GAME 50

605 13 4
                                    

AC's POV

Parang something is urging me to visit our condo. Hindi ko alam pero after my last exam, I feel like I need or I want to go there.

Siguro to have my one last feel sa lugar na naging saksi sa lahat. Sa lugar kung saan ko nakasama sa halos araw-araw for almost four years yung totoong heaven on earth ko, yung totoong bahay ko.

Ang dami ko ng napuntahan this week. I usually go to the park of our village every morning before going to school.

Madalas din akong tumambay sa roof deck ng bahay namin. Doon sa park where I ate my first balot with her.

Dumaan din ako sa BEG kaninang lunch break. Bumisita rin ako sa bahay na nakatayo 2 blocks away from our house. I also went to Antipolo the other day. And nakiusap din ako sa parents ko na pumunta muna kami ng Japan bago tumuloy sa US.

I swipe my card sa door at sa pagbukas nito nalanghap ko ang pamilyar na amoy nito. Ang air freshener na kami mismo ni Bea ang pumili.

Kakabukas ko palang ng pinto pero naluha na kaagad ako na parang pinagsisisihan kong pumunta ako dito.

Ang lakas ng loob kong bumalik sa mga lugar na may masasayang ala-ala namin pero umiiyak lang din naman ako. Ang tanga ko to do this pero di ko magawang hindi sariwain ang mga panahon na kasama ko siya.

Umupo ako sa couch kung saan madalas namin ipagsiksikan ang mga sarili namin kapag madaming tao.

Naglakad din ako papunta sa kitchen where we usually eat together. Kung saan kami nagkukulitan kapag nagluluto ako or naghuhugas siya.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kusina. Ito ang mga bagay na kami mismo ang pumili kasi ang arte ni Bea sa mga utensils na gagamitin namin kasi gusto niya it's special daw.

Napangiti ako with the thought at kusang dinala na pala ako ng mga paa ko sa kwarto kung saan namin ginagawa ang mga requirements namin. Ang kwarto na palaging puno ng reklamo at kulitan kapag midnight na pero pareho pa kaming gising because of school works. Umiyak na rin ako dito dahil sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad papunta sa kabilang kwarto. Ito, dito sa loob na to nangyari ang lahat. Ang yakapan, halikan, harutan at ang pagsuko ko sa kanya ng lahat.

Umiyak lang ako ng umiyak sa kama na puno rin ng ala-ala namin ni Beatriz. Ang sakit na ang lahat pala ng yon ay mapupunta lang sa wala. Ang pagsasama namin na binuo namin for 17 to 18 years masisira lang pala.

Bumukas ang pinto ng kwarto na ikinagulat ko.

"Bea." Mahina kong tugon at pinunasan ang mga luha ko.

"I'm sorry. I don't know you're here." She said in a cold voice na walang kaemo-emosyon ang mukha. Pero kung hindi ako nagkakamali, may sakit akong nakita kanina. "I'll go now. I'm sorry again."

"WAIT!" Sigaw ko nung tumalikod siya.

Huminto siya sa paggalaw pero nakatalikod pa rin.

"Can I ask you a favor?" I asked bravely. Kung hindi niya man ako pagbibigyan at least this will be the last time na mapapahiya ako sa kanya.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon