GAME 27

730 13 0
                                    

AC's POV

I don't know kung paano ako nakarating sa loob ng sasakyan ni Ethan. Parang tumigil yung utak ko kanina. Parang huminto yung nararamdaman ko. Nung bumalik ako sa realidad, nandito na ako sa loob.

Kumpleto pa rin kaming bumalik sa Manila. Of course, kahit magkakaaway yan for sure di nila pababayaan ang isa't-isa.

"Sino ang una kong ihahatid?" Matigas na tono ni Ethan. Alam kong he's still not okay.

"Can you please stop us over at Time? Kaming tatlong girls." Edmund asked him a favor. Ethan just nodded while his eyes were glued on the road.

I don't know na may plano pala silang girl's night out tonight.

"Drive Anton home first." Walang nagsalita pero alam kong papunta kila Anton ang tinatahak na daan ni Ethan. Nung nag U turn siya.

Out of the way yung suggestion ko kasi along the way ang village nila Anton kila Ethan at sa ibang dako naman ang Time pero walang nagreklamo. Alam nilang hindi pwedeng maiwan si Anton at Ethan na sila lang. Mahirap na, baka umabot to sa patayan.

Si Ethan ang pinakaseryoso at tahimik sa aming lahat. Minsan lang yan magjoke o magsalita pero either matatawa ka o masasaktan ka kapag yan nakabwelo. Peroa mong us, siya rin ang pinakaprotective.

Takbuhan ng lahat kapag may problema. Magkapatayan na wag mo lang saktan ang taong mahalaga sa kanya. When we were in high school, palagi yan naiiwan sa detention kasi kapag may nangtutukso kay Edmund about his sexuality makikipagsuntukan talaga yan.

Kapag nasasangkot din si Belle or Anton sa away mas galit yan. Never akong nagsumbong kay Ethan before kasi wala naman sakin nangbubully or umaaway. Tahimik ang buhay ko noong high school kasi nga hindi ko naman hinahayaang magpapasok ng iba sa buhay ko noon.

Ilang beses na rin yan nagrounded. Lahat na atang form ng pagdidisiplina, nagawa na sa kanya. Like no allowance, home and school lang, no car. His parents even sent him whole summer vacation sa Italy one time, maiwas lang sa gulo.

Pero never pa yan nasasangkot sa kahit na anong away na siya ang nauna o siya ang inaway.

Wala kasi siyang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya pero ibang usapan kapag tungkol sa taong mahalaga sa kanya.

That's the reason why takot ako sa kung ano ang kaya niyang gawin to Anton knowing na parang kapatid niya na rin si Jessica.

"Shorts too short, AC. And Belle magbbar ka ng ganyan? Lahat kayo girls and I know you can protect yourselves, but it will be best kung magpapalit muna kayo ng damit. Mabuti ng yung sigurado." Ethan said after namin ihatid si Anton.

"I have my cardigan. Belle can use this." Edmund offered. Belle's wearing a crop top kasi.

"I have my jacket on the back seat. Get it Edmund, give it to AC." Edmund did what Ethan told him.

"Wear that to cover that lacey short shorts of yours." Napatango nalang ako to what Ethan said.

"Thanks, E! Drive safely!" Belle kissed him on his right cheek and I did the same thing.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon