CHAPTER 69

4.5K 93 67
                                    

AGATHA POV

THANK YOU FOR MARRYING ME 13 YEARS AGO.

Napakunot naman ang noo ko sa nabasa ko. Tinignan ko ang paligid at nakita kong nakatingin sa aming dalawa ang iba sa nga turista.

"What are you doing?"- tanung ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti sa akin at sinenyasan ako na huminahon. Agad naman niyang binuklat ang sunod na pahina.

BUT I WAS A COWARD. I DIDN'T TREAT YOU AS A WIFE. I'M SORRY.

Natatandaan ko 7 years ago nung sinabi ko sa kanya na never niya akung trinato na parang asawa niya. Napatingin ako sa kanya ng marinig kong nagsalita siya.

"I'm sorry Agatha. Kung hindi kita trinato na parang asawa ko lalo na't hindi ko nirespeto ang pagiging babae mo. I always cheat on you. I'm sorry"- rinig kong saad niya. Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. I remember kung ilang beses siyang nanloko. Agad niya namang binuklat ang sunod na pahina. Halos hindi ako makahinga dahil sa nabasa ko.

I'M SORRY IF  I DIDN'T TELL YOU ABOUT MARIAN.

Napayuko ako dahil sa nabasa ko. 5 years ago akala ko mabubuo na ang pamilyang hinahangad ko pero nung nalaman ko ang tungkol kay Marian na matagal na palang nobya ni Brayden, halos hindi ko na alam ang gagawin ko kundi ang umalis ulit kagaya ng ginawa ko dati.

"Agatha I'm sorry. Alam kong maraming beses na akung humingi ng tawad sayo at hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sayo. Yes. I admit that nagalit ako sayo, dahil tinago mo ang tungkol kay Brielle pero kinalimutan ko na yon dahil ang mahalaga ay hinayaan mo akung makalapit sa kanya.  And I'm thankful for that."- saad ni Brayden. Napahawak ako sa bag na suot ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi rin naman ako makatingin sa kanya at isa pa nakatingin ang ibang turista sa amin.

"Agatha, look at me. Please"- nang sabihin yon ni Brayden, agad na bumalik ang mata ko sa kanya.

AGATHA PLEASE FORGIVE ME. I think 7 years is enough para pakawalan ka pa ulit. Please comeback to me.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nabasa ko, at hindi ko namalayan na nagsituluan na pala ang mga luha sa mata ko. Nakita ko namang agad na lumapit sa akin si Brayden at pinahiran ang luha sa aking pisnge using his thumb.

"Please don't cry. I don't want to see you crying again because of me."- saad ni Brayden at niyakap ako. Napahigpit ang hawak ng isa kong kamay sa bag na suot.

"Please don't cry."- Brayden, at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Tinulak ko siya ng mahina dahilan mabitawan niya ako. "What are you doing? Why are you doing this?"- biglang tanung ko sa kanya.

"I know you won't believe me. But I really want you back"- sagot sa akin ni Brayden.

"Para ano pa? Para saktan ulit Brayden? Hindi pa ba sapat?"- tanung ko sa kanya, at nagsituluan ulit ang mga luha sa mata.

"It's not like that.."- hindi ko pinatapos na magsalita si Brayden at agad na pinutol ang  gusto niyang sabihin.

"Well yon ang pagkakaintindi ko"- sagot ko sa kanya at tumayo at naglakad na pabalik sa kotse. Nawalan na ako ng gana na ikutin pa ang buong lugar at mag-gagabi na rin.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Brayden, pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglakad. Hanggang sa makarating ako sa kotse at agad na sumakay sa passenger seat at pinikit ang mata ko at huminga ng malalim.

Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto sa driver seat, agad kong binuksan ang mata ko at tumingin sa labas.

"Agatha, I want you to listen to me. Kung ganon ang pagkakaintindi mo pwes hindi yon ang totoo dahil ang totoo..."- tulad kanina hindi ko ulit siya pinatapos.

"Umalis na tayo. Pagod na ako"- tanging nasabi ko. Kahit alam kong mas pagod siya dahil siya ang nag-drive simula sa hotel na pinagsi-stayan namin hanggang dito.

"No. Hindi tayo aalias hanggat hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin sayo"- napalingon ako kay Brayden ng sabihin niya iyon.

"Kung ayaw mong umalis ako nalang ang aalis."- sagot ko sa kanya at bubuksan na sana ang pinto pero may narinig ako na parang may na click at hindi ko na mabuksan ang pinto. Lumingon ako kay Brayden at nakita ko ang isa niyang kamay na nakapindot na master's lock.

Hindi makapaniwalang humarap ako kay Brayden. Wala na rin naman akung ibang magawa kundi ang makinig sa mga gusto niyang sabihin. "Tell me"- saad ko.

"All I want you to do is listen to me"- mahinahon sa utos niya sa akin. "You don't tell me what to do."- sagot ko naman sa kanya. "Please. Just listen"- pakaawa ni Brayden.

Umiwas naman ako sa kanya ng tingin sa halip tumingin nalang ako sa labas. Hanggang sa nag-umpisa na siyang magsalita.

"Do you remember the first time we saw each other?"- tanung ni Brayden.

Of course. Sagot ko sa utak ko, ang una naming pagkikita ay nung pumunta kami ni Mommy sa kompanya ni Daddy at nagkataon na doon rin siya kasama ang Daddy niya. I was 7 that time at 8 naman siya.

"It was in pre-school"- saad ni Brayden, agad naman akung napalingon sa kanya.

"No. The first time I saw you was at our company. What are you talking about?"- bulalas ko sa kanya.  Sinenyasan naman niya akung tumihimik. What is he trying to say?

"I see you don't remember. You approached me because you saw me crying because I don't want to go to school."- saad ni Brayden. Bigla namang may bumalik na alaala sa utak ko it was in pre-school nung may nilapitan akung bata dahil umiiyak ito.

"Bata, huwag ka ng umiyak"- saad ko na tila maiiyak na rin.

"Do not talk to me"- sagot ng batang lalaki sa akin. At pinahiran ang luha sa kanyang mata.

"Bakit ka kasi umiiyak?"- pahagulgol na tanung ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin at nilapitan ako.

"Why are you crying? Baka sabihin nila na pinaiyak kita. Tahan na"- saad nito at agad na hinagod ang likod ko.

"You're crying kasi. I don't like to see someone crying kasi naiiyak rin ako. It's your fault. Do not touch me."- at tinulak ko siya. Dahilan matumba siya. Narinig ko ang pag-aray niya. Tila na-guilty naman ako kaya agad ko siyang tinulungan na makatayo.

"What's wrong with you woman?"- tanung nito sa akin.

"Don't call me woman. My name is Agatha."- pakilala ko sa kanya.  At biglang may tumawag sa akin kaya umalis na ako doon. Pero bumaling ako muli sa kanya at nakangiti na kumaway.

"So simula bata palang pala pinaiyak mo na ako"- saad ko. Narinig ko naman na napatawa si Brayden.

"Umiyak ka kasi nakita mo akung umiiyak. Magkaiba yon Agatha"- saad ni Brayden.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin para makaalis na tayo."- tanging na sabi  ko.

________________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon