Minsan nakakatakot din ang laro ng buhay.
May mga panahong liliparin ka papunta sa taas.
Sa pinakadulo na akala mo ito na.
Sa una ang saya-saya kasi sa wakas,
Sa wakas nandito ka na.Narating mo na yung matagal mo ng pinapangarap.
Pero darating yung pagkakataon na matatakot ka.
Kasi diba paulit-ulit nalang din naman
At alam mong babagsak at babagsak ka rin lang ulit.Ngunit habang patagal ng patagal na nasa itaas ka,
Ipagdadasal mo na sana dito ka nalang
Dito ka nalang kasi masaya pala talaga sa taas.
Totoo pala talaga ang heavens on earth
Na akala mo nung una sa kwento mo lang maririnig.Pero sa isang kurap mo lang
Lahat ng saya mo pwedeng mawawala
Kasi inihip ka na naman pala ng hangin papunta sa baba.
Papunta sa realidad na hindi sa lahat ng oras gusto mo yung masusunod.
Na hindi sa lahat ng oras masaya ka kasi itinadhana ka palang maghirap.
Yan ang kwento ng buhay ko. Yung akala ko magdadala sa akin sa taas, siya rin pala ang dahilan ng pagkakahulog at pagbagsak ko. Ipaparanas saakin kung ano ang buhay ng nasa itaas pero nung nasanay na ako, lalagapak din pala ako kasi bumitaw siya. Dumating ang pagkakataon na sumuko na ako pero pilit niya akong dinadala sa taas at ibababa lang rin lang naman ulit.
Masakit pero masaya. Mahirap pero masarap. Gusto ko ng bumitaw pero hindi ko kaya, hindi pwede.
*********************
Di ko alam kung may magbabasa pero at least I tried hahaha
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...