CHAPTER 32

3.2K 68 1
                                    

AGATHA POV

NAKARATING na ako sa harap ng kompanya. Dahan-dahan rin akung maglakad papasok sa loob. Sabi sa akin ng doctor kanina. Nadislocate nga ang paa ko pero hindi naman daw ganun kalala. Pero kapag igalaw ko daw ito ng igalaw may chance na mapuruhan ito.

Sumakay agad ako sa elevator papunta sa kotse ko. After a couple of seconds ay tumunog na ang elevator hudyat na nandito na ako. Pagkabukas ng elevator nakita ko si Freyah na nakaabang.

"Ma'am. Tulungan ko na kayo"- Freyah, at tinulungan ako na maglakad.

"Paano mo nalaman?"- tanung ko sa kanya

"Nandito po kasi kanina sa Sir Brayden, para i-check ang office niya. At sinabi niya po sakin na masakit daw ang paa mo kaya pinapunta niya ako dito para aalayan kayo"- sagot sa akin ni Freyah

"N-nandito pa ba s-siya?"- tanung ko

"Kanina pa po siya umalis. Pabalik po ata sa office niya sa kabila"- Freyah.

Napatango nalang ako at nang makapasok kami sa office ko ay tinulungan pa rin ako ni Freyah na makaupo sa swivel chair.

"Salamat Freyah"- ako

"Walang anuman"- Freyah at ngumiti sa akin.

At iniwan na ako ni Freyah sa office. Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko ang mga papeles na nakatambak. Ganito naman palagi ang trabaho ko.

Habang nagbabasa ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Dad Calling........

"Dad"- sagot ko sa tawag niya

["Amelia called me, at sinabi niya sa akin ang nangyari sayo.Are you okay?"]- tanung agad nito.

"I'm fine Dad"- sagot ko sa kanya

["Don't worry Princess. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo. I'll let your Mom handle this"]- Dad

"Thanks Dad. Si U-unnie Danica?"- tanung ko sa kanya

["She's fine. Tumawag lang ako para tanungin kung okay ka lang. And I'm relieved now that okay ka nga"]- Dad

"Okay Dad. Thank you"- ako, at pinatay na ang tawag.

Pinindot ko ang intercom at tinawag si Freyah. At hindi pa nagtagal ay bumukas na ang pinto.

"Bakit po Ma'am?"- tanung ni Freyah

"Pwedi ka bang pumunta sa bahay at kunin kay Alex ang coat?"- tanung ko sa kanya

Magkakilala si Alex at Freyah dahil minsan na ring pumunta si Freyah sa bahay.

"Okay po Ma'am"- Freyah at lumabas na ng office ko

Kailangan kong puntahan si Brayden at magpasalamat sa kanya at oara narin ibalik ang coat na pinahiram niya sa akin.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga papeles. At may mga note naman na nilagay si Freyah kung kailangan ko na talaga itong permahan o hindi. Napatingin ako sa wall clock at alas 4 na ng hapon. Pagnandito ako sa office palaging hindi ko namamalayan ang oras at ang bilis.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon. Alam kong hindi iyon si Freyah dahil umalis siya.

"Pasok"- saad ko at bumukas naman at nakita ko si Calvin

"Hi Kim"- Calvin, ngumiti naman ako sa kanya

"Ayan ka na naman sa Kim, baka isipin ng iba may iba akung pangalan"- saad ko habang nakangiti. Lumakad naman papalapit sa visitor chair si Calvin at umupo.

"Part pa rin naman yon ng pangalan mo ah"- Calvin

"Last name. Ibig sabihin may family use it too"- sagot ko naman sa kanya

"Sa haba ba naman ng pangalan mo. Buti hindi ka nahirapan na magsulat nung bata ka"- Calvin at tumawa ng mahina

"I use Agatha. Kahit nung bata pa ako Agatha na talaga ang gamit ko"- saad ko naman

"Okay. But you can't stop me for calling you Kim"- Calvin at nakangiti parin

"If you really insist"- ako at ngumiti rin sa kanya

"Narinig ko ang nangyari sayo, are you okay?"- tanung nito. Napatingin naman ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?"- tanung ko

"Nung buksan ko kanina ang t.v narinig ko ang pangalan mo. And it's about the incident"- sagot niya sa akin.

Paano nalagay sa t.v yon? Eh wala namang tao doon kahapon? At kung meron man ba't walang tumulong sa akin?

"I'm okay. Na fracture lang yung paa ko"- sabi ko

"Fracture? Bakit?"- Calvin

"Nakaheels ako kahapon at natipalok ako. Mali ata ang pagkabagsak ko kaya ayon na dislocate ang paa ko. Mild lang naman"- Ako

"Nakaheels ka rin ba ngayon?"- Calvin at tumayo at pumunra sa gilid ko saka tumingin sa paa ko.

"Buti naman at naka-flats ka"- Calvin

"Wala akung choice. Baka kasi lumala pa"- sagot ko naman sa kanya

"Baka nga. Kaya mag-iingat ka sa susunod"- Calvin, tumango naman ako sa kanya

"Ba't nga pala napadaan ka?"- tanung ko

"Gusto ko lang makita kong okay ka kang talaga"- sagot nito dahilan mapataas ang isa kong kilay.

"Ang tagal mong nawala. Akala ko nasa Korea ka nandito ka pa pala"- saad ko.

"Ba't nakataas yang kilay mo? At tsaka galing naman talaga akung Korea may pinuntahan lang ako dito"- sagot niya naman sa akin

"Ano naman yon?"- usisa ko

"Basta. Wala ka na don"- Calvin

Inirapan ko naman siya. Minsan lang ito dito kaya nakapagtataka ay nandito siya ngayon.

Sabay naman kaming mapalingon ni Calvin ng may kumatok.

"Come in"-ako, at bumukas ito at niluwal si Freyah na may dalang paper bag. Naglakad si Freyah papalapit sa amin

"Ito na po Ma'am"- Freyah at binaba sa gilid ng table ko ang paper bag. Ngumiti naman ako sa kanya

"Thank you Freyah"- ako, tumango naman siya sa akin. Saka lumabas ng office ko.

"Ano yan?"- tanung ni Calvin

"Coat"- sagot ko

"Para saan?"- Calvin

"Ibabalik ko lang sa may-ari"- ako

"Kanino ba yan?"- Calvin

"Kay Brayden"- ako

"Ahh. Okay. Sige Kim, hindi rin naman talaga ako magtatagal at may pupuntahan pa ako. Good to know that okay ka"- Calvin at tumayo

"Sige. Salamat sa pag punta Calvin ah. And I'm sorry kung hindi kita ma-escort palabas sa office ko"- saad ko

"Para namang gusto mo na akung lumabas ah"- biro ni Calvin

"Labas na nga"- ako at tinuro ang pinto. Tumawa naman si Calvin at naglakad na palabas ng office ko. Kumaway naman siya sa akin bago tuluyang lumabas ng office ko.

___________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon