CHAPTER 77

767 20 9
                                    

When morning came ay naging busy na ang mga tao rito sa bahay, maliban kay Ate Danica na hindi namin pinapayagan na gumalaw ito o magdala ng kahit ano. Sa garden namin gaganapin ang baby shower ni Ate Danica, dumating kanina si Maya at Gianna para tumulong pero kagaya ni Ate Danica ay hindi namin masyado pinapatulong si Gianna dahil buntis rin ito.

Kinahapunan non ay isa-isa ng nagsidatingan ang mga bisita ni Ate Danica at Kuya Elijah. Nandito ang pamilya ni Kuya Elijah, sina Maya and Gianna with their boyfriends saka ang dating mga ka-trabaho ni Ate Danica sa kompanyang pinagta-trabahuhan niya at nandito rin si Brayden.

Kailangan ko pa siyang tanungin kung maayos na ba ang pakiramdam niya at sinabi niya namang maayos naman siya at humingi rin siya ng tawad dahil hindi daw siya agad naka-reply sa akin kahapon dahil nakatulog daw siya matapos niyang mag-text, late niya pa nga daw nabasa yung reply ko.

"You don't have to explain Brayden." Saad ko naman sa kanya, which is true. Yes, I admit that naghintay ako sa reply niya pero wala naman ako sa posisyon para mag-demand na replayan niya ako. Ano ba ako? Hindi niya naman ako girlfriend o ano.

Naging mabilis ang oras dahil tapos na ang baby shower ni Ate Danica at nagsi-uwian na rin ang mga bisita ni Ate Danica at kailangan ko na ring umuwi sa condo ko.

"I love your gift Agatha. Thank you." Sambit ni Ate Danica habang hawak-hawak ang regalong binigay ko sa kanya. "I can feel na magiging spoiled ata itong si Damon kapag nakalabas na." At tumawa si Ate Danica.

Agad akong nag-park sa parking lot rito sa building ng condo ko, nang ma-lock ko na ang kotse ko ay naglakad ako papalapit sa elevator. Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay may nakita naman akong babae sa likod ko dahil sa repleksyon nito sa mga pinto ng elevator. She looks familiar.

Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita si Trixie. What is she doing here?

"Agatha..." she called my name.

"What are you doing here?"

"Alam ko kung nasaan si Marian." Napatingin ako sa kanya ng sambitin niya ang pangalan ng sariling kapatid.

"Where is she?" I asked, calmly.

"Nandoon siya sa probinsiya namin. Lumuwas ako dito para sabihin sayo kung nasaan siya. Please Agatha, something's wrong with her." Naiiyak na sambit ni Trixie.

Bumukas na ang elevator pero hindi ako pumasok, instead I took my phone out and called Brayden.

["Hello. Napatawag ka ata Agatha, I haven't text you about our dinner."] At narinig ko ang pagtawa niya.

"Brayden nandito sa harap ko si Trixie." Sambit ko habang nakatingin kay Trixie na nakahawak lang sa kamay nito, at bigla namang tumahimik sa kabilang linya.

["What? Did she attack you? Did she hurt you? Where are you? Fuck! Agatha answer me."] Nagpa-panic na saad ni Brayden sa kabilang linya.

"No, she didn't attack nor hurt me. Nandito ako sa condo and she just told me that she knows where Marian is." Sagot ko naman sa kanya.

["I'll be there. Hintayin mo ako, tumawag ka agad ng security kapag may ginawa siyang masama sayo."] Saka pinatay nito ang tawag, nakatingin pa rin ako kay Trixie na nasa harapan ko pa rin at nakayuko ito.

"Why are you doing this?" I asked, Marian is her step sister and I remember that she once helped her sister. "She's your sister." I continued.

"I want a peaceful life for my family Agatha and as long as Marian is around that is impossible and what she did is wrong, I admit that. I can't bear to lost my daughter," mahinang saad nito. "I'm sorry for what she did, alam kong hindi na maibabalik ng sorry ko o sorry man ni Marian ang anak mo but I'm really sorry for what she caused to your family." Naiiyak na sambit nito.

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon