GAME 24

828 12 1
                                    

AC's POV

"Bat pati sakin tinago mo?" Tanong ni ate Ella habang punong-puno ng cinnamon roll ang bibig niya.

"Ubusin mo nga muna yan. You're so gross!" I reacted habang dinudurog yung cake na nasa platito ko.

"Kawawa naman yan, bes. Walang laban yan. Dinurog-durog mo." Tinawanan ako ni ate Ella kaya as usual, I just rolled my eyes.

"Sorry! Alam ko kasing palagi kayong magkasamang dalawa. Request nga ni Beatriz na wag munang sabihin kay AC, di ba?" Ate Jho explained. Parehas kami tumango ni ate Els.

Nagdecide kaming magmeet ngayon kasi alam naming ate Jho needs us.

She told us everything. Na it was Bea's decision to keep their relationship a secret kasi hindi pa daw siya ready na malaman ng iba, na malaman ko.

Hindi ko rin alam kung bakit yun ang naging decision ni Beatriz. Pero siguro it's because she's her first? Oh no! Scrap that! Di nga daw pala naging sila. They just dated. Pero baka naman kasi she's afraid na malaman ng parents niya and there's a great possibility na they will know kapag alam ko.

I don't know if I'm just rationalizing or what though.

"AC, galit ka ba?" I looked at ate Jho and gave her a smile.

"Bakit naman ako magagalit? That's the decision of the both of you. I understand and I respect that." Binaling ko ulit ang atensyon ko sa cake.

Hindi ako galit pero alam kong hindi okay sakin yung naging decision nila. Ang dami ko ngang tanong dati, di ba? Pero wala akong magagawa. Like what I said, sa kanilang dalawa umiikot ang relationship nila and nasa kanila ang right na magdesisyon kung ano ang tingin nilang makakabuti para don. Kaibigan lang din ako na walang karapatang magalit and should I say can't be mad at them, di ko kaya.

"Galit ba sakin si Bea?" The way she asked that, she's being so careful.

"For sure, she's not. Siguro masama ang loob niya pero galit? That's another word." I ate the cake forcefully and I can say masarap pa rin kahit durog na.

Tahimik lang ulit kaming kumain. Ate Ella is looking at us from time to time.

I breathe deeply to have some guts to ask. "Bakit ka bumitaw?"

Nakuha ko yung attention nilang dalawa. They both stop eating.

"Kasi alam kong yun ang tama. Oo ramdam kong mahal niya ako pero ramdam ko rin na hindi yun buo. Kapag pinagpatuloy ko kung ano yung meron samin, masisira lang yun ng tuluyan. Masisira yung pinagsamahan namin na pareho naming pinapahalagahan. Mas mabuti na yung habang maaga pa, patayin na ang apoy. Alam kong she deserves someone better. Yung kaya niyang ipagsigawan sa mundo na mahal niya. Yung walang takot, walang pag-aalinlangan kasi yun ang totoong pagmamahal. Yung sa amin? Baka napaglaruan lang kami ng tadhana at alam kong hindi talaga kami ang para sa isa't-isa."

"Pero mahal mo? Minahal mo?" Ate Els holds her hand pero tuluyan pa ring nakayuko si ate Jho.

"Sobra at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Pero alam kong mawawala rin to soon. Konting tiis lang and konting ayos ng buhay." Ate Jho forces a laugh.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon