AGATHA POV
Day 2 in Switzerland. At bukas na ang big day. Wala kaming gagawin ngayon kundi ang magpahinga at sumukat ng damit.
Nakahiga ako ngayon sa kama at kakatapos ko lang kausapin si Brille. It's already 2 in the afternoon, at kanina ay nagsukat kami ng damit. And wow! Just wow! Ang gaganda ng mga damit, ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang yung red.
Nakahiga lang ako sa kama ng may kumatok. Tumayo naman ako at binuksan ito at tumambad si Addison.
"Agatha, pwedi ba kitang makausap?"- tanung nito.
"Sige pasok ka"- ako, at niluwagan ang pinto. Pumasok naman siya sa loob saka umupo sa upuan, lumapit naman ako sa kanya.
"Anong gusto mong pag-usapan?"- tanung ko at umupo sa tabi niya.
"It's about Alexson"- sagot niya sa akin
"Bakit anong meron kay Alexson? Nami-miss mo?"- tanung ko
"Yes I miss him, pero may problema ako"- may bahid ng lungkot sa kanyang boses.
"Ano yon?"- ako
"Bumalik si Marco"- Addison.
"That's great para na rin panagutan ang anak niyo. Anong problema doon?"- tanung ko sa kanya. Bigla namang may tumulo na luha galing sa kanyang mata.
"Bakit? Isn't good news that bumalik na si Marco?"- ako
"G-gusto niyang k-kunin s-sa akin si A-alexson"- saad ni Addison. Na nagpatigil sa akin.
"What? Wala siyang karapatan na kunin sayo ang bata! I mean! Yes! He's the father at kahit papaano ay meron siyang dugo kay Alexson, but hell! Ilang years siyang wala? Ilang years siyang nagpakasaya na feeling single! Na hindi manlang inisip na may anak siyang naiwan"- saad ko.
"H-hindi ko a-alam ang g-gagawin ko A-Agatha. Gagawin niya daw *huk* lahat para mailayo sa akin ang anak ko"- umiiyak na saad ni Addison
"Bakit niya ilalayo sayo ang anak mo?"- ako
"W-wala daw m-magandang kinabukasan a-ang a-anak*huk* ko s-sakin"- Addison. Napapikit naman ako, saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Wala siyang alam sa pinagdaanan mo Addison. Kaya kahit anong mangayari wag na wag mong ibigay si Alexson sa kanya"-ako. Tumingin naman siya sa akin saka niyakap ako.
"Salamat Agatha. Di ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang malayo sa anak ko"- Addison. Gumanti naman ako sa yakap niya.
"Kahit naman siguro ako. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Kahit siguro patayan gagawin ko"- saad ko.
Kumalas naman ako sa yakap niya tinignan siya.
"Wag ka ng umiyak. Alam mo, kumain nalang tayo"- ako at tumayo saka lumapit sa ref at nilabas ang cake na binili ko kanina sa restaurant sa baba.
"San galing yan?"- tanung ni Addison na lumapit sa akin
"Binili ko to kanina sa baba, nagugutom kasi ako. Tara kain tayo"- ako, at nilapag ang cake sa table at kumuha ng dalawang plato at tinidor.
"Here, kumain ka"- ako at nilagyan ng isang slice ng cake ang plato.
"Bukas na ang Fashion Gala pero nagpapataba tayo"- natatawang saad ni Addison.
"Hindi naman nila makikita. Masyadong makapal ang tela ng mga damit"- Ako.
"Kaya nga"- sang-ayon ni Addison.
Nagpatuloy kami sa pagkain, ng biglang magsalita si Addison.
"You know Agatha, I regret everything. Pinagsisihan ko na sinira ko ang pamilya niyo dati ni Brayden, desparada talaga akung makuha sayo si Brayden. Pero mahal ka talaga biya at di siya nagpatinag sa akin. Siguro kung hindi ako nanggulo sa inyo, baka buo pa ang pamilya niyo"- Addison.
Hindi niya ako minahal! Kahit kailan ay hindi niya ako minahal!
"Matagal na yon Addison"- ako at sumabo ng cake
"Agatha"- tawag niya sa atensyon ko.
"Bakit?"- ako
"I'm sorry tsaka Thank you"- nakangiting sabi ni Addison
"Para naman saan?"- ako
"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko. I know it's too late but I'm really sorry. Tsaka Thank you dahil tinanggap mo parin akung maging kaibigan behalf of what I've done! Thank you dahil nanjan ka kapag kailangan ko ng kausap"- Addison. Ngumiti naman ako sa kanya
"Lahat ng yon ay nasa past na Addison, ilang years na ang dumaan. Yes! We can't go back the things na nasira na. At wala naman akung rason para hindi ka maging kaibiga. I admit that nasaktan ako sa ginawa mo dati, pero gaya nga ng sabi ko lahat ng yon ay nasa past na! Ang importante ay ang ngayon at sa susunod pang taon. Tsaka masaya naman akung noon nung naging kaibigan kita kaya pinanghawakan ko ang ala-ala na iyon. Kung ang diyos nga nagpapatawad kahit maraming kasalanan na nagawa, ako pa kaya? Na tao lang. Kaya wag mo ng intindihin lahat ng yon. Tapos na iyon at wag nating balikan"- ako. Ngumiti naman si Addison sa akin.
"Uubusin ba natin to?"- pag-iiba ni Addison. Tumingin naman ako sa kanya at ngumisi saka tumango.
"Yes! Uubusin natin to"- ako. Tumawa naman si Addison.
*FAST FORWARD*
NAUBOS nga namin ni Addison ang ilang slice ng cake. Nagkwentuhan pa kami pero nagpaalam din siya na babalik na daw siya sa kwarto niya para magpahinga. Nung umalis siya ay nakatulog ako, at nung nagising ako ay gabi na.
Inaaya ako nina Scarler para magdinner pero hindi ako sumama dahil nabusog ako kanina sa kinain namin ni Addison.
Napatingin ako sa bintana at ang ganda ng tanawin, yung mga city lights. Kumuha ako ng isang baso ng tubig saka ng upuan at nilagay ito sa tapat ng bintana saka umupo.
Sayang wala dito si Brielle. Inabot ko ang cellphone ko na nasa tabi ko lang sa kinunan ng litrato ang tanawin saka binalik ito. Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi kanina ni Addison.
Paano kaya kung hindi nagkagusto si Addison kay Brayden, magkasama pa kaya kami? Kung hindi kaya ako nakipaghiwalay kay Brayden, masaya kaya kami? Kung hindi kaya dumating sa buhay namin si Trixie, masayang pamilya kaya kami? Kung hindi ko kaya nalaman na may relasyon sina Brayden at Marian, buo pa kaya kami? Kung hindi kaya ako nanalo sa Fashion Show na yon, hindi kaya ganito ang buhay ko?
Maraming tanung na pumapasok sa isip ko. Pero ang nakakainis lang ay hindi ko alam ang sagot.
Paano kaya kung minahal talaga ako ni Brayden? Ipaglalaban ko ba siya?
_____________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction(Highest Rank: #20 in Teenfiction) |Filipino-English Story| Book 2 of Married with a Casanova By: FlatteringDaisy🌼 ________________________________ This book was written around September 2018