CHAPTER 72

1K 24 10
                                    

Dedicated to: @IamKcYcnm

"Of course," she answered, "Ba't naman kita pipigilan kung ikakasaya mo iyon?" Tanong pa nito. Ngumiti ako sa kanya at lumapit saka niyakap ito, agad rin naman siya akong niyakap. "Thank you." Sagot ko.

Nag-usap pa kami ni Maya tungkol sa kanila ni Aiden at tungkol rin sa trabaho niya, isa siyang Flight Attendant kaya minsan lang namin siya makita at makasama dahil palagi itong may byahe. Matapos naming mag-usap ay agad rin naman siyang umuwi at hinahanap na rin daw siya ni Aiden, since they lived together.

Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos. Nagsuot lang ako ng Ruffle White Off-Shoulder na pinarisan ko ng high-waisted denim shorts tsaka black boots, I'm planing to visit Ate Danica sa  bahay nina Mommy at Daddy pagkatapos roon ay pupunta rin akong Kim's Agency.

Sinuot ko na ang tote bag na hinanda ko kanina at kinuha ang susi ng kotse ko sa wall at sinarado ang pinto at nang masigurado kong naka-lock na ito ay naglakad na ako papunta sa elevator at sumakay.

Nang makarating na ako sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko ng mahanap ko ito, pagkapasok ko ay agad kong nilagay ang tote bag ko sa passenger seat at binuhay ang makita at pinausad ito. Hindi naman ganon ka-traffic kaya hindi pa nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Mommy. Pinarada ko ang kotse ko sa gilid ng gate nila, saka lumabas at nag-doorbell.

Bumukas naman ang gate at tumambad sa akin ang isang kasambahay, "Good Afternoon po Ma'am Agatha." Nakangiti nitong bati, ngumiti lang rin ako sa kanya bilang ganti at niluwagan nito ang gate kaya nakapasok na ako sa loob.

"Nasa loob po ba si Ate Danica?" Tanong ko naman sa kanya bago ako tuluyang pumasok, tumango naman siya at nagsalita, "Opo, kasama niya po si Brittle." Sagot naman nito, "Salamat po."

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Ate Danica at Brittle sa salas na nanunuod nang Sofia the first. Naalala ko naman si Brielle.

"Hi everyone." Tawag ko sa attention nila na agad ko namang nakuha dahil sabay silang lumingon sa akin, nung makita ako ni Brittle ay patakbo siyang lumapit sa akin. Niyakap ko naman siya nung nakalapit siya sakin, "Na-miss kita Ate." Nakangiti nitong sambit. Mahina ko namang kinurot ang pisnge niya, "Ako rin naman ah." At niyakap ulit siya.

Matapos kong yakapin si Brittle ay agad akong lumapit kay Ate Danica nang nakita ko itong nahihirapan na tumayo. Agad ko naman siyang inalayan na makatayo, at nung makatayo siya ay agad niya akong niyakap kahit hindi niya naman talaga ako mayakap ng maayos dahil sa maumbok nitong tiyan. "Kailan nga ulit due date mo Ate?" Tanong ko sa kanya, at hinawakan ang maumbok nitong tiyan.

"Next month pa naman." Nakangiti nitong sagot, nakita ko namang bumalik sa pagkakaupo si Brittle kung saan siya nakaupo kanina nung dumating ako at binalik ang atensyon sa pinapanuod.

"Malapit na rin pala." Nakangiti ko ring saad, "Kumain ka na ba?" Tanong nito at agad naman akong tumango sa kanya. "Kasama kong kumain si Maya doon sa condo." Sagot ko naman.

Inalalayan ko naman si Ate Danica na makaupo sa sofa at nung nakaupo na siya ay agad ko siyang tinabihan, napangiti ako ng hinimas nito ang tyan nito habang nakangiti rin. "Excited na ako Agatha." May bahid nang pagkasaya at pagkagalak sa boses nito. Isang buwan nalang at madadagdagan nang isa pang miyembro ang pamilya namin.

"Ako rin naman Ate eh." Aniya ko at hinawakan ang kamay niyang humihimas sa tyan niya, napatingin naman ako sa kanya at nahuli ko siyang seryosong nakatingin sa akin. "I assumed na sinabi na sayo ni Brayden ang tungkol kay Calvin." Panimula nito, tinanggal ko naman ang kamay ko mula sa tyan niya.

"Nasabi niya na sakin Ate, pero wala pa akong plano na puntahan sa presinto si Calvin. Sa susunod nalang siguro kapag nahanap na si Marian." Sagot ko naman, napalingon naman ako kay Brittle at nakita kong wala na ito sa kung saan siya nakaupo kanina.

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon