CHAPTER 74

884 27 13
                                    

Pagkadating ko sa kitchen ay agad akong naghanap nang mga ingredients na gagamitin ko sa pagluto. I've decided to make chicken soup para kay Brayden. Habang nakasalang sa stove ang niluluto ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko saka nag-text kay Jeremiah na nakarating na ako sa bahay ni Brayden at sinabi ko rin ang kondisyon nang kaibigan nito.

Nang matapos ako ay inikot ko ang paningin ko sa kabuoan nang bahay. Merong iilang pictures ni Brielle sa bawat gilid na kasama si Brayden at ang iba ay ako ang kasama, at iilang pictures na magkasama kaming tatlo. I miss my daughter.

Agad akong bumalik sa kitchen at nung matapos ko nang maluto ang chicken soup ay nilagay ko ito sa isang bowl, kinuha ko rin ang mga gamot na binili ko kanina sa pharmacy at isang basong tubig. Nilagay ko ang lahat nang ito sa isang tray at dahan-dahan na naglakad papunta sa kwarto ni Brayden.

Nang makapasok ako ay nakitang kong nakapikit si Brayden pero nung napansin niya siguro ang presensiya ko ay minuklat nito ang mga mata at tumingin sa akin. Umupo naman ito mula sa pagkakahiga, kaya lumapit ako sa kanya at nilapag ang tray sa mismong harap nito.

"Pasensiya na kung medyo natagalan." Paghinging paumanhin ko sa kanya, nasa alas-nwebe na nang gabi nang matapos ko ang pagluluto nang chicken soup. "Kumain ka na." At nilapit ko sa kanya ng soup, walang reklamo naman siyang kumain.

"Pwede ba akong maghiram nang damit?" Tanong ko sa kanya dahilan mapatingin siya sakin at bumaba ang tingin nito sa suot kong damit, napansin siguro nitong naka-dress ako. Tumango naman siya, "Nandoon sa kabinet." At tinuro pa nito kung saan, tumango naman ako sa kanya. "Ipagpatuloy mo ang pagkain, magbibihis lang ako." Sambit ko at naglakad papunta sa walk in closet rito sa kwarto niya.

Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa akin ang mga damit nito, lumapit naman ako sa mga t-shirts niya at kinuha ang itim na t-shirt at nagbihis. Nang makabihis ako ay tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin at nakita kong medyo malaki sa akin ang damit na nakuha ko dahil hanggang tuhod ko ito, buti nalang at nag-short ako kanina nung nagsuot ako nang dress kaya walang problema ang pambaba ko maliban sa medyo malaki sa akin ang damit pero hindi ko nalang ito pinansin at inayos ang pagkakatali nang buhok ko bago tuluyang lumabas nang walking closet ni Brayden.

Pagkalabas ko ay napatingin sa akin si Brayden na kakatapos lang kumain, lumapit naman ako sa kanya at niligpit ang pinag-kainan niya. "I'm staying here for a night." Paalam ko naman sa kanya saka inabot ang gamot na binili ko kanina saka ang isang basong tubig.

"You don't have to do this Agatha." Mahinang sambit ni Brayden dahilan mapatingin ako sa kanya, "What are you talking about?" I asked him.

"This. You don't have to do this, I know you hate me." He answered which made me stop from cleaning. I look at him and I saw that he's not looking at me instead he's looking at the medicine I gave.

I dropped the tray in the nearest table and went back to Brayden's bed and sat down at the edge. "I don't hate you. It's just that a lot of things happened to us which makes us weaker but at the same time stronger." I answered. He sigh and look at me, "I'm really sorry, I know how much you hate me saying sorry but I won't stop saying sorry to you." He said, I nodded because I know how much stubborn Brayden is he won't stop until someone stop first.

"Just drink your medicine. Ibabalik ko lang sa baba yung tray." Paalam ko sa kanya saka tumayo, at kinuha ulit ang tray. "Oh. One more thing, please huwag ka munang pumasok bukas nor go anywhere and just stay here and rest. I won't stay still kapag pumasok ka bukas o lumabas." Sambit ko sa kanya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya saka naglakad papunta sa kitchen.

Pagkarating ko sa kitchen ay agad kong hinugasan lahat nang mga ginamit kong pangluto saka yung bowl. Pagkatapos kong hugasan lahat ay pumunta ako sa living room para kunin ang cellphone ko na kanina pa tumutunog at nang makita ko ang pangalan ni Amelia sa caller I.D ay agad ko naman itong sinagot. "Hello." I answered the call,  "Napatawag ka Amelia?" I continued.

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon