Prologue

94.4K 1.6K 407
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

PLAGIARISM IS A CRIME.

This is the second installment of the Hot Trans Series.

—————————————————

"Blythe!" Tawag ni Ate Von sa hindi ko na maibilang na beses. Umikot ang mga mata ko at nag-patuloy sa paglalagay ng nail polish sa kuko ko.

Maingay na tumutugtog ang musika ng isang sikat na Popstar sa loob ng kwarto ko at pa-minsan minsan ay sumasabay rin ako sa pag-kanta.

"Blythe! Bumaba ka na riyan!" Sigaw ulit ni Ate. I sneered and mimicked her annoying voice. Hinipan ko ang kuko ko at napa-ngiti sa naging resulta nito.

"Ganda!" Puri ko at bahagyang sumayaw pa sa tugtugin. Iniligpit ko na pagkatapos ang mga ginamit kong pampa-ganda ng kuko at tumayo na. I waved my hands to dry my nails.

"Blythe! We have a guest down there! Ikaw na lang ang wala roon! Hinahanap ka na ni Dad!" Ani Ate. I arched my brows. Guest? Who? Prolly one of Mom's annoying kumares again? Dad's colleagues? Nah. I'm too precious and blooming for that.

I faced my vanity mirror and stared at my pink cotton shorts. I am wearing an Adidas crop top. I smiled in satisfaction.

"Gorgeous bitch you are." Ngisi ko sa salamin. Saktong umalingawngaw ang isang twerk song kaya napa-hataw ako bigla sa pag-sasayaw.

"Slay bitch! Slay!" Sabi ko habang naka-tingin sa repleksyon ko. Sa kabila nang maingay na tugtog ay naririnig ko pa rin ang pag-katok at mga sigaw ni Ate mulas sa labas ng kwarto ko.

"Tigas talaga ng ulo mong bata ka, ah! I'm calling Dad!" Inis na sabi ni Ate at pagkatapos ay hindi ko na siya narinig pa. I rolled my eyes.

Pinunasan ko ang noo kong may mumunting pawis at ganun na lang ang pagka-sindak ko nang ma-erase ko ang dulo ng perfectly-arched kong kilay.

"My gosh! Ang kilay ko!" Natataranta kong daing at agad nilapitan ang salamin upang ingudngod ang mukha ko roon para mas makita pa ang nasira kong kilay.

Inis akong napa-padyak at walang nagawa kundi buksan ang drawer ng vanity mirror ko at kunin ang eyebrow pencil ko. Huminga ako nang malalim at sinimulang guhitan ulit ang kilay ko. Maganda naman na ang kilay ko ngunit kailangan lang talaga ng enhancer upang mas gumanda pa. And bitch, I slayed this one.

I really hate it when someone tries to touch my perfectly-arched eyebrows. Like, come on! Huwag kayong inggetera! Hawakan at sirain niyo na lahat, huwag lang ang kilay ko!

Nang natapos ay napa-ngiti na ulit ako. Bumaba ang tingin ko sa aking mga labi. My Cupid's bow lips look so ravishing. Inabot ko ang aking matte liptint at marahang pinahiran niyon ang aking mga labi. I then smiled again.

"Perfect. Goddess." Puri ko. Natigilan lamang ako nang biglang maalala ang banta ni Ate kanina. She's calling Dad! Oh my gosh. May kasalanan pa ako kay Dad. Baka tuluyan na talaga akong ma-grounded nito!

Dali-dali kong tinungo ang pinto at patakbong lumabas ng kwarto. I saw our grand staircase and the fantastic chandelier hanging from above it. Bumaba ako habang nag-dadasal na sana ay hindi pa nagagalit si Daddy nang tuluyan sa 'kin doon.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon