GAME 23

854 15 0
                                    

AC's POV

"Hindi naman sila sweet, ah." Mahinang bulong sakin ni ate Ella. I looked at her.

"Hindi ko rin alam, ate Els, eh. Di ba, they're sweet before?" I whispered back.

Tingnan kami ni Beatriz, I smile at her then ate Ella make a peace sign.

We continue watching until we saw ate Jho sits beside her.

"Ayan na ayan na. Ayusin mo ang mga mata mo pero wag kang magpapahalata." Bulong ulit nibate Ella.

"I know, I can see naman. Wag kang maingay."

This time, si Beatriz at si kuya Miguel na ang lumingon samin. We just smile at them again.

Ganun yung scene hanggang magdilim and matapos yung movie pero hindi talaga clingy ngayon si Bea and ate Jho sa isa't-isa.

Pumunta kami sa peryang sinasabi nila.

It's like a super mini EK na kapag umulan halos wala kang masisilungan.

Ate Jho told us na inaassemble lang daw yun kaya ganun ang itsura.

It looks fun, but at the same time nakakatakot because I don't even know if it's safe there. Pero sabi ni ate Ly, safe naman daw since ilang beses na siyang nakapunta sa mga perya before.

We tried their games first before the rides.

Una naming sinubukan yung may different colors and you'll gonna choose which color you think na makikita mo sa blocks. Then dun mo ilalagay ang pera mo. You can win double or triple your money depende sa colors na blocks na lalabas. 

Tuwang-tuwa si ate Ella kasi nanalo agad siya ng triple sa first try niya. Kami naman ni Bea hindi nakasali because we don't have coins.

After three rounds, nagdecide kaming magpabarya kasi pati sila ate Ly wala na ring coins. Si ate Ella and ate Gi nalang ang maraming coins kasi lagi silang nananalo.

Nung turn na magpapalit ni Beatriz, naubusan na rin ng coins yung parang cashier sa isang ride kaya pinalipat kami.

"Bakit ba kasi ang lalaki ng pera niyo?" Inis na tanong ni ate Els nung hindi na kami makahanap ng ibang stall na may barya.

"Hala siya! Di kasing size ng pera mo? Don't tell me kasing liit mo lang rin ang pera mo." Pang-aasar ni ate Jho sa kanya, making us all laugh except ate Ella.

"Ikaw Jho, ah. Pasalamat ka nasa baranggay niyo kami." Ate Ella warned her. Inakbayan ni ate Jho si ate Ella then naglakad na sila.

After namin magpapalit, nag try ulit kami dun sa dati pero after two tries, lumipat na kami.

We tried the one with cards. Yung parang may bola na maliit na mahuhulog and pipili ka nung sang card yun mapupunta.

Ang saya-saya ni ate Gi kasi halos lagi siyang nanalo at si ate Ella naman, ang lungkot na ngayon kasi lagi na siyang natatalo.

"Ano ba yan! Lugi pa ako ng 20 pesos." Maktol niya kaya nagtawanan ulit kami.

Nagtry rin si Kuya Miguel and Bea dun sa magbabaril ka ng ducks and ang prize is food or toys.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon