GAME 13

809 14 0
                                    

AC's POV

Late na ako nakauwi because I need to do a group project. School was just started pero may project agad and hey! 1 week lang ang deadline. Saya, ano?

I was about to get a water in the ref when I notice na ang daming food na nasa table. I look around pero I saw no one.

"San galing to?" I asked myself as if masasagot ko ang sarili kong tanong.

"Hey! You're here na pala." I tilt my head just to see Bea wearing a robe. Eyyy!

"Magbihis ka nga." Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa ref at kumuha ng tubig.

"Why? Do I look yummy?" She started dancing pa, a sexy dance.

"Mukha kang tanga." Natatawa kong sabi while rolling my eyes. "Bat ang daming food? Dumaan parents mo or parents ko?" Ganito kasi palagi every time bumibisita ang parents namin.

"Ouch, ha! Bawal na ba akong magtake out for us?" Tanong niya at talagang nagpout pa.

I get a slice of pizza and grab a bite. "Anong meron?"

"Wala lang. For dinner. Sabi mo kasi you'll go home late." Kumuha siya ng plato ang utensils for us.

"Sa dami nito, I doubt." Umupo ako sa tabi niya, letting her serve me.

She's pouring iced tea on our glasses when she smiling widely then move her brows up and down.

"You look like a maniac."

"Wag ka ngang kumain dyan." She's frowning now at kinuha pa yung plato ko kaya natawa ako.

"Hahahaha ang sensitive ni ate. Ano nga?" Hinila ko pabalik yung plato ko at hindi na rin siya nagmatigas pa.

"I guess, I already moved on." She said and honestly lahat ng pagod ko sa katawan nawala.

"What makes you think of it?" I want to make sure. Mahirap na.

"We had lunch together with Rene. Wala na yung spark. Wala na yung sakit." Sobrang simple ng pagkakasabi niya nun.

"Yun lang?" Naguguluhan kong tanong because I'm still looking for something.

"Ano pa bang iba? Basta she hugs me pero wala na talaga. It was just a normal hug nalang for me katulad ng hug ni Rene. Yakap kainigan, ganun." She added.

"Good for you." Yun lang ang kaya kong sabihin. Ewan, siguro kasi nagulat ako.

"Yun lang? Tagal ko nagmove on. Yun lang ang sasabihin mo?" Para siyang batang nagpapacute kung kanino.

"Anong gusto mo? Wow! That's great! I'm so happy for you. Keep it up. Tayo nalang!" I said it with full of sarcasm, making her mess my hair.

"Alam mo feeling ko may HD ka talaga sakin, eh." Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sinabi niya. This Freudian slip is not helping.

"Kapal nito. Di kita type." I fake a laugh para itago ang kabang namumuo.

"Ouch ha! Sakit sa ego, bes." With matching acting pa talaga ang pagkakasabi niya nun.

Natahimik kami after that. Pero Bea being Bea, of course hindi niya yun hahayaan. "So mutual pala ang feelings natin?"

"Huh?" Naguguluhan kong tanong. Paano naging mutual?

"Di mo ko type. Di rin kita type. Mutual di ba?"

'That's bullseye, Bei. Alam mo ba?!' I wanted to tell her that, but of course will never do it.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon