CHAPTER 49

3K 60 1
                                    

AGATHA POV

It's sunday at nag day-off ako sa opisina. Syempre! Kailangan ko rin magpahinga at kailangan ko ring ipagaling ang sugat ko sa pisnge. Kahit nga anak ko nagtataka kung bakit meron akung band-aid sa pisnge. At ang sabi sa akin ni Brielle bukas daw ay Family day nila.

"Mommy, Daddy said he's coming with us"- saad ni Brielle at hindi mo mapagkakaila ang saya sa tono ng boses niya.

"He is?"- tanung ko sa kanya

"Yes. I call him kasi and asked him of he can go with us tomorrow and he said 'sure, why not?' And I think that's a yes"- sagot sa akin ni Brielle

"Okay"- tanging nasagot ko.

"Ate"- napalingon ako ng tawagin ako ni Alex

"Ano yon Alex?"- tanung ko sa kanya

"Galing po sa school ni Brielle, para po ata bukas"- Alex at binigay sa akin ang isang sulat.

Agad ko naman itong binasa.

Brielle Jewel Lee
-Cake (optional)
-any dessert
-foods
-drinks

"Sige, Alex magluluto tayo mamaya ng dadalhin natin bukas"- ako

"Sige po Ate"- Alex, at kinuha sa akin ang papel.

"Magpa-order ka na rin ng cake"- saad ko. Tumango naman siya sa akin.

Tumayo ako saka pumunta sa garden, para tignan ang mga bulaklak na tinanim ni Amelia. Mahilig si Amelia sa mga bulaklak kaya siya nagtanim ng bulaklak dito sa likod. Nang biglang nag ring ang cellphone ko.

"Hello?"- sagot ko sa tawag

("Agatha, I need your help")- Addison

"Bakit? May nangyari ba?"- agad na tanung ko sa kanya

("He's back")- sagot ni Addison dahilan maguluhan ako.

"Who? Who's back?"- balik na tanung ko sa kanya

("Marco. Marco's back at gusto niyang kunin sa akin ang anak ko. Agatha! You know that I can't live without my son")- Addison, at medyo napiyok pa yung boses niya. I bet she's crying.

"Are you okay?"- ako

("No! I'm not! Kanina pa siya sumisigaw sa labas ng bahay. Kinakabahan na rin si Alexson sa kanya, Agatha I don't know what to do")- Addison

"Sige pupuntahan kita"- ako, saka pinatay ang tawag.

Bumalik ako sa loob ng bahay saka kinuha ang susi ng kotse.

"Alex, aalis muna ako sandali. Ihanda mo na ang lulutuin natin dahil sa pagbalik ko mag-uumpisa na tayo"- ako

"Sige po ate"- sagot ni Alex

"Pupuntahan ko lang si Tita Addison mo Brielle"- paalam ko kay Brielle

"Okay Mommy, ingat"- Brielle. Tumango naman ako sa kanya, kaya lumabas na ako ng bahay saka sumakay sa kotse at binuhay ang makina at pinausad ito.

Hindi naman ganon ka layo ang bahay ni Addison sa amin kaya agad rin naman akung nakadating. Malayo pa lang ay mag bulto ng tao na akung nakikita sa labas ng gate nina Addison, and it's Marco.

Agad akung lumabas ng kotse ko saka naglakad papalapit sa gate nina Addison.

"ADDISON! IBIGAY MO SA AKIN ANG ANAK KO!"- rinig kong sigaw ni Marco

"ANO BA! UMALIS KA NA SABI!"- rinig kong sigaw pabalik ni Addison sa kanya

"Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakukuha ang anak ko!"- madiin na saad ni Marco

"Bakit? Nasaan ka ba nung kailangan kita? Nasaan ka nung hinahanap ka anak mo? Siguro nga hindi ka pa magpapakita kung hindi ka pa nakokonsensya eh"- sagot naman ni Addison. Lumapit naman ako sa kanila.

"Addison"- tawag ko kay Addison

"Agatha"- Addison at lumapit sa akin. Tinignan ko naman si Marco

"At tumawag ka pa talaga ng back-up! Addison wala ka ng magagawa kundi ibigay sa akin ang anak ko!"- matigas na saad ni Marco

"Marco tumigil ka na"- saad ko. Dahilan mapatingin siya sa akin.

"Ikaw diba yung model? Model na nagkaanak rin! Diba si Brayden Lee ang ama ng anak mo?"- tanung nito.

"Umalis ka na Marco! Hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!"- Addison

"Diba ikaw yung Agatha? Diba nilayo mo rin ang anak mo kay Brayden diba?"- Marco, hindi nito pinansin ang sinabi ni Addison.

"Mukhang hindi naman ata maganda na manghimasok ka sa buhay ng iba diba?"- tanung ko kay Marco

"Exactly! Ikaw na mismo nagsabi na pangit tignan na maghimasok ka sa buhay ng iba, so ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Lumalabas?"- tanung sa akin ni Marco habang nakangisi.

"Wala akung paki-alam. Isa lang naman ang alam ko ito ay tinakbuhan mo si Addison nung kailan kailangan ka niya. Bakit Marco nakakababa ba ng pagkalalaki mo ang maging isang ama? Ang panagutan ang nabuntis mong babae? Dahil sa lahat ng nangyari, babae palagi ang kawawa. Sige let's say na One night stand ang nangyari sa inyo, pero may nabuo! May nabuong bata!"- salaysay ko

"Kaya mga bumalik ako diba? Dahil gusto kong itama ang pagkakamali ko."- Marco

"Kaya kinukuha mo ang bata? At sa palagay mo tama yon? To tell you! It's not! Co'z at the first place Marco dapat pinagutan mo ang bata. Hindi yung magtatago ka at magfe-feeling binata pa! Dre! May anak ka na! Nakapasok yung walang kwenta mong sperm cell sa mala-dyosang egg cell ni Addison kaya nabuo ang mala-anghel na bata. Ang pagkakaalam ko si Addison lang nagpalaki kay Alexson, siya ang nagpakahirap na alagaan ang anak niyo na dapat sabay niyong inaalagan."- mas mahaba kong salaysay.

"Bakit ikaw Agatha? Tinago mo kay Brayden na may anak kayo diba? Ba't di mo sinabi sa kanya? Handa naman siyang tanggapin na may anak siya ah. Ba't mo tinago?"- balik sa akin ni Marco at unting-unting lumalapit.

"Marco! Umalis ka na!"- Addison at humarang sa harapan ko.

"Wala kang alam. Wala kang alam para itanung sa akin yan! Dahil kung may alam ka hindi mo tatanungin niyan"- ako

Natawa naman si Marco sa sagot ko.

"Ako walang alam? Diba nagkarelasyon si Addison at Brayden? Mukhang yon nga ata ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo eh!"- Marco

"STOP IT!"- sigaw ni Addison

"Bakit Addison? Nahihiya ka? Na mismong nagtatanggol sayo ngayon ay yung inagawan mo ng asawa?"- Marco, hindi napigilan ni Addison na hindi masampal si Marco.

"Ang bastos ng bunganga mo kasing bastos ng pag-uugali mo!"- Addison

"Umalis ka na! Kung ayaw mong magpatawag kami ng police. Baka nakakalimutan mo Marco trespassing itong ginagawa mo"- banta ko sa kanya

"Tandaan mo to Addison, kukunin ko sayo ang anak ko!"- Marco at tumalikod na at sumakay sa kotse niya.

______________________

VOTE AND COMMENT

-FOLLOW ME SWEETIE💕

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon