Chapter 7

21.9K 1K 241
                                    

Kinabukasan, Linggo ng hapon, ay gumala ako sa village namin. Hinahanap ng aking mga mata si Isab sa mga nagkukumpulang mga kalalakihan na halos lahat ay mga skateboarders. Sobrang nabagot ako sa bahay kaya pinili ko na lamang na lumabas. Kahit papaano'y pinapayagan pa rin naman akong lumabas...

Bitbit ko sa aking kanang kamay ang keypad phone na bigay sa 'kin ni Luca. Ikinakahiya ko ang dalhin ito pero wala na akong ibang choice dahil ito lang ang komunikasyon namin ni Luca. Hindi ko alam kung saan ang lalaking iyon ngayon pero para maka-sigurado ay dinala ko na lamang ang bigay niyang cellphone. I was told I have to respond to him immediately when he would look for me. Baduy.

Kung sana ay smartphone lang ang ibinigay niya sa 'kin ay hindi na sana ako nabagot dun sa bahay. Eh, ano ba kasing aliw ko rito sa keypad phone na ito? Snake? Car Racing? My gosh.

Nang naka-lapit sa kumpulan ng mga lalaki ay agad kong naagaw ang kanilang mga pansin. Karamihan sakanila ay naka black t shirt. May mga suot din silang knee pads at kung ano ano pang proteksyon sa katawan.

Ngumisi iyong matangkad na lalaki at sumipol. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nag-taas naman ako ng kilay. I'm wearing a denim short shorts and a fitted white blouse. Hapit sa manipis kong katawan. Ang katamtaman sa puti kong balat ay lantad na lantad sa mga mata ng kung sino mang titingin. Mataray ko silang tiningnan lahat.

"Where's Isab?" Tanong ko. Nagka-tinginan silang lahat at ngumisi. Mga tangang 'to!

"Ikaw ba iyong best friend niya?" Tanong nung matangkad. Humalukipkip ako.

"Yes."

"Galing, ah? Bakla at tomboy." Aniya at nag-tawanan silang lahat. Agad um-activate ang bitch side ko. Ah, bastusan pala, ah? Gora!

"Hoy, panget! Akala mo naman ikina-gwapo mo iyang pagske-skateboarding mo! Tanga! Mukha kang tipaklong!" Bulyaw ko. Napawi naman agad ang ngisi sa mukha niya.

"Ohhh..." sabay-sabay na hiyawan ng mga kasamahan niyang skateboarders. Napa-ngisi ako nang makitang namumula ang mukha nung lalaki. Asshole, eh!

"Baka inaakala mo ring hindi ako nananapak ng bakla?" Maangas na tango nito. Umakto akong nagulat. Shit. Should I be scared?

"Kung sasapakin mo ako, ibig sabihin nun, bakla ka rin! Mukha mo!" Mataray n sabi ko— nakahalukipkip pa rin. Nag-asaran na naman ang mga kasamahan niya. Lihim akong na-tawa.

"Tang ina. Ano bang kailangan mo? Umalis ka na nga." Naiinis nitong sabi.

"Ang ayos-ayos ng pagtatanong ko tapos babastusin mo ako? Gago ka pala, eh." Irap ko. Kita kong nagpipigil siya ng inis.

"Wala si Isab dito. Sumama sa mga kapatid niya." Anito at nag-iwas ng tingin— namumula pa rin ang mukha. Napansin ko ring napapa-lunok siya habang pasulyap-sulyap sa legs ko. I smirked. Mga lalaki talagang kunware inis sa mga bakla pero ang totoo, eh, attracted din naman talaga! Lalo na kapag ako. Ang pretty ko kaya! 

"Iyan naman pala, eh. Umayos kasi, 'di ba?" Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. Nag-hagikhikan lang ang iba.

"Blythe..." biglang tawag galing kung saan.

Napa-lingon naman ako roon at nakita ang papalapit na si Clyde. May bitbit ring skateboard. Kinapos agad ako ng hininga. Oh my!

"C-clyde!" Bati ko. Matamis siyang ngumiti at para akong hihimatayin sa tanawin. Ang pogi!

"What are you doing here? Ikaw lang mag-isa?" Aniya. Napa-sulyap ako sa mga lalaki sa gilid at nakitang bumalik na sila sakanilang mga ginagawa. Iyong matangkad namang lalaki ay naka-masid pa rin sa 'kin. Inirapan ko ulit ito.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon