CHAPTER 29

2.9K 67 1
                                    

AGATHA POV

["Yes Agatha, naghahanap ap rin kami"]- sagot naman ni Mila

"That's good."-ako, at ngumiti.

["Bakit mo natanung? May ere-recomend ka ba?"]- tanung nito

"Actually yes, a friend of mine. She have this mannequin body. Kaya gusto ko sana siyang e-recomend"- saad ko naman

["That's cool. May I know kung sino?"]- Mila

"Her name is Addison, Addison Tremaine"- sagot ko sa tanung niya

["Her name is quite famiiliar"]- Mila

"We attended to the same school, Mila"- ako

["Ah. Kaya pala mukhang familliar, and by the way Agatha thank you sa tulong"]- Mila

"Don't mention it."- ako, at pinatay na ang tawag. Si Addison nalang ang kailangan kong tanungin. Binalik ko naman ang cellphone ko sa bag saka pinagpatuloy ang paggro-grocery.

Nang mabili ko na ang lahat na kakailangan sa bahay ay pumunta agad ako sa counter saka binayaran ang mga pinamili. After that, lumabas na ako at nilagay sa compartment ng kotse ang mga pinamili. Saka ako sumakay sa kotse ko.

Habang nagmamaneho ako ay nagpapatugtug ako sa stereo. Hanggang sa may nararamdaman ako na parang may mali sa sasakyan. Napakunot naman ang noo ko.

"What happened?"- tanung ko sa sarili ko. Bumaba ako ng kotse saka tinignan ang mga gulong at nakita ko na ang isang gulong ay flat. How come?

Mapamura nalang ako. Paano na to? Hindi pa naman ako marunong mag-ayos nito. And, tumingin naman ako sa paligid. Dahil madilim na ay iilang tao nalang ang dumadaan, tsaka madilim na lugar pa ako tumigil. Napalingon-lingon naman ako sa paligid. Hanggang sa may nakita akung dalawang lalaki na naglalakad, agad naman akung lumapit sa kanila.

"Manong, pwedi niyo ba akung tulungan? Flat po kasi yung gulong ng kotse ko"- saad ko. Napangiwi naman ako ng maamoy kung mukhang lasing sila. Umatras naman ako. Mali ata ako ng nilapitan. Naglakad naman ako pabalik sa kotse ko ng hawakan ako ng isang lalaki sa pulsohan. Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang kirot dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.

"Ah. Manong, lasing po ata kayo. Kaya bitawan niyo po ako"- saad ko habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Napadaan ka ata Miss"- saad ng isang lalaki at lumapit sa akin. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa.  Hindi naman ako mapakali dahil alam kong nakatingin sa mga legs ko. Napapikit naman ako habang mahina na nagdadasal.

"Tutulungan ka namin, sa isang kondisyon"- saad ng lalaking nakahawak sa akin. Tinignan kk naman siya.

"A-anong k-kondisyon?"-  kinakabahang tanung ko.

"Maganda ka naman Miss eh, kaya..."- saad nito at mas lumapit pa sa akin at hinawakan ang likod ko.

Agad ko naman siyang tinulak. Sh*t! Bakit kasi sa kanila pa ako lumapit.

"Lalaban ka pa. Tutulungan ka naman namin Miss eh. Kahit isa kang naman"- lalaki 1

"A-ano b-bang p-pinagsasabi mo! B-binawan mo a-ako!"- nauutal na saad ko. It's first time in my life na matakot ng ganito at maranasan.

Napasinghap naman ako ng maramdaman ko ang isang kamay ng lalaki sa likoran ko pababa sa pwetan ko.

"P-please! H-huwag"- ako, habang tumutulo ang luha galing sa pisnge ko.

Nang maramdaman ko ang kamay niya na makapit sa na pwet ko ay sinipa ko siya. Kaya nakawala ako mula sa pagkakahawak niya. Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa kotse ko, medyo nasa kalayuan kasi amg kotse ko. At naka heels pa ako. Nung malapit na ako sa kotse ay nagulat ako ng may humawak sa akin sa paa, dahilan para matumba ako. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko dahil mukhang nadislocate ang paa ko, dahil sa pagkakatumba ko na nakaheels.

Pero kahit masakit ang paa ko ay hindi ko ito ininda at pinagsisipa ang nakahawak sa paa ko. Saka pinilit na tumayo. Bubuksan ko na sana ang kotse ko ng biglang may humawak sa akin at pinaharap ako sa kanya ng sapilitan saka ako hinahalikhalikan pero nilalayo ko ang mukha ko mula sa kanya.

"TULONG!!"- sigaw ko. Kahit alam kong walang makakarinig sa akin dahil wala nang taong dumadaan.

"P-please! M-manong! H-huwag po! N-nagmamakaawa p-po ako!"- ako, at unti-unti na akong napapaupo dahil sa sakit ng paa ko at hindi ko kayang tumayo.

Umiiyak na rin ako habang nilalayo pa rin siya sa akin. At nagulat ako ng bigla nalang siyang bumalagta at pinagsusuntok siya ng isang lalaki. Tumayo naman ako at nanlaki ana mata ko makita ko si Brayden na sinusuntok ang lalaki na sumubok na halikan ako. Napasinghap naman ako ng suntukin ng isang lalaki si Brayden, dahilan na mapahiga si Brayden pero agad rin naman siyang tumayo at sinuntok ang lalaki. Binuksan ko naman ang kotse saka kinuha ang cellphone ko sa bah bago nag emergency call sa police. Saka ako lumabas at nagulat akk ng may hawak ng bato si Brayden, at kahit sobrang sakit ng paa ko ay tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"T-tama na! T-tama na B-brayden!"- saad ko habang umiiyak at nakayakap sa likod niya. Naramdaman ko namang binaba ni Brayden ang hawak niyang bato saka ako pinaharap sa kanya at niyakap siya. At doon na lumabas lahat! Nag-umpisa na akung humagulgol, at nanginginig na rin ang mga katawan ko dahil sa takot at kaba.

"Shhh. Okay na"- rinig kong saad ni Brayden, at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi pa nagtagal ay narinig ko na ang siren ng mga pulis. At nakayakap pa rin ako kay Brayden habang umiiyak. Hinawakan naman ni Brayden ang mukha ko at nagkita ang mga mata namin, napatingin ako bigla sa bandang labi niya kung saan may pasa siya. Ito siguro ang nakuha  niya nung sinuntok siya ng isang lalaki.

"Let's go. Mga police na bahala dito"- Brayden at inilalayan akung maglakad. Dumaan muna kami sa kotse ko para kunin ang mga gamit ko saka lumapit sa kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, kaya agad akung sumakah sa passenger seat. Tumakbo naman siya papunta sa driver seat saka sumakay. Lumingon naman siya sa gawi ko, at nagkita ulit ang mata naming dalawa. At hindi ko maiwasan na hawakan ang sugat niya, at naramadaman kong napaigtad siya ng hawakan ko ito.

"Kunting sugat lang naman ito"- saad nito

"D-dumaan muna tayo sa c-convience store"- saad ko. Kinakabahan pa rin ako kahit tapos na. It may be the worst part of my life!

"But--"- Brayden

"P-please"- ako

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Brayden.

"Okay"- Brayden, at binuhay na ang makina ng kotse.

_____________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon