AC's POV
Belle texted me na nakita niya daw si Bea sa bar na may kasamang babae pero baka daw friend lang naman kaya wag akong mag-alala.
Siguro kung ito ang unang balita na narinig ko yon, ipapawalang bahala ko nalang.
Pero hindi, eh. Liam, my blockmate, told me he saw Bea last week na may kasamang girl and they are sweet daw. Yanna texted me the same thing the other day. Sam also did yesterday.
Napabuntong hininga nalang ako kasi yun naman ang gusto kong mangyari, di ba?
After may nangyari samin ni Beatriz, naramdaman ko ang pagiging mailap niya sa akin.
She's so cold to me every training kahit yun nalang ang time na nagkakasama kami.
Palagi siyang may excuse kapag uwian na para wag kaming magsabay. Acads ang palagi niyang dahilan pero sunod-sunod din ang balita kong may iba siyang babaeng kasama.
I am doomed with what she's acting towards me. Naiisip ko na baka katulad din siya ng iba, na kapag nakuha na ang gusto niya sayo, mawawalan na ng gana sayo.
Pero alam kong hindi, kilala ko siya. She's not like that. Bata palang, I know her well already. Baka may pinagdadaanan lang din kagaya ko before and like what I said, she will always have my benefit of the doubt.
Natulog nalang ako para mawala ang mga iniisip ko pero hindi pa tumatagal binalot na naman ako ng sakit ng ulo, pagkahilo at sakit ng tiyan.
I press the button on my side table and after few minutes patakbong pumasok si mommy, daddy at yaya sa kwarto ko.
Pinainom nila ako ng gamot pero parang hindi ako makahinga this time.
"I can't breathe." Reklamo ko.
"You're so pale." Dagdag din ni mommy kaya agad akong kinarga ni daddy palabas ng kwarto.
Nararamdaman kong gumagalaw ang katawan ko pero unti-unting lumalabo ang paningin ko.
Nagising nalang ulit ako sa loob ng isang puting kwarto. Hawak ni mommy ang kamay ko at nakatayo naman si dad sa other side. Ilang sandali pa ay may pumasok na familiar na mukha na nakasuot ng white suit.
Napangiti ako as he smiles to me. Hindi siya ang doctor na nadatnan ko the last time I collapsed. He's the doctor I waited for how many months, sa kanya lang ako naging komportable.
"AC! AC! Long time ni see!" Saad niya habang natatawa at nag-apir pa kami.
He's like a friend to me kaya ganito nalang ako ka komportable sa kanya. Kaya niyang gawing magaan ang atmosphere kahit na ang seryosong usapan.
"Hey, young lady! May I remind you not to stress yourself. Papanget ka, sige ka." Natawa ako sa sinabi niya as well as my parents. Mom gives way to him and may binulong siya sa akin. "Baka palitan ka niya, ikaw din."
Sana nga palitan niya na ako para wala ng problema.
Nakita niya ata ang pag iba ng emosyon ko kaya pinitik niya ang noo ko.
"Every time you'll frown, isang pitik ang ibibigay ko sayo. I'll tell your mom and dad to count it para alam ko kung ilang pitik ang ibibigay ko sayo kapag magkikita tayo." Natawa ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...