CHAPTER 33

3K 62 1
                                    

AGATHA POV

Sumakay na ako sa kotse ko saka binuhay ang makina at pumunta na sa Lee Sky para ibalik kag Brayden ang coat niya. After a couple of minutes, ay nakarating na ako sa harap ng kompanya niya. Lumabas na ako dala-dala ang paper bag. Agaf naman akung pumasok sa loob, lahat ng tao sa loob ay tumitingin sa akin.

"Dadalawin niya siguro si Sir Liam"

"Diba muntikan na siyang magahasa kagabi?"

"Tin! Yang bibig mo! Pag ikaw talaga marinig! Tumahimik ka nga"

"Ang ganda niya pa rin"

"Nakita kong may kasama siyang bata dati"

Hindi nalang ako nakinig sa kanila at pinagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa makapasok na ako sa loob ng elevator. Agad ko naman pinindot ang top floor dahil nandoon ang office ni Brayden. Habang naghihintay ako na makarating sa top floor ay tumigil ang elevator sa  7th floor at saka bumukas. Sumakay naman ang isang babae.

"Good Evening po Ma'am"- bati niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

Hindi pa nagtagal ay nakarating na kaming dalawa sa top floor. Sabay kaming lumabas at dumiretso na ako sa office ni Brayden. Nakasalubong ko pa ang secretary ni Brayden.

"Nanjan ba sa loob si Brayden Lee?"- tanung ko

"May schedule po ba kayo sa kanya Ma'am"- tanung nito.

"Wala eh"- sagot ko naman sa kanya

"Sige Ma'am. Tatawagan ko nalang po siya. Ano po ang pangalan niyo."- tanung ulit nito

"Agatha Kim"- sagot ko

Tinignan niya naman ako mula paa hanggang ulo. Problema nito? Saka niya tinawagan si Brayden.

"Good Evening Sir, meron po kasing gustong makipag-usap sa inyo. Papasukin ko po ba?........ Agatha Kim daw po.........Okay po Sir"- secretary at pinatay ang tawag saka tumingin sa aki.

"Pasok daw po kayo"- secretary at tinuro ang pintuan. Tumango naman ako sa kanya.

Kumatok naman ako sa pinto.

"Come in"- rinig kong saad sa kabilang pinto.

Binuksan ko naman ang pinto at tumambad sa akin si Brayden na nakatalikod sa akin.

"Brayden"- tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin

"Agatha, anong ginagawa mo dito?"- tanung nito sa akin. Tinaas ko naman ang paper bag na dala ko

"Gusto ko lang ibalik ang coat mo. Don't worry malinis na yan. Salamat nga pala"- ako at lumapit sa table niya saka nilapag ang paper bag sa table niya.

"Dapat hindi ka na nag-abala"- Brayden saka lumapit sa akin.

"No. Sayo yan at dapat ko itong ibalik"- sagot ko naman sa kanya saka umatras.

"Masakit pa ba paa mo?"- tanung nito. Napatingin naman ako sa kanya

"Ahh. Okay naman ang paa ko"- pagsisinungaling ko

"Mabuti naman kung ganon"- Brayden saka naglakad pabalik sa swivel chair at umupo doon.

"Have a seat"- aya nito. Umiling ako

"No thank you. Hindi naman ako magtatagal eh. Gusto ko lang magpasalamat. Salamat nga pala"- saad ko

"I'll only accept that if uupo ka"- Brayden.

"No. I insist. Okay lang talaga, aalis rin ako maya-maya. Dumaan lang ako para jan sa coat mo saka magpasalamat. Salamat at kung ayaw mong tanggapin, di ko na kasalanan yon"- ako at naglakad papuntang pinto. Lumingon naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti ito, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Is that how you say thank you?"- tanung nito. Humarap naman ako sa kanya

"Alam mo nakakairita ka! Pumunta nga ako dito para magpasalamat diba? At ayaw mo namang tanggapin! Jan ka na nga"- ako at lumabas na ng office niya.

I did my best para bilisan ang paglalakad ko, pero dahil nga masakit ang paa ko ay napapangiwi ako dahil sa kirot.

Naghihintay ako na bumukas ang elevator at nung bumukas ito, tumambad si Marian. Biglang tumaas ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito?"- tanung niya

Hindi ko siya pinansin at papasok na sana sa loob ng elevator ng pigilan niya ako. At buti nalang dahil kaming dalawa lang ang nandito.

"Bitiwan mo ko"- saad ko. Hinigpitan niya naman ang pagkakahawak sa akin. Tinignan ko naman siya.

"Tinatanung kita! Anong ginagawa mo dito?"- mariin na tanung nito. Tinanggal ko naman ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"It's none of your business Marian!"- sagot ko naman sa kanya

"Of coarse it's my business! Nilalandi mo ang boyfriend ko! Wala ka talagang hiya! Pati ba naman dito sa opisina ng boyfriend ko! Lumugar ka naman!"- Marian. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Look who's talking? Ako? Lumugar? Baka sarili mo ang sinasabihan mo. Dahil sa ating dalawa ikaw ang wala sa lugar. Oo! Boyfriend mo nga ang may-ari ng kompanyang to! Ano naman? Boyfriend mo lang naman!"- sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"Alam mo na ngang may girlfriend ang tao! Nilalandi mo pa! How desperate"- Marian.

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Ako desperada? Marian, stop comparing me to yourself dahil kailanman hindi ako nang-agaw. Baka nakakalimutan mo, ikaw tong nakasira ng pamilya"- seryoso kong saad.

"Kasalanan ko bang ako ang mahal ni Brayden?"- tanung nito habang nakangiti.

"Ba't ako ang tinatanung mo?At may paki ba ako?-ako saka pumasok na sa loob ng elevator

"Landiin mo ulit ang boyfriend ko. You don't know me Agatha, at I know that hindi mo magugustuhan ang gagawin"- Marian

"Tinatakot mo ba ako? Kasi kung tinatakot mo ko, hindi ako natatakot!"- sagot ko sa kanya bago sumirado ang elevator.

Agad ko namang pinindot ang ground floor. Nang bumukas na ang elevator ay naglakad na ako palabas ng kompanya saka sumakay na sa kotse ko pauwi.

___________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon