AGATHA POV
Hindi pa nagtagal ay nag-umpisa na ang Gala. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kaba dahil matagal na nung muli ko itong ginawa. Huminga naman ako ng malalim. Hindi pa nagtagal ay pinakilala na ng host ang CEO ng Diamond Stone saka na rin ang mga designer nila. Nagsalita pa sila ng ilang sandali bago nag-umpisa na silang maglakad ba hallway. Ang gaganda ng damit nila so provocative. Pero sa amin Provocative but elegant.
Nagsusuot naman ako ng heels nang biglang magsalita si Scarlet.
"Is that Marian Dawn?"- Scarlet
Marian Dawn?
Tumingin naman ako sa T.V at totoo ngang nandoon si Marian. Ngayon ko lang nalaman na nandito pala siya.
"Minsan na atang nag trabaho si Marian Dawn sa Diamond Stone"- saad naman ni Samantha. Tumango nalang ako sa kanya.
Tumayo na kami dahil pinapatawag na kami dahil ilang models nalang ay kompanyan na namin. Lumabas na kami ng kwarto saka pumunta sa back stage saka luminya na kami sa naayon sa amin. Nung tapos na ang huling model ay nagpalakpakan ang mga tao. Pagkatapus non ay nagsalita muli ang host ng kung ano-ano pa hanggang sa tinawag na nila ang CEO saka ang mga designer. Lumabas naman si Calvin kasama anh dalawang designer. Nagpalakpakan ang mga tao.
"It's such a pleasure that we are with you Mr. Calvin Yoo"- Host
"Me too. I feel so honored to be here and I'm happy because are company can finally show the talents that we have"- saad ni Calvin at nagpalakpakan naman ulit ang mga tao. Tinanung rin ng host ang mga designer at sinagot naman nila at hindi pa nagtagal ay tinawag na kami.
"Now let's welcome, the handsome and gorgeous models of Empire High with their elegant outfit"- Host
Naunang lumabas si Scarlet at nung lumabas siya ay nagpalakpakan ang mga tao saka tumahimik rin. Nung nakalabas na sa kabilang side si Scarlet ay agad ring lumabas si James. Pagkatapos ay si Kristine. Nakita kong kinakabahan si Samatha kaya hinawakan ko ang kamay niya at ang sobrang lamig nito. Kahit naman sino, kakabahan sa ganitong pangyayari.
"Huwag kang kabahan. Isipin mo nalang na naglalakad ka sa kwarto mo"- saad ko. Napatingin naman siya sakin at tumingin ng alanganin.
"Paano kung matumba ako sa harap ng maraming tao? Paano kung masira ang suot kong damit? Paano kung mapahiya ako?"- halos maluha-luha niyang saad. Mas hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"Hindi mangyayari yon Samantha. Trust yourself"- ako, tumango naman siya sa akin. Napatingin naman ako sa labas at nakita kong tapos na si Adam, kaya si Samantha na. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas, at kagaya ng iba ay nagpalakpakan ang mga tao saka tumahimik.
Hinintay ko na matapos si Samantha at nung lumabas siya ay nagsimula na akung maglakad. Naglakad ako habang nakatingin sa harap at naka-fierce lang. Dahil yon ang sabi sa amin.
"She's Agatha Kim, right?"
"Yeah. She is"
"I thought she's no longer a model"
"I heard that, she's only doing this but she's not going back to be a model"
"Ah. But she's pretty"
"Yeah. She is"
Narinig kong usapan ng dalawang amerikana. Pero hindi ko nalang sila pinansin at nagfucos sa ginagawa ko. Naglakad na ako pabalik sa back stage at nung makalabas ako ay sumunod naman si Addison.
Tumingin ako sa monitor, and I can say that she's very good. I mean, for a first timer. Hindi mo maiisip na first time niya sa ganito dahil mukhang bihasa na siya.
Tinulungan ako ni Mila sa damit ko papunta sa waiting room at magpapalit na rin kami ng damit for Summer Vibe.
"Ang galing mo talaga Agatha"- saad ni Mila habang nakahawak sa damit ko.
"Salamat"- ako, saka nagpatuloy kami sa paglalakad. Nung binuksan ni Mila amg pinto ay tumambad sa akin ang mga kaibigan ko na tapos na at suot na nila ang Summer Vibe dress/ shirt.
Nagthumps-up naman si Adan sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya, at nagpatuloy ako sa dressing room, saka nagpalit ng damit. At nung tapos na akung mag-bihis ay lumabas na ako ng dressing room saka umupo sa tabi ni Scarlet at tumingin sa T.V kung saan naglalakad na ang Diamond Stone sa kanilang Summer Vibe Outfit, at aaminin kong ang cute ng damit nila.
Napalingon naman ako kay Scarlet dahil nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin.
"What?"- tanung ko.
"You look nice in that outfit"- nakangiting Scarlet.
"Thank you"- ako
"Type ko yang boots mo"- Scarlet saka tumingin sa paa ko. Tinaas ko naman ng kunti ang paa ko saka tinignan ang boots na sout ko and it's really pretty.
"Edi bilhin mo"- nakangisi kong saad. Inirapan niya naman ako kaya natawa ako pero agad ring tumingin sa t.v
[A/n: Agatha's outfit in media (Summer Vibe)]
At nung malapit na matapos ang kabilang kompanya ay nagsilabasan na kami at nakasabay ko si Addison.
"Ang ganda mo sa suot mo. Bagay sayo yung sumbrero"- Addison.
"Hindi bang masyadong maikli?"- tanung ko sa kanya. Medyo na conscious kasi ako sa damit at feeling ko sobrang ikli.
"Hindi naman. Bagay nga sayo, at may curve naman ang katawan mo kaya hindi mahahalata na may anak ka na"- saad ni Addison saka tumango. Napailing naman ako sa sinabi niya.
At katulad kanina ay luminya kami, at nag-umpisa ng lumabas isa-isa.
*FAST FORWARD*
Lumabas na ako saka ngumiti ng napakatamis. Naglakad ako, saka nakatingin pa rin ng diretso. Nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa akin ang mga mata ng tao lalong lalo na sa damit na suot ko at napapatango naman sila.
Nung nakalabas na ako, ay agad akung pumunta sa waiting room.
"I bet mananalo tayo"- nakangiting saad ni Kristine
Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa dressing room at naabutan ko doon ang isang designer. Tinulungan niya akung masuot ang damit ko. At nung nasuot ko na ay tinulungan niya rin ako sa pagsuot ng heels na isusuot ko.
"Thank you"- ako at lumabas na ng dressing room.
Napatingin ako sa mga kasama ko at isa lang ang masasabi ko ang gaganda nila sa suot nila.
________________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction(Highest Rank: #20 in Teenfiction) |Filipino-English Story| Book 2 of Married with a Casanova By: FlatteringDaisy🌼 ________________________________ This book was written around September 2018