CHAPTER 71

1.5K 45 16
                                    

Dedicated to: @Veeeeron

Stay safe, everyone. ❤

Matapos sabihin sa akin ni Brayden lahat ay agad-agad rin kaming bumalik sa hotel para mag-ayos nang gamit dahil babalik na kaming Pilipinas. I already booked a flight for us papuntang Pilipinas, kailangan ko pa ngang kausapin ang kakilala ko para lang makakuha nang dalawang ticket pauwi.

We are on are way to airport at kanina pa kami hindi nag-uusap ni Brayden matapos ang nangyari sa kotse kanina.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya, sinisigurado kung tama ba ang pagkarinig ko.

"Si Calvin at Marian?" Tumango naman si Brayden sa akin bilang sagot, bigla naman akong nawalan nang lakas at biglang napahawak sa ulo ko kasi bigla ako nakaramdam ng pagkasakit ng ulo.

"No..." Mahinang sambit ko habang nakahawak pa rin sa ulo ko pero patuloy pa rin ang pag-agos nang luha galing sa mata ko. Today was to much, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga nalaman ko ngayong araw. Naramdaman ko na hinawakan ni Brayden ang likod ko at pinapatahan ako.

Matapos non ay bumalik na kami sa hotel. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip na magagawa ni Calvin iyon kay Brielle dahil minsan na rin niyang nakasama si Brielle tuwing dumadalaw kami sa Empire High. Nung tinanung ko si Brayden kanina kung paano magkakilala si Calvin at Marian at ang sabi niya ay may relasyon daw ang dalawa at sa sobrang galit daw umano ni Marian sa akin ay nagawa nila ito. Bakit hindi nalang ako ang sinaktan nila? Bakit kailangan pa nilang idamay ang anak ko?

Napatingin ako sa labas nung naramdaman kong tumigil na ang sasakyan at nakita kong nasa harap na kami nang airport. Agad naman akong bumaba at sumunod lang sa akin si Brayden, nakita kong kinuha niya ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan kaya lumapit ako sa kanya para tulungan siya. Wala ni isa sa amin ang nagsalita kaya nung pumasok na kami sa loob ng Airport ay agad kaming lumapit sa isa sa mga gate dahil paalis na rin ang eroplanong sasakyan namin.

Nakaupo ako malapit sa bintana samantalang si Brayden ay nasa tabi ko at nakapikit na nakasandal. Wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa, nag-aalala ako sa kanya dahil kanina nung kinuha ko ang isang maleta sa kanya ay naramdaman ko mainit niya kamay. May sakit kaya ito?

Tumingin ako kay Brayden at nakita kong nakapikit pa rin siya kaya hindi ako nagdalawang isip na ilagay ang palad ko sa noo nito at hindi nga ako nagkakamali dahil mainit ito. Agad namang bumukas ang mata nito at tumingin sa akin, "Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya at tinawag ang isang flight attendant para humingi nang tubig at mabuti nalang at palagi akong may dalang gamot sa bag ko.

"Ayukong makadagdag pa sa problema mo." Mahinang sagot nito sa akin at pumikit ulit ito. "Huwag ka munang matulog, uminom ka muna nang gamot." Aniya ko at nung nakabalik na ang flight attendant na may dalang isang bottled water ay agad naman akong nagpasalamat sa kanya.

Binuksan ko ang tubig at binigay ito kay Brayden pati na rin ang gamot. "Inumin mo yan para hindi na tumaas ang lagnat mo." Hindi na siya nagreklamo at ininom rin ito, agad akong tumayo kaya napatingin siya sa akin. "Palit tayo nang upuan, dito ka." At tinuro ko ang inuupuan ko kanina na malapit sa bintana. "Okay na ako rito." Sagot naman nito sa akin, agad ko naman siyang tinignan ng masama. "Huwag nang matigas ang ulo Brayden." Saad ko, hindi na siya nagsalita pa at tumayo nalang saka umupo sa inuupuan ko kanina. Agad naman akong umupo at inayos ang isang blanket na nakatakip sa kanya saka pinatay ko rin ang aircon naming dalawa para hindi siya lamigin.

Buong byahe namin ay nakabantay lang ako kay Brayden, from time to time ay tinatanung ko siya kung may kailangan ba  siya o di kaya may iba pang masakit sa kanya at laking pasasalamat ko at wala rin naman itong iba pang nararamdaman.

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon