale, mommy." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"See you later, guys. Have fun!" Hinalikan ko na rin sa mga pisngi nila si ate Jho and ate Els at ibinigay na si Athena sa kanila para makapasok na ako sa loob ng hospital.

Tingnan ko muna silang pumasok sa sasakyan at gumalaw lang ako noong nakaalis na sila.

"Please don't accept appointments tomorrow. I'm on leave." Sabi ko sa assistant ko na parang ikinagulat niya.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon