CHAPTER 35

3K 63 1
                                    

AGATHA POV

Ngayon ang alis ko papuntang Switzerland at hindi ko kasama si Brielle. Dahil hindi ko siya mapagtuonan ng pansin doo kaya napag-usapan naman na doon daw muna siya kina Brayden at pumayag naman si Brayden. Hindi ko maiwan si Brielle kina Mom at Dad dahil alam kong may problema pa sila tungkol kay Unnie Danica at ayuko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo nila. I know my daughter makulit ito kaya baka mahirapan sina Mom. At dahil ama niya naman si Brayden ay sa kanya ko muna iiwan si Brielle.

Hatak-hatak ko ang bagahe ko paloob ng airport. Umalis ako ng bahay, nang maihatid ko si Brielle kina Brayden. Umupo muna ako sa upuan at hinihintay na tawagin.

Flight 15, please proceed to gate 4.

Tumayo na ako at naglakad papalapit sa gate 4. Nang maibigay ko na ang mga kailangan nila ay naglakad na ako papasok sa loob ng eroplano. Nang makita ko na ang upuan ko at agad na umupo. Naglagay ako ng facemask saka sumbrero at earphone. Matutulog ako dahil medyo matagal rin ang flight na ito. 2 days akung nasa himpapawid, dahil malayo nga ang switzerland. Nang makaramdam ako ng antok ay hinayaan ko ang sarili ko na makatulog.

BRAYDEN POV

Nang maihatid ni Agatha si Brielle dito kanina ay agad itong nakatulog. Bumaba na ako ng hagdan at nakasalubong ko si Manang Ali. Matagal nang nagsisilbi si Manang Ali sa amin.

"Ijo, gising na ba si Brielle?"- tanung ni Manang Ali

"Hindi pa po Manang"- sagot ko naman sakanya

"Saan ng pala pupunta si Agatha?"- Manang Ali

"Pupunta po siyang Switzerland. May fashion show po kasi siyang pupuntahan kaya dito po muna si Brielle"- Ako

"Mabuti kung ganon para makapagbonding kayo ng anak mo"- Manang Ali. Napangiti naman ako.

Sabay kaming napatingin ni Manang Ali sa pinto ng may mag doorbell doon.

"Ako na ijo, kumain ka na doon sa kusina handa na ang pagkain"- Manang Ali

"Sige po Manang"- ako, at naglakad na papasok sa kusina at nakita ko ang mga pagkain na nakalatag sa lamesa. Umupo na ako at kumuha ng pagkain.

"Ijo may bisita ka"- napalingon ako kay Manang Ali

"Sino daw po?"- ako, and to my answer my question. Nakita kobg lumabas si Marian mula sa likod ni Manang Ali

"Babe"- Marian at lumapit sa akin at niyakap ako. Gumanti naman ako sa yakap niya.

"Napadalaw ka?"- tanung ko

"Gusto lang kitang dalawin"- Marian at niyakap pa ako ng mahigpit.

"Magkasama lang tayo kahapon"- saad ko at kumalas sa yakap niya.

"You can't blame me if ma-miss kita"- Marian.

Nakita ko namang lumabas ng kitchen si Manang Ali.

"Kumain ka na ba?"- tanung ko

"Ow. You care for me, but yes kumain na ako"- Marian. Tumango naman ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko kaya pinagpatuloy ko ang pagkain. Napalingon ako ng marinig akung maliit na boses.

"Daddy"- maliit na boses.  At nakita ko si Brielle na nakahawak sa kamay ni Manang Ali.

"Hinahanap ka niya Hijo kaya dinala ko na siya dito para makakain na rin"- Manang Ali. Tumango naman ako sa kanya

"Salamat Manang"- ako, at tumayo para lapitan si Brielle ng pigilan ako ni Marian.

"Ako na. Ipagpatuloy mo ang pagkain"- Marian. Saka tumayo at lumapit kay Brielle tinignan naman siya ni Brielle.

"Halika Brielle, kumain ka na"- Marian at nilahad kay Brielle ang kamay. Brielle stare at her for seconds, pero hindi niya tinaggap kamay ni Marian. Naglakad si Brielle papunta sa akin at niyakap ako, gumanti naman ako sa yakap niya. Habang nakayakap ako kay Brielle ay napatingin ako kay Marian at may nakita akung maliit na ngiti sa kanyang labi.

"I don't like her Daddy"- rinig kong bulong ni Brielle.

"Baby, don't be likw that"- bulong ko rin sa kanya. Agad naman siyang kumalas sa yakap at umupo sa upuan kung saan kanina nakaupo si Marian.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya na agad naman niyang kinain. Napabaling naman ako kay Marian na nakatingin sa akin at nakaupo na ito sa kabilang side.

"Hindi ka pa ba aalis?"- tanung ko. Ang alam ko may fashion gala itong pupuntahan.

"Mamaya pa ang flight ko. Kaya habang may oras pa gusto kitang makasama"- sagot ni Marian

Tumayo naman ako.

"May trabaho ako Marian, kaya baka hindi na kita maiihahatid sa airport"- saad ko.

"It's okay"- Marian at tumayo saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Pero agad rin naman niyang nilayo ang labi.

Napatingin ako kay Brielle ng may narinig kaming nahulog na kutsara.

"Sorry"- Brielle at pinulot ang kutsara na nahulog.

"You know how much I want to stay here. Pero may trabaho ka at kailangan ko ring mag-ayos ng gamit"- Marian.

"Okay"- sagot ko sa kanya. At lumabas na siya ng kitchen.

"Brielle"- tawag ko sa atensyon ni Brielle.

"Yes Daddy?"- Brielle.

"Pupunta kang sa work si Daddy. But don't worry babalik rin ako, pagnatapos ko na lahat ng trabaho sa opisina"- saad ko

"Okay Daddy"- Brielle. Ngumiti naman ako sa kanya saka hinawakan ang buhok niya at sinuklay ito gamit ang kamay ko. Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto ko para magbihis.

*FAST FORWARD*

Nakababa na ako matapos kong magbihis. At naabutan ko si Brielle na nanunuod ng T.V at lumapit naman ako sa kanya.

"Baby, aalis na ako"- saad ko dahilan na mapalingon si Brielle sa akin.

"Okay Daddy. Darating po ba si Ate Alex?"- tanung nito.

"Yes baby"- sagot ko sa kanya

"Okay Daddy. Take care"- Brielle, lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Ngumiti naman ako s akanya at ginulo ang buhok. Saka tumayo at lumabas na ng bahay at dumiretso sa garahe. Nang makapasok ako sa kotse ay agad kung binuhay ang makina.

___________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon