AGATHA POV
Nanlaki ang mata ko nung naramdaman kong naglapat ang labi naming dalawa. Gusto ko siyang itinulak pero wala akung lakas. Hanggang sa biglang bumalik ang ilaw at nakita kong nakatingin rin siya sa mga mata ko. Agad ko naman siyang tinulak.
"Bakit mo ginawa yon?"- tanung ko
"Anung ginawa ko? Ikaw nga tong nanghahawak ng batok ei"- angal niya naman.
"Kung hindi mo ako hinila hindi mangyayari to!"- ako
"At kung hindi kita hinila siguradong meron kanang bukol ngayon"- Brayden
"Dapat hinayaan mo nalang ako! Sanay naman akung masaktan"- Ako, pero syempre binulong ko lang ang huli kong sinabi.
"Hayaan? Hinayaan na nga kita dati diba! Pati ba naman ngayon?"- seryosong saad ni Brayden, napatingin naman ako sa kanya. Pinagsasabi niya? Naglakad na ako papunta sa isang drawer at kumuha ng isang tea. Saka bumuhos ng mainit na tubig sa isang cup.
"Dahil sayo to ei!"- usap ko sa cup
"Di sasagot yan"- rinig kong saad ni Brayden
"Malamang! Magtaka kana pag sumagot"- sagot ko naman sa kanya. Dahil hindi ako sanay sa tea hinanap ko ang sugar kung saan nakalagay. Binuksan ko ang iba't-ibang drawer pero hindi ko makita ang asukal. Saan ba kasi nakalagay yon? Biglang binuksan ni Brayden ang isang drawer na nabuksan ko kanina at bigla siyang may kinuha at nakita kong asukal pala ang kinuha niya. Ang totoo? Kaninong kompanya to? Sa kanya ba? Alam niya lahat ei!
"Kompanya mo ba talaga to?"- pang-aasar niya.
"FYI! Bago lang po ako rito!"- ako
"Dapat nilagay ka nila muna sa Low position"- Brayden, pinapainit talaga ng lalaki to ang ulo ko.
"Excuse me! Hindi ko deserve ang Low! I deserve better than Low!"- ako, at iniwan na siya doon. Bahala siya sa buhay niya. Agad naman akung pumasok sa office ko. Saka ni-lock! Mahirap na.
BRAYDEN POV
Ang cute niya pagnaiinis siya kaya gusto ko siyang inisin. Pinanuod ko lang siyang maglakad papalayo sa akin papunta sa office niya. Pagkasarado ng pinto hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Sandali? Bakit nga pala ako nandito? Ahh! Bahala na! Total nandito na rin naman ako iinom nalang ako ng tea. Natatawa ako kay Agatha dahil sarili niyang kompanya hindi niya alam kung saan nakalagay ang bagay bagay. At isa pa! Nabuksan na niya ang drawer kung saan nakalagay ang asukal at hindi niya parin nakita.
Tapos na akung magtimpla ng tea, dahil mapapadaan ako sa office niya hindi ko mapigilan na pakinggan kung anong ginagawa niya sa loob at narinig ko ang tunog ng computer. Nag ta-type siguro siya. Dumiretso na ako sa office ko. Simple lang ang office ko black and white ang theme. Basta pang office yung design. Pero mas hamak na mas malaki ang office ni Agatha kaysa sa akin. Naramdaman ko ang pag vibrait ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa at nakita ko ang pangalan ni Marian sa Screen.
"Hello"- sagot ko sa tawag.
("Babe! Pumunta ako sa office mo pero wala ka doon, nasaan ka ba?")- tanung niya. Hindi ko pweding sabihin sa kanya na nandito ako ngayon sa kompanya nina Agatha dahil kilala ko si Marian manggugulo siya kung gusto niya.
"Busy ako Marian"- tanging nasagot ko sa kanya
("Out of town?")- tanung niya ulit.
"Nope. Somewhere in Manila"- sagot ko
("Okay fine! I love you")- Marian.
"Okay"- ako at pinatay na ang tawag. Inayos ko na ang gamit ko dahil uuwi na ako saka 10 na rin kasi ng gabi. Pagkalabas ko ganun din ang paglabas ni Agatha ng office niya. Napatingin ako sa dala niya at dala niya ang bag niya. Uuwi na rin siguro siya.
"Uuwi ka na?"- tanung ko
"Halata naman diba?"- sarcastic na tanung niya
"Malay ko ba! Baka trip mo lang dalhin ang bag mo"- sabi ko sa kanya
"Sana nga!"- Agatha, at naglakad na papunta sa elevator, sumunod naman ako sa kanya. Papasok na sana ako ng harangan niya ako.
"Doon ka sa kabila"- utos niya
"Inuutusan mo ako?"- tanung ko
"Oo! Kaya doon ka"- sabay turo sa kabilang elevator. Kaya no choice ako kundi doon sa kabilang elevator. Bigla namang sumirado ang elevator na sinasakyan niya. Kaya pumasok na ako sa kabilang elevator. Hanggang sa nakarating na ako sa parking lot. Nakita kong naglalakad na si Agatha papunta sa kotse niya. At dahil malapit lang ang kotse ko ay agad naman akung sumakay. Naisipan kong sundan si Agatha kung saan siya ngayon nakatira.
*FAST FORWARD*
Sinusundan ko si Agatha ng hindi niya malalaman, hanggang sa lumiko siya kaya lumiko rin ako kung saan siya lumiko. At nakita ko kung pumasok siya sa isang subsdivision. Hindi naman ako makapasok dahil wala akung access. Pero natatandaan ko ang lugar na ito, dito sila dati nakatira kasama nina Scarlet at Amelia. Baka nga doon pa sila nakatira hanggang ngayon ei.
Pero desperado talaga akung makita ang anak ko, dahil matagal ko rin siyang hindi nayayakap. Ang totoo niyan pumupunta ako sa New York para lang masilip siya, minsan nga feeling ko alam na ni Brielle na sinisilip ko siya dahil minsan napapalingon siya sa gawi ko pero nakatago ako para hindi niya ako makita. How I desperately miss her. Sana hayaan ako ni Agatha na makasama ang anak ko kahit minsan lang.
AGATHA POV
"Mommy"- bungad sakin ni Brielle ng makapasok ako ng bahay.
"Baby"- ako at yinakap siya.
"Nandito na si Yaya Alex"- saad ni Brielle.
Dumating na pala si Alex, nung umuwi kasi kami ng Pilipinas sinabihan ko siya na puntahan niya muna ang mga pamilya niya dahil 5 years din silang hindi nagkita. Kaya pinauwi ko muna siya at ito siya ngayon naka uwi na.
"Hello po Ate"- bati ni Alex
"Kamusta ang pamilya mo?"- tanung ko
"Okay lang naman po sila. Masaya nga po sila at nakabalik na daw po ako sa Pilipinas"- Alex
"Good"- saad ko, at nilapag ang bag ko sa sofa.
"Si Amelia?"- tanung ko
"She's cooking Mommy"- sagot sa akin ni Brielle. Nanlaki naman ang mga mata ko, si Amelia nagluluto? Dumiretso ako sa kitchen para makita ko nga kung nagluluto talaga si Amelia at totoo nga! Anung nakain nito at naisipang magluto?
"Amelia"- tawag ko sa kanya, saka lumapit
"Nanjan ka na pala Agatha"- Amelia
"Anung niluluto mo?"- tanung ko sa kanya
"Chicken Curry, gusto ko kasing matuto na magluto"- Amelia
"Wow! Sa 27 year of existence mo ngayon mo palang naisipan yan ah"- biro ko sa kanya
"At least naisipan"- at tumawa kaming dalawa.
________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction(Highest Rank: #20 in Teenfiction) |Filipino-English Story| Book 2 of Married with a Casanova By: FlatteringDaisy🌼 ________________________________ This book was written around September 2018