CHAPTER 30

3.2K 75 1
                                    

BRAYDEN POV

Papunta ako kina Agatha ngayon, dahil gusto kong bisitahin si Brielle. At habang nasa traffic pa ako ay nagpatugtug muna ako. At nang umusad na ang traffic ay lumiko ako sa isang daanan kung saan pinakamalapit kina Agatha, at wala pang traffice dito. Dahil kapag sa main high way ako dumaan sihuradong aabutin ako ng dalawang oras bago makarating sa kanila. At habang nagda-drive ako ay may nakita akung isang kotse na familliar sa hindi kalayuan, nang malapit na ako ay may nakita akung dalawang tao. Isang babae at isang lalaki.

Nagkasalubong ang kilay ko ng makitang parang pinipilit ng lalaki. Kaya pinarada ko muna ang kotse ko sa gilid saka lumapit sa kanila. At nanlaki ang mata ko ng makita kong sino ang babae. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng galit na parang gusto kong makapatay. Agad kong sinuntok ang lalaki kaya napatumba ito. Sunod-sunod na suntok ang binigay ko sa lalaki ay bigla nalang akung natumba ng may sumuntok sa akin sa aking labi. Tinignan ko naman sila ng masama. Ano ang karapan nila para manggahasa?

Pinagsusuntok ko rin siya at pinagtatadyakan. Hanggang sa humilata silang dalawa. May nakita akung isang medyo kalakiha na bato at kinuha ito. Nagdidilim ang mata ko kaya hindi ko nakayang kontrolin ang galit na nararamdaman ko. Pero nagulat ako ng may yumakap sa akin sa likod.

"T-tama na! T-tama na B-brayden"- saad ni Agatha habang umiiyak. At parang bumalik naman ako sa realidad. Kaya binaba ko ang bato at pinaharap sa akin si Agatha at niyakap siya ng mahigpit.

"Shhh. Okay na"- ako at niyakap pa siya ng mahigpit.

Narinig ko naman ang siren ng mga pulis. Nung una ay nagtaka ako pero hindi ko na iyon inisip. Baka tinawagan ni Agatha. Ang importante sa akin ngayon ay ang kalagayan ni Agatha. Tinaas ko naman ang mukha niya para makita ko kung may sugat ba siya o ano. At napatingin ako sa mata niya, kahit puno ito ng luha ay makikita mo sa mata niya ang takot at kaba na nararamdaman.

"Let's go. Mga police na bahala dito"-saad ko at inilalayan siyang maglakad.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at agad naman siyang pumasok sa loob kaya tumakbo ako papubta sa driver seat saka pumasok. Nang makapasok ako ay tumingin ako sa kanya kung okay lang ba siya at nagkita ang mata namin, napaigtad naman ako ng hawakan niya ang gilid ng labi ko. May kunting kirot akung naramdaman nung hinawakan niya ito.

"Kunting sugat lang naman ito"-ako

"D-dumaan muna tayo sa c-convience store"- saad ni Agatha

"But--"- hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na ito ni Agatha.

"P-please"- nauutal na saad nito. Huminga naman ako ng malalim.

"Okay"- sagot ko sa kanya saka binuhay ang makina ng sasakyan. Mamaya na ako makikipag-usap sa mga pulis kapag naiuwi ko na si Agatha.

*FAST FORWARD*

PINARADA ko na ang kotse sa labas ng convience store saka tumingin kay Agatha. Tinanggal niya naman ang seatbelt niya saka lumabas ng kotse, kaya tinanggal ko rin ang setbelt ko saka lumabas.

AGATHA POV

PAGKABABA ko ay agad akung pumasok sa convience store at alam kong sumunod naman si Brayden sa akin. Napapangiwi nalang ako kapag nararamdaman ko ang kirot sa paa ko. Pero pinipilit ko paring maglakad.

Humarap ako kay Brayden at kinuha sa kanya ang bag ko.

"Thank you, umupo ka muna doon"- saad ko at tinurl sa kanya ang upuan rito sa loob ng convience store.

"Sigurado ka?"- tanung nito

Tumango naman ako sa kanya

"Hintayin mo ako doon"- ako, at naglakad naman siya papunta doon sa tinuro kong upuan.

Ako naman ay nagalakad papalapit sa mga inumin. Kumuha ako ng dalawang tubig, cotton saka lumapit sa counter.

"Meron ba kayong betadine, saka band aid?"- tanung ko sa counter

"Meron po Ma'am, ilan po?"- counter

"Isa po"- sagot ko naman at binigyan niya naman ako ng betadine saka band aid tsaka ako nagbayad. Nanag makabayad ako ay agad akung lumapit kay Brayden na kung saan siya naghihintay.

"Here"- ako at nilapag sa mesa ang dalawang tubig. Umupo ako malapit sa kanya. Binuksan ko ang isang bottle ng tubig saka naglagay ng kunting patak ng tubig sa cotton tsaka ako lumapit kay Brayden. At mukhang nagulat naman siya.

"Linisin natin yang sugat mo"- saad ko at itinapat  ang cotton sa gilid ng labi niya. Tulad kanina napaigtad rin siya.

"Don't worry. Tubig palang to"- saad ko at pinagpatuloy ang paglinis sa sugat pagkatapos ay binuksan ko ang betadine at ginamit ko ang kuko ko para mabuksan ang nakaharang saka pinatak sa cotton saka humarap ulit kay Brayden.

"Medyo masakit to"- paalala ko sa kanya. Tumango naman siya, kaya medyo lumapit ako sa kanya at dinikit sa sugat niya ang betadine. Napapikit naman siya pero agad rin niyang inimulat ang mata. Kaya nagkita ulit ang mga mata namin. Agad akung umiwas ng tingin saka lumayo, pinulot ko naman ang band aid saka binuksan at nilagay sa sugat niya.

"Salamat"- saad ni Brayden

"Ako nga dapat ang magpasalamat. Thank you"- saad ko at tumingin directly sa mata niya.

"Huwag mo ng isipin yon. Ang importante okay ka na"- Brayden. Ngumiti naman ako sa kanya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Brielle.

"Umuwi na tayo"- aya ko.

"Tara"- Brayden.

Nauna akung maglakad at nasa likod ko si Brayden. At nararamdaman ko ang kirot sa paa ko kaya medyo nahihirapan ako maglakad. At napasinghap ako ng bigla akung buhatin ni Brayden.

"Masakit ba ang paa mo?"- tanung naman niya.

"Medyo"- sagot ko.

Nakatingin sa amin ang mga tao, pero hindi namin iyon pinansin.

Nang makaupo na ako sa passenger seat ay biglang hinubad ni Brayden ang coat na suot niya.

"Suotin mo muna yan"- Brayden, agad ko namam itong kinuha at sinuot. Sinarado naman ni Brayden ang pinto saka pumunta sa Driver seat.

"Matulog ka muna"- saad ni Brayden ng makapasok siya sa loob. Hindi ko alam pero para itong magic word dajil bigla rin akung nakaramdam ng antok at pinikit ang mata ko.

_____________________

VOTE AND COMMENT

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon