Bea's POV
Sa pagbukas ng pintuan at pagluwa nito kay AC, kumalabog yung puso ko bigla. Her eyes are closed pero makikita mo pa rin ang ganda niya. Yung ganda na kahit kanino hindi ko nakita. Yung ganda na simula pagkabata, hindi nawala.
Her hair and make-up si so simple na sobrang bumagay sa mukha niya, emphasizing her natural beauty. Her gown which I heard designed by Vera Wang is so classy and fits her really well. Umangat yung kulay ng balat niya at form ng body niya because of it.
"What a babe!" I heard Bettina said na sinang-ayunan naman ni Ponggay.
Lahat kami napangiti nung nakita siya. Lahat din kami nagtayuan nung nagsimula silang maglakad ng daddy niya.
The moment she opened her eyes, halatang nagulat siya. Her eyes are roaming around. She's like trying to figure out what is happening. I smile widely at her nung tumingin siya sakin.
These past few days iniwasan ko siya hoping na mawawala yung nararamdaman ko sa kanya. Pero simula nung tulungan ko si tita sa preparation and nakita ko lahat na memories namin ni AC na either nasa scrap book, albums or nasa desktop niya and even in her kuya's pc, dun ko narealize na sobrang dami na pala talaga naming pinagsamahan.
Maybe matagal na akong may nararamdaman sa kanya dahil sa mga ngiti na hindi ko maalis-alis kapag kasama ko siya.
Siguro nabulag lang ako sa katotohanan na we're best friends and ayaw kong masira yun. And sa thought na si Bianca and Jho yung minahal ko ng totoo.
Nung tingnan ko yung mga pictures namin, ang daming stolen photos. Tita said, si Kuya Enzo daw ang kumuha nun mostly.
16 years of friendship. 16 years na naming pinapahalagahan ang isa't-isa at 17 years na simula nung nakilala ko yung babae na nagpaiba ng takbo at pananaw ko sa buhay.
Yung batang gustong-gusto kong binubully noon, ngayon ayaw na ayaw ko ng nakikitang umiiyak. Yung batang palagi kong inaaway noon, ngayon parang di ko na kaya kung mag-aaway kami. Yung batang lagi kong iniiwasan at ayaw rin akong makasama noon, ngayon para na kaming pinagdikit na bunga.
Ang dami ng nagbago pero isa lang ang alam ko. Ayaw kong mawala sa piling ko yung taong nakaupo ngayon sa intablado na hinahangan ng mga taong nakapaligid dito.
AC's POV
"Ano yan?" Tanong ni ate Ella habang sinisilip yung anklet na hawak ko. "Ganda! Sinong nagbigay?"
"Bea." I simply answer and ipinagpatuloy ang pagbukas ng regalo nung kinuha niya sakin yung anklet.
"What's that?" Ate Bea Tan asked. Tingnan ko siya and nakatingin din siya sa hawak ni ate Ella.
"Bracelet. Ganda no? Bigay yan ni Beadel." Sagot ni ate Ella na may makahulugang ngiti.
"Gaga! Anklet yan. Wala niyan sa bundok!" I said para sa akin matuon ang tingin ni BT at wag maghinala sa mga kinikilos ni ate Els.
"Bea got a really nicr taste." Komento ni BT at naglakad papunta sa kitchen.
Nandito kaming tatlo sa bahay dahil busy yung mga tao ngayon sa school kasi last day ng finals and sa isang araw graduation na nila ate Gi and ate Jia.
Wala na akong ginagawa ngayon kasi tapos na ako sa exams ko and even sa requirements. Bunga din ata to nung pag-iwas ko kay Bea noon at magsusob ko sa sarili ko sa school works.
Ibinalik ko sa box yung anklet na bigay ni Bea, lalagyan palang halatang mamahalin na.
She usually gives me expensive gifts pero bakit masyadong mahal naman ngayon? I erase the thought first and binuksan ko yung regalong bag ni ate Ella and nagulat ako na may picture namin ni Bea sa loob kaya sinarado ko ulit. Buti nalang hindi ko na katabi si ate Bea.
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...