Kinabukasan ay pumasok na ako sa firm bilang unang araw ko sa trabaho. I still can't believe I am now the President of our firm. Thousands of employees are in my employ and it's very overwhelming. Hindi ko alam kung makakaya ko ba. But my years of studying in Harvard taught me so many things. I may not be a connoisseur yet in this field but I know I will be, in time. I will pull this off because I believe in myself.
Abala ako sa pagche-check ng mga sample plates nang biglang tumunog ang intercom sa gilid ko. I pressed on it.
"Miss Blythe, may dumating pong flowers galing Juliet Flower Shop. Ipapasok ko ho ba?" Tinig ni Victoria— na nanatili bilang sekretarya ng President, at ako na 'yun ngayon.
She's quite old now for the job but I decided to keep her anyway because I don't believe that women should be limited from doing what they're good at just because of their age. Plus, she's been with my Dad for many years and she knows so much more about how the company works than I do. Makakatulong siya sa 'kin.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Flowers? Tumikhim ako.
"Kanino daw galing?" Ibinaling kong muli ang mga mata ko sa plates.
"Wala hong kompletong pangalan, eh... pero m-may nakalagay po. Uh... eh." parang nagaalinlangan pang sabi ni Victoria.
"What is it?" Medyo iritado kong sabi. I have no time for this! If this is from a random suitor or whatever, then damn it! Nakaka-disturbo lang!
"B-baby daw eh.." nahihiyang sabi ni Victoria. Mariin akong napapikit at napasandal sa swivel chair ko. Pagod kong binitiwan ang mga papel at padabog na tumayo.
Naglakad ako patungong pintuan at marahas na binuksan iyon. Naabutan ko si Victoria na gulat na naka-tingin sa 'kin mula sa desk niya. Hawak niya ang isang bouquet ng white tulips.
"Akin na." Lahad ko ng kamay. Nagmamadali naman siyang ibigay sa 'kin ito. Pumasok ulit ako sa office ko pagkatapos. Kunot noo kong hinanap ang note nito at binasa.
Have a good day, baby!
Napa-daing ako sa iritasyon. That brute! This is his penmanship! I know! At walang ibang tatawag sa 'kin ng ganito kaya sigurado akong siya nga ito!
Halos itapon ko ang bulaklak sa sahig sa sobrang inis. Sa huli ay padabog ko na lamang itong nilagay sa sofa sa harap ng table ko.
Agad kong inabot ang cellphone ko. I was so ready to send him a long message already ranting about the flowers he's sent me, nang natigilan ako dahil may mensahe na pala siya roon. Ang kapal talaga ng apog ng damuhong ito!
From: Luca
Hope you liked the flowers!
Imbes na sagutin pa siya ay binalewala ko na lang. Kung hahayaan ko iyong damuhong iyon na sirain ang araw ko, eh, 'di talo ako! Kaya inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa trabaho.
That was a very busy day indeed. I had meetings with all of our architects. Lunch with some of our big time and loyal clients and all of that... Pagod na pagod akong umuwi sa bahay sa huli. Matapos kumain at maligo ay natulog na rin agad ako.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Gabby sa Viber. Sabi niya ay pauwi na raw siya ng Pinas at gusto niyang mag-dinner kami sa Greenbelt. It made me very excited agad kaya iyon ang laman ng isip ko papuntang firm nang umagang iyon.
Imbes na ipag-maneho ako ni Manong Andoy ngayon ay napag-desisyunan kong magdala ng sariling sasakyan. I drove the rarely used Jeep Wrangler of my Dad. Naisip ko tuloy na bumili na lang din ng sariling sasakyan ko kapag nagka free time na ako. Since magst-stay naman na rin ako dito sa Philippines. Sa America na kasi ako natutong mag-maneho at nagka-sasakyan kaya wala talaga ako rito.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...