CHAPTER 14

4.4K 101 31
                                    

HAPPY BIRTHDAY SA ISA SA MGA READERS🎂🎂🎂🎉🎉🎉🎉 annexxkaye. This chapter is dedicated to you❤❤. Happy Birthday🎉🎉.

AGATHA POV

Ilang linggo na rin ang nakaraan at dito na rin minsan si Brayden sa Kim's Agency. I wonder kung napapabayaan niya na ang Lee Sky? Remember? Siya rin ang CEO doon. Bakit niya pa kasi pinagsisiksikan ang sarili niya dito sa Kim's Agency kung saan maliit ang office niya kaysa doon sa office niya sa Lee Sky.

Kinuha ko ang isang folder na binigay kanina ni Freyah. At saka ito binuksan at binasa. Pero nagtaka ako ng makita ko ang pangalan ni Brayden sa baba. Hindi naman pala para sa akin to. Pinindot ko ang intercom saka tinawag si Freyah.

"Freyah?"- tawag ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

"Freyah?"- ulit ko. Pero tulad kanina walang sumagot. Kaya naisipan ko nalang na lumabas ng office saka kumatok sa office ni Brayden.

*tok-tok-tok*

"Come in"- rinig kong sagot ni Brayden sa kabilang pintuan. Kaya agad ko naman na itinulak ang pinto at tumambad sa akin si Brayden na nakaupo sa swivel chair at napatingin siya sakin. Pero napatingin ako sa side kung saan may sofa at nakita ko doon si Marian na nakaupo, habang nakatingin sa akin ng masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

BRAYDEN POV

Nagpumilit si Marian na sumama sa Office ko sa Kim's Agency. Kaya wala akung nagawa kundi pumayag. Pagkarating namin sa office ko agad siyang umupo sa sofa.

"Sakit ng paa ko!"- reklamo niya. Napatingin ako sa paa niya. Bakit kasi siya nagsuot ng heel ng sobrang taas.

Agad naman akung umupo sa swivel chair ko. At nakita ko ang mga nakatambak na papeles na kailangan permahan. Ang iba dito ay sa Lee Sky ang iba naman ay Kim's Agency. Vice President ako ng Kim's Agency, kaya medyo marami-rami ang gawain.

"Busy?"- Marian, at lumapit sa akin.

"Marami akung dapat permahan"- ako at pinakita sa kanya ang mga folder.

"I see"- Marian.

At umupo ulit siya sa sofa saka kinuha ang cellphone niya.

*FAST FORWARD*

*tok-tok-tok*

"Come in"- sagot ko kahit hindi na ako tumingin. Baka yan na yung secretary. Agad naman bumukas ang pintuan kaya napatingin ako at nagulat ako ng makita si Agatha. Napalingon naman siya sa gawi ni Marian. Napatingin naman ako kay Marian na masama ang tingin ngayon kay Agatha. Tinaasan lang siya ni Agatha ng kilay, saka lumapit sa akin at nilapag ang isang folder sa table ko.

"Na halo sa mga papeles ko"- saad ni Agatha. At nag lakad na siya papunta sa pinto.

"Thanks"- saad ko. Tumango lang siya. Bigla namang tumayo si Marian mula sa pagkakaupo.

"What are you doing here?"- tanung ni Marian kay Agatha

AGATHA POV

"What are you doing here?"- tanung sakin ni Marian. Nilingon ko naman siya at tinignan ko ang paligid. Tsaka tinuro ang sarili ko.

"Ako?"- sarkastic na tanung ko

"Sino pa ba?"- Marian

Napatingin naman ako kay Brayden na tila naguguluhan.

"Mukhang hindi pa nasasabi ng nobyo  mo sayo na ako ng CEO ng kumpanyang tinatapakan mo!"- seryoso kong saad habang nakatingin sa mata niya ng diretso.

"What?"- napatingin naman siya kay Brayden, saka ako binalingan.

Aalis na sana ako ng hablutin niya ang braso ko.

"You should be in New York"- Marian, tinaasan ko na naman ulit siya ng kilay.

Nakikinig lang si Brayden, dahil alam kong ayaw niyang palakihin ang gulo pero ang babaeng to ay masyadong makapal ang mukha.

"Mukhang pati ikaw ay Stalker ko na ah! Pero,  wala kang paki kong nasa New York man ako o wala!"- ako

"What the! You!"- Marian, at tinuro-turo ako.

Tinanggal ko naman ang kamay niya na nakaturo sakin.

"Marunong kang lumugar! Tandaan mo! Teritoryo ko ang inaapakan mo! At huwag na huwag kang gagawa ng gulo dito! Kung hindi mangkakasubukan tayo!"- babala ko sa kanya. Saka tumingin kay Brayden at lumabas na ng office niya. Wala akung paki kung natakot man siya. Wala siya sa lugar na turo-turuin ako.

BRAYDEN POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Agatha, tinignan ko si Marian ng nakakunot ang noo. Lumingon naman siya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"- may galit sa boses niya

"Hindi naman yon importante"- ako

"Para sayo! Pero para sakin importante! Brayden, she's your f*cking ex-wife! Your ex-wife. And malalaman ko nalang na your working with your ex-wife"- Marian

"Kagaya ng sabi mo she's my Ex-wife. She's from the past"- ako

"Yes she is! But we can't deny that she'll love you"- Marian.

Mahal ba talaga ako ni Agatha.

"It's not big deal Marian"- ako, at pinagpatuloy ang pagbasa ng papeles.

"F*ck Brayden! No! Gusto ko lang malaman kong bakit hindi mo sinabi sa akin! All I want you do is tell me!"- Marian.

"How many time do I have to tell you that it's not big deal!"- nauubusan na rin ako ng pasensya.

"And how many time do I have to tell you that it's a big deal for me! In my part! She's still your ex-wife, she used to lived with you in one house. And worst is you have daugther!"- Marian.

"Marian! Past is Past!"- ako

"Paano kung iwan mo rin ako gaya ng pag-iwan mo sa kanya?"- biglaang tanung ni Marian. Ano bang pinagsasabi niya?

"Marian. Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na"- saad ko

"See? Hindi ka makasagot! Uuwi talaga ako!"- Marian at kinuha ang bag niya saka lumabas ng office ko.

Napafacepalm naman ako. Arrgh! Marami na ngang trabaho, dumagdag pa sa sakit ng ulo. Dapat pala hindi ko muna siya dinala dito sa Kim's Agency kung alam kung mangyayari lahat ng to. Bakit niya kasi hinuhungkat ang dati? Tapus na kung tapus! Wala na kung wala na! Bakit niya pa binabalikan ang dati? Natatakot siya na baka iwan ko siya kung paano ko iniwan si Agatha? Sandali! Ako ba ang nang-iwan? Siya ang umalis diba?

______________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon