BRAYDEN POV
Nung sinabi ni Agatha na kasama ni Marian si Brielle ay agad rin akung lumabas ng Kim's Agency. Pasakay na sana ako ng elevator ng sumirado ito kaya doon ako sa kabilang elevator sumakay.
Nung nakarating na ako sa ground floor ay agad rin akung pumunta sa parking lot. Nakita ko si Agatha na dali-daling sumakay sa kanyang kotse. At nung nakaalis na ang kotse niya ay doon na ako sumakay ng kotse ko.
Isa lang ang nasa isip ko na lugar kung nasaan si Marian. Binuhay ko na ang makina ng kotse saka pinausad ito.
*FAST FORWARD*
Nung makarating na ako sa CG Cafe, ay agad kong pinarada ang kotse saka lumabas.
Ito ang favorite na cafe ni Marian, lalo na kapag wala siyang magawa o di kaya wala siyang trabaho. Pumasok na ako sa loob at hindi nga ako nagkamali dahil agad kong nakita si Marian at Brielle. Naglakad ako papalapit sa kanila at habang papalapit ako ay napatingin si Brielle sa akin.
"DADDY!"-Brielle, dahilan mapatingin sa akin si Marian. At nung makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumayo sa akin.
"Babe"- Marian
Hindi ko siya pinansin at nilampasan siya. Agad kong kinuha ang bag ni Brielle na nasa tabi niya.
"Where's your phone?"- tanung ko kay Brielle dahil sa pagkakaalam ko may cellphone itong si Brielle, just in case.
Tinuro niya naman si Marian na nakatingin sa akin. Lumapit naman ako kay Marian.
"Ang cellphone ng anak ko?"- tanung ko kay Marian, agad niya namang binigay sa akin. Tatalikuran ko na sana siya ng pigilan niya ako.
"Babe! Please! I'm sorry!"- Marian na mahigpit na nakahawak sa kamay. Tinignan ko naman siya ng mataimtim.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?"- tanung ko sa kanya. At alam kong nakatingin na sa amin ang mga tao na malapit sa amin.
"I'm sorry. Desperada lang talaga ako na makita ka! You see? Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo"- Marian. Lumapit naman ako sa kanya
"Sa sobrang desperada mo may tao kang naaabala. Dinamay mo pa anak ko!"- sagot ko sa kanya saka siya tuluyang tinalikuran.
"Brielle, let's go"- aya ko kay Brielle.
Tumayo naman siya saka lumapit sa akin. Lalabas na sana kami ng Cafe ng harangan ulit ako ni Marian.
"Brayden please! Please! Talk to me"- Marian na halos lumuhod na. Pero hindi ko siya pinansin at patuloy na lumabas ng cafe. Nang makarating na kami sa kotse ay agad sumakay si Brielle sa loob. Nilagay ko muna sa back seat ang gamit ni Brielle saka patakbong pumunta sa driver's seat. Nung makapasok ako ay agad kong binuhay ang makina saka pinausad ito.
"Bakit ka sumama kay Tita Marian mo?"- tanung ko kay Brielle pero nasa daanan ang tingin ko.
"Ang sabi niya pinasundo mo daw ako"- saad ni Brielle. Napatingin naman ako sa kanya pero agad ko namang binalik ang tingin ko sa daanan.
May sinabi akung ganon?
Napaisip nalang ako, nagsinungaling pa talaga siya sa anak ko para magawa lang ang bagay na gusto niya.
"Call your Mom"- saad ko saka binigay sa kanya ang cellphone niya na nakuha ko kay Marian.
Agad niya naman itong kinuha. Kaya pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho.
"Mommy?... Yes Mom... I'm sorry... I know it's my mistake... I'm sorry... I'm fine... Yes...I'm with Daddy...Yes Mommy... Okay..."- Brielle
"What did she say?"- tanung ko matapos kong makita na binaba niya na ang cellphone niya.
"She's mad"- sagot ni Brielle sa akin
Napatango naman. I can already say that kahit kanina pa lang ay alam kong galit na siya dahil hindi siya pupunta sa office ko kung hindi importante and I know Agatha, hindi siya lalapit sa akin without any reason.
"Ihahatid na kita"- saad ko.
Nagpatuloy ang pagmamaneho ko hanggang sa makarating na kami sa labas ng bahay nina Agatha. Bumaba naman si Brielle samantalang ako kinuha ko ang gamit niya na nasa back seat.
Narinig kong nagdoorbell si Brielle, kaya bigla namang bumukas ang gate.
"Brielle!"- Alex
"Sorry Ate Alex"- paumanhin ni Brielle kay Alex
"Saan ka ba nanggaling?"- tanung ni Alex kay Brielle. Lumapit naman ako sa kanila
"N-nanjan po pala kayo Sir Brayden"- Alex, tumango naman ako sa kanya bago sumagot.
"Hinatid ko lang si Brielle"- saad ko saka tumingin kay Brielle.
"If you can get rid of your Tita Marian, please do."- saad ko.
"Why Daddy?"- nagtatakang tanung ni Brielle sa akin.
"Nothing, but please do"- sagot ko sa kanya.
"Okay Daddy"- Brielle saka ngumiti sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya saka tumingin kay Alex.
"Sige, alis na ako"- paalam ko. Tumango naman ako sa kanya kaya naglakad na ako papasok sa kotse ko.
Pagkapasok ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Marian.
Nakakailang ring palang ay sumagot na siya.
("Babe?")- sagot nito sa tawag.
"We need to talk"- saad ko.
("Babe, thanks god! I'm sorry for what I've done---")- Marian
"See you at my office"- sagot ko saka pinatay na ang tawag.
Nung pinatay ko na ang tawag ay binuhay ko na ang makina ng kotse saka pinausad ito papunta sa Lee Sky, dahil may kailangan akung pag-usapan with Marian.
Hindi ko inisip na darating ang araw na sasabihan ko si Brielle na lumayo kay Marian. Hindi naman sa delikadong tao si Marian pero iniisip ko si Agatha. I know that both of them are not good in terms because of me.
Hindi pa nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng kompanya. Agad kong pi-nark ang kotse ko sa parking lot saka pumasok sa loob. Binabati ako ng mga empleyado na nagtratrabaho dito. Tanging tango lang ang ang naisasagot ko sa kanila.
Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang top floor. At nung tumunog na ito na hudyat na nakarating na ako. At pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad akung lumabas.
Habang papunta ako sa office ko ay nakasalubong ko ang secretary ko.
"Sir, Ma'am Marian is in your office pinapasok ko na po. Ang sabi niya po kasi pinapunta niyo daw po siya"- saad ng secretary ko.
"Okay. Thank you"- sagot ko saka pumasok na sa loob ng office ko.
"Babe"- bungad ni Marian pagkapasok na pagkapasok ko.
"We need to talk"- ako
_____________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction(Highest Rank: #20 in Teenfiction) |Filipino-English Story| Book 2 of Married with a Casanova By: FlatteringDaisy🌼 ________________________________ This book was written around September 2018