AGATHA POV
Nagpatuloy ang event may mga nagperform narin para aliwin ang mga bisita.
"I would like to welcome the Former CEO of Lee Sky, Mr. Marken Lee"- pakilala ng M.C sa papa ni Brayden. Agad namang pumunta sa taas si Tito Marken.
"Thank you for coming in our special day without you all Lee Sky won't reach 25th year. Thank you"- Tito Marken, at nagpalakpakan ang mga tao.
*FAST FORWARD*
Nagpatuloy ang event, hanggang sa kainan na pero hindi ako kumuha ng pagkain.
"Agatha, bakit hindi ka kumukuha ng pagkain?"- tanung ni Gianna sakin.
"No. I'm fine"- sagot ko sa kanya
"Hi"- napalingon ako ng marinig ang boses ng isang lalaki na matagal ko ng hindi nakikita.
"Adam!"- ako, at lumapit sa kanya.
Wow! Ang gwapo niya parin gaya ng dati.
"Kamusta?"- tanung niya
"Okay lang, ikaw kamusta ka naman?"- tanung ko sa kanya
"Okay lang rin. Matagal rin tayong hindi nagkita ah"- Adam
"Pinagtataguan mo kasi ako"- ako, at sinuntok siya ng mahina sa dibdib
"Wag jan!"- Adam
"Bakit?"- ako
"Minsan mo na ring nasaktan ito"- Adam, sabay turo sa dibdib niya.
"Pffft"- ako
"Oh? Sige tumawa ka!"- Adam
"Hahahaha, ang corny mo Adam"- ako
"Totoo naman"- Adam
"Saan si Mila?"- tanung ko sa kanya
Bigla naman siyang nalungkot. Bakit wala na ba sila?
"Bakit ganyan mukha mo?"- tanung ko sa kanya
"Wala na kami"- halos pabulong niya na sagot sa akin.
"Huh? Bakit naman?"- tanung ko
"Hindi ko alam. Bigla nalang siyang nakipaghiwalay sa akin. Ahh basta!"- Adam, halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Mila.
"Bro! Long time no see"- Aiden, kahit kailan extra talaga si Aiden.
"Kaya nga bro"- sagot naman ni Adam sa kanya. Umupo si Adam sa tabi ng upuan ko.
"Kailan ka pa bumalik?"- tanung naman ni Maya
"Kahapon ng gabi"- sagot ni Adam.
"Halos kasabay lang pala tayo"- ako at umupo.
"Bakit hindi ka kumakain?"- tanung ni Adam sa akin
"Busog ako at hindi naman talaga ako magtatagal dahil pupuntahan ko pa si Brielle"- ako
"Nga pala. Kamusta si Brielle?"- Adam
"Okay lang naman siya, malaki na rin"- Ako.
"Ang bilis ng panahon"- Adam
"Kaya nga"- ako
"Sige pupunta lang ako ng powder room"- paalam ko, tumango naman siya sakin. Naglakad na ako papunta sa powder room. Nagkasabay kami nina Brayden at Marian sa hallway. Ba't ngayon pa talaga? Nakahawak ang kamay ni Marian sa braso ni Brayden. Maglandian kayo hanggang kaya niyo. Nakasalubong namin ni Tito Marken.
"Hi tito"- rinig kong bati ni Marian kay Tito Marken.
Medyo nauuna sina Marian kaysa sa akin, kaya nasa likod nila ako.
BINABASA MO ANG
The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction(Highest Rank: #20 in Teenfiction) |Filipino-English Story| Book 2 of Married with a Casanova By: FlatteringDaisy🌼 ________________________________ This book was written around September 2018