CHAPTER 48

2.9K 57 0
                                    

AGATHA POV

Nung makapasok na ako sa comfort room ay agad kong binuksan ang med-kit na nandito sa C.R

Nang makuha ko ito ay agad akung lumapit sa salamin at tinignan ko ang mukha ko. At tama nga si Freyah dahil may sugat ako sa pisnge. Walang hiyang babaeng yon! She's really a bitch.

Binuksan ko na ang first aid kit saka kumuha ng isang cotton at Alcohol. Saka nilinisan ang sugat ko, napangiwi ako nung maramdaman ang hapdi nung maramdaman ko ang alcohol. Sh*t! I won't suffer like this kung hindi lang dahil sa babaeng yon.

Matapos kong linisan ang sugat ko ay kumuha ako ng isang cotton bud saka kumuha ng kunting betadine saka nilagay sa sugat ko. Di kagaya ng alcohol, dahil medyo hindi siya ganon kahapdi. Pagkatapus non ay nilagyan ko ng band-aid.

Niligpit ko na ang mga ginamit ko saka tinapon sa basurahan at binalik ang midical kit sa kabinet. Nag hugas muna ako ng kamay bago lumabas ng comfort room at bumalik sa office ko.

"Ma'am, tumawag po si Addison hinahanap po kayo"- bungad sa akin ni Freyah

"Thank you Freyah"- ako, saka umupo sa swivel chair ko.

"Okay na po ba kayo Ma'am?"- tanung sa akin ni Freyah. Napahawak naman ako sa ulo ko.

"Nahihilo lang ako"- sagot ko naman sa kanya

"Kukuha lang ako ng tubig, Ma'am"- Freyah saka lumabas ng office.

Biglang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko naman kung sino at nung nakita ko ang pangalan ni Addison sa Caller I.D ay agad ko ring sinagot.

"Addison"- sagot ko sa tawag niya.

("Agatha, I need your help")- rinig kong saad ni Addison sa kabilang linya.

"Why? May nangyari ba?"- tanung ko sa kanya

("He's back. Marco's back at gusto niyang kunin si Alexson sa akin. You know that hindi ko kayang lumayo sa anak ko")- maririnig mo na umiiyak siya.

"Sige. Pupuntahan kita"- ako, saka tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko.

Nakasalubong ko naman si Freyah na may dalang tubig.

"Freyah, ikaw na bahala sa office"- saad ko

"Ma'am, inom po muna kayo"- Freyah

"Iinom nalang ako sa labas. Salamat"- ako at hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi at patuloy na naglakad hanggang sa makaabot ako sa elevator. Agad kong pinindot ang ground floor

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon