Having my daughter is the best thing that ever happened in my life. Ang saya na naramdaman ko noong naging kami ni Blythe at noong ikinasal kami ay dumoble nang dumating sa buhay namin si Lucia. She's been my favorite part of the day– next to her Mommy, of course. One look at her cute heart shaped face (that she got from her mother) and everything turns bright and lively. Kapag stressed ako sa trabaho, si Lucia ang nakakapag-pawala noon. Isang halik niya lang sa pisngi ko at yakap sabay sigaw ng 'Daddy!', labis na akong sumasaya.
My heart flutters everytime she smiles at me. Whenever she raised her brow if I annoy her too much. Kapag nagde-demand kung anong gusto niyang bilhin. At kapag ngumunguso kapag sinusumpong. All I could think about is: she's a carbon copy of Blythe Gia. The great wife of mine!
Manang mana walang palya! At kung paano ako sa Mommy niya, ganoon na ganoon din ako sakaniya. I spoil her to death. Nawalan ako ng kakayahang tumanggi. Imbes ay ang asawa ko pa ang kumo-kontra sa akin. Now I know how Dad felt when Blythe was Cia's age. Lahat ibibigay, makita mo lang na masaya ang anak mo. Walang pera o kahit ano pa man sa mundo ang makaka-tumbas sa kasiyahang iyon. It's different. So much different.
Isang umaga ay nagising ako at naabutang wala na ang mag-ina ko sa kama namin. We're at our apartment here in New York. May business trip ako at sinama ko ang pamilya ko dahil isang buwan mahigit din ang itatagal ng trip. I can't take that. I can't stand being away from them in a very long period of time. Kaya dinala ko ang mag-ina ko para naman makapag-bakasyon na rin.
I have been too busy the past few months. Rumarami na kasi ang projects ng firm ko at hindi ko rin pwedeng pabayaan ang responsibilidad ko sa Isabela bilang Gobernador. My father resigned two years ago. Malaking pasanin ang pag-sabayin ang dalawang trabaho. Pero kinakaya ko. Sa firm lang ako naging abala nitong mga nagdaang araw. At kapag lumuwag naman ang schedule ko, umuuwi ako ng Isabela para sa mga gagampanang serbisyo. At sa mga panahong iyon, bitbit ko ang mag-ina ko kahit saan. Maliban na lang kung isang araw lang akong hindi makakauwi. Kapag higit na roon ay pinapag-impake ko na si Blythe dahil talagang isasama ko sila.
Dinampot ko ang cellphone ko sa side table ng kama at tiningnan ang oras. It's eight o'clock in the morning. Bumangon na ako at nag-suot ng puting sando. With only my grey boxer shorts as my bottom. After brushing my teeth, I wore my spectacles and stepped out of the master's bedroom.
Isang taon si Cia nang kinailangan ko nang mag-suot ng salamin. Hindi naman sira ang paningin ko pero kailangan ko ng protektahan para hindi na umabot sa ganoon, lalo na't ang lagi kong kaharap ay Laptop. Sinusuot ko lang kapag sumasakit na ang mata ko o minsan sa umaga kapag hindi pa nakakapag-adjust. Just like this time.
My wife would call me names sometimes. Napa-iling ako at ngumisi. I hope Cia won't inherit that part of her. Iyong namimintas. Okay na iyong brat at spoiled. Huwag lang namimintas katulad ng Mommy niya. Ayokong tawagin akong nerd ng anak ko. Natawa ako sa iniisip.
"Good morning po, ser!" Bati ni Kuling na siyang dinadala namin palagi sa mga ganito. She's Blythe's favorite maiden. Although, I hear her mocking Kuling at times, but she likes her and she's comfortable with her. Kaya sa mga kasambahay namin sa bahay, siya iyong lagi naming dinadala.
"Nasaan sila Ma'am mo?" Ngiti ko at tango sa bati niya. Agad niya akong pinag-timpla ng kape. I looked around to search for any signs of my little brats. None.
"Ah! Nasa gym po si Ma'am Blythe. Si Cia naman nasa entertainment room, nanonood ng cartoons." Madaldal na sabi ni Kuling. She's really jolly and full of energy. Kahit minsan pinipintasan rin ito ng asawa ko ay tumatawa pa rin naman.
Kinuha ko ang kape ko at nagpasalamat. Una kong pinuntahan si Cia na tutok na tutok na naman sa paborito niyang cartoons. Sinadya ko talagang may entertainment room dito sa condo ko sa New York, dahil alam kong kapag nasa ganitong edad na siya, hilig talagang manood ng mga cartoons.
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...