CHAPTER 31

3.3K 67 1
                                    

BRAYDEN POV

PINARADA ko na ang kotse sa labas ng bahay nina Agatha. Napalingon naman ako kay Agatha at nakita kong mahimbing ang tulog niya. Paano kaya kung hindi ako dumating kanina?  Ano kaya ang mangyayari sa kanya?. I'll make sure na pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Agatha.

Mahimbing ang tulog ni Agatha kaya tinignan ko muna siya. Hinawi ko naman ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya. How a beautiful face.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ko at saka umiling

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ko at saka umiling. Lumabas ako ng kotse saka nag doorbell.

*ding-dong-ding-dong*

Bigla naman bumukas ang gate at nakita ko naman si Alex, ang dating yaya ni Brielle. She still work for Brielle?

"S-sir?"- Alex

"Pwedi mo bang buksan ang pinto. Kasama ko si Agatha at tulog siya"- ako

"Sige po Sir"- Alex, at niluwagan ang gate. Bumalik naman ako sa kotse at dahan-dahan na binuhat si Agatha.

Binuhat ko si Agatha papasok sa bahay nila, papunta sa kwarto ni Agatha. Nang makarating kami doon ay agad ko siyang hiniga sa kama niya.

"Brayden"- napalingon ako ng may tumawag sa akin.

"Amelia"- ako

"Anong nangayari kay Agatha?"- tanung nito at lumapit kay Agatha.

"May gulo lang naman. But I'll let Agatha, tell you"- sagot ko sa kanya

"Ganon ba?"- Amelia

"Sige. Alis na ako Amelia"- paalam ko sa kanya

"Sige. Salamat Brayden"- Amelia

Lumabas na ako sa kwarto niya. Nakasalubong ko naman si Alex.

"Alex"- tawag ko sa kanya, lumingon naman siya sa akin at agad na lumapit.

"S-sir?"- Alex

"Saan dito ang kwarto ni Brielle?"- tanung ko sa kanya

"Ahh. Doon po Sir"- Alex, at tinuro ang isang kwarto na katabi ng kwarto ni Agatha.

"Salamat"- ako, at naglakad papunta sa kwarto ni Brielle.

Binuksan ko ang pinto, at nakita ko si Brielle na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan naman akung lumapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang buhok.

Hindi pa nagtagal ay lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso na sa labas saka sumakay sa kotse. Kailangan ko pang pumunta sa Police Station.

AGATHA POV

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw. Napatingin ako sa bintana at nakita kong nakabukas ito. Tumingin naman ako sa paligid, at nakahinga ako mabuti ng nasa kwarto ako.

Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa bag na nakalagay sa side table. At nakita ko ang mga text galing kina Amelia at Scarlet. Mukhang kagabi pa ata ito.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Nakita ko si Amelia na pumasok habang may hawak na tubig.

"Agatha"- tawag niya sa akin

"Amelia"- ako

"Uminom ka muna"- Amelia, at bibigay sa akin ang isang tubig ng baso.

"Salamat"- ako, at agad na ininom ang tubig na binigay niya.

"I heard what happened sayo last night. Kinulit ko kasi si Brayden. Are you okay?"- tanung nito at umupo sa gilid ng kama

"Okay na ako ngayon. But l-last n-night I w-was f-freaked out"- nauutal na sagot ko sa kanya. Kapag iniisip ko ang nangyari kagabi hindi ko mapigilang matakot.

"Sinabihan ako ni Brayden, at sabi niya nasa kulungan na daw ang dalawang mokong na yon"- Amelia. Napatingin naman ako sa kanya nung sabihin niya iyon.

"Si B-brayden?"- ako. Tumango naman siya sa akin.

Nilapag ko ang baso na hawak ko saka bumaba sa kama, at naglakad ako papalapit sa closet ko pero hindi pa ako nakakalapit ay bigla akung natumba at napahawak ako sa paa ko ng kumirot ito.

"Oh my gosh! Agatha!"- Amelia at lumapit sa akin at tinulungan akung makatayo.

"Sh*t!"- mahinang mura ko ng mas kumirot ang paa ko.

"Ba't namamaga yang paa mo?"- tanung niya. Kaya napatingin ako sa paa ko. Sh*t! Namamaga, kaya pala sobrang sakit.

"From last night"- simpleng sagot ko sa kanya.

"Here let me help you. Wag mo munang bigyan ng force jan sa paa mo na yan"- Amelia at tinulungan akung maka-upo sa kama.

"Wag ka munang maglakad para hindi lumala ang pamamaga"- Amelia

"Pero kailangan kong pumunta sa office"- ako

"Agatha naman. At least for now makinig ka"- Amelia

"Don't worry Amelia, dadaan ako sa hospital para magpatingin"- ako

Nung una nag-aalangan pa siya pero agad rin naman siyang pumayag. Tinulungan niya akung maglakad papunta sa C.R at presinta na rin siyang kunin ako ng damit sa closet. I know Amelia, she have a good fashion.

*FAST FORWARD*

Dahan-dahan akung bumaba sa hagdan at hindi ko masyadong binibigyan ng force ang kaliwa kong paa. Nang makababa ako ay dahan-dahan rin akung naglakad papasok sa kitchen at may nakita akung plastic doon na inaarange ni Alex.

Mukhang familliar ang plastic na iyon, at iniisip ko kung saan ko ito nakita at napagtanto ko na ito pala ang mga pinamili ko kahapon.

"Alex, sino nagdala niyan dito?"- tanung ko

"Ah si Sir Brayden po Ate"- sagot niya sa akin

"Pumunta siya dito?"- tanung ko

"Opo. Kanina, at nagpresinta na rin po siyang ihatid sa school si Brielle"- sagot ni Alex

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang pinamili ko kahapon.

"Buti nalang Ate hindi na bulok itong karne"- Alex. Tumango naman ako sa kanya at naglakad ako pabalik sa salas. At may nakita akung coat doon.

"ALEX"- tawag ko sa kanya at bigla naman siyang dumating.

"Bakit po Ate?"- Alex

"Kanino ito?"- ako, at tinaas ang coat.

"Hindi ko po alam Ate, pero nakita ko po yan kagabi na suot niyo. Ako nga po ang naglagay jan"- Alex

Wala naman akung suot coat kahapon, at si Brayden lang rin ang huli kong nakasama.

TAMA!! Kay Brayden ito.

"Alex, paki labhan nalang ito. Kukunin ko ito mamaya"- ako, at naglakad na papunta sa kotse ko. Nang makasakay ako ay binuhay ko na ang makina at agad na pumunta sa pinakamalapit na hospital. Para ipatingin ang paa ko.

______________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon