CHAPTER 51

3.4K 70 2
                                    

AGATHA POV

"Diba siya yung model?"

"May anak nga talaga siya"

"Anak niya pala yan"

"Ang ganda naman ng anak niya. Mana sa nanay"

"Sino kaya ang ama nung bata?"

"Ang swerte siguro ng ama nung bata"

Ilan yan sa mga naririnig ko.

"Daddy!"- sigaw ni Brielle saka kinaway ang kamay.

"There you are"- rinig kong saad ni Brayden.

Biglang nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong inakbayan niya ako.

"Ang sweet!"

"Pamilyar yung lalaki"

"Bagay silang dalawa"

"Diba yan yung anak ng dating may-ari ng Lee Sky Magazine?"

"Ang gwapo naman pala ng tatay"

"Ang ganda ng lahi nila magpamilya"

Agad ko namang tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Brayden at tinignan siya ng masama.

"Huwag mo akung idamay sa kagaguhan mo"- ako, saka inayos na ang gamit.

Hindi pa nagtagal ay nag-umpisa na ang program.

*FAST FORWARD*

Hapon na natapos ang Family Program at kung ano-anong games ang sinalihan namin. Inaamin ko na nag-enjoy ako. At ito ngayon si Brielle nakatulog.

Sa passenger seat ako ngayon nakaupo dahil nga natutulog si Brielle sa backseat.

"Anong nangyari sa mukha mo?"- biglang tanung ni Brayden.

Napalingon naman ako sa kanya pero agad ding umiwas.

"Wala"- sagot ko

"Is it because of Marian?"- seryosong tanung ni Brayden

"Alam mo naman pala ba't ka pa nagtanung?"- ako, habang nakatingin sa labas.

"I'm sorry"- Brayden

Sorry na naman?

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Sorry na naman Brayden. Hindi ka ba naririndi sa Sorry mo? Kasi ako rinding-rindi na!"- ako at tumingin sa kanya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo. Kung may problema kayo ng karelasyon mo pag-usapan niyo. I can take pa na ako ang nasaktan pero once na nadamay si Brielle dito. I swear Brayden!"- Ako

"I know. That's why I break up with her"- Brayden

"Don't tell me Brayden that hindi mo rin siya minahal! I know you Brayden, lahat kami ay parang collection mo lang! Are you happy that marami kang napaiyak na babae? Huh?"- ako

Hindi naman siya nakasalita. Kaya hindi na ako nagsalita. Nag text ako kay Alex na hinatayin kami sa gate para kunin si Brielle at mga gamit.

Hindi pa nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Agad ko namang natanaw si Alex sa labas ng gate.

Lumabas ako agad at kinuha ang mga gamit sa compartment. Tinulungan naman ako ni Alex at nung naipasok na lahat ay binuksan ko ang pintuan ng backseat saka binuhat si Brielle.

"Ako na Ate"- Alex at kinuha sa akin si Brielle

"Sa kwarto niya mo siya dalhin"- ako, agad naman siyang tumango at pumasok sa loob.

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon