Chapter 49

37.3K 1.2K 659
                                    

Naninimbang at tahimik si Ate habang pinapauna akong sumakay sa likod ng malaking SUV ng mga Romualdez. I smiled as I can only imagine how spoiled she is by her husband and his family. May dalawang malalaking tao sa front seat, isang driver at isang bodyguard. Pinanood ko si Ate habang inaalalayan siya ng isa pang bodyguard upang makapasok na rin. Isang irap agad ang ginawa niya ng nakaupo. The bodyguard who helped her went to a separate car behind us. The perks of being a Pregnant Romualdez. Hmm..

"I know what you're up to, Blythe." Aniya. Nanliliit ang kaniyang mga mata habang tinititigan ako. I was taken aback. Gulat sa bilis niyang konklusyon. Mabilis din akong nakabawi at humalakhak.

"Did you already know that the middle child is the most ruthless? It's true." Kumindat ako sakaniya. Napa-iling naman si Ate at napahilot sakaniyang noo. Jusko! Paano kaya 'pag nalaman ni Kuya Miko na nas-stress sakin itong buntis niyang asawa? Natawa ako sa isip ko.

"Alam ko na iyan noon pa, Bly. Pagkakita ko pa lang sayo sa ospital alam ko ng anak ka ng kadiliman." Sarkastikong sabi niya. Natawa ako ng malakas kaya natawa rin siya. I playfully pinched her arm.

I arched a brow when I remembered why I wanna talk to her. Hindi ko malilimutan ang pakikipag-sundo ng mga Romualdez sa mga Lagdameo at Montallana. Engineer Teorico mentioned that they are kind of doing business. What business is it?

"Hindi mo pa sinasabi sa'kin kung bakit may kasunduan sina Kuya Miko at iyong dalawang pamilya? Kaya rin ba imbitado sila kagabi?" Seryosong tanong ko. She sighed and looked away.

"It's only with the Lagdameos, Bly. We have nothing to do with the Montallanas." Aniya. Kumalabog ang puso ko.

"Then why the hell they were there?" halos pasigaw ko ng sabi. Nagulat naman si Ate sa pag-iiba ng timpla ko.

"To give courtesy. You know very much how binded the Lagdameos are with the Montallanas. And Luca's wife is Melissa Montallana so it's-"

"Stop."

Natigil si Ate. Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig sakin. I looked away. I know, okay. I know. Why did I even asked it by the way? Stupid. Pinilit kong huminahon at patigilin ang paninikip ng dibdib ko.

"Papa invited them. It's been years, Bly... everyone moved on." halos duyanin ako ng boses ni Ate. May awa sa mata niya akong tinitigan. Tila ba basang-basa niya ako. My heart ached at that. Everyone moved on... ako nalang. Ako nalang ang naiiwan. Even Dad..

"They did us wrong. Isn't that enough to not move on and forget?" mahinanon ko ring sabi. She smiled at me, sadly.

"How can you make progress when you can't even lift yourself up from the past? Yes, they did us wrong. But it's not always revenge that can give us justice. Sometimes.. it's forgiveness."

Napapikit ako. Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. No. I can't accept that. No. They don't deserve forgiveness. They don't.

"Anong nangyari sa mga imbestigasyon, Ate? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila nakukulong?" Pinilit kong tatagan ang boses ko kahit hindi pa masyadong nakakaahon sa emosyong dumaan kailan lang.

"Kahit pa sila ang itinuturong dahilan sa pagkaka-guho ng gusali, hindi pa rin sila ang sasalo sa kasong iyon, Bly. It was our Engineers. It was under their supervision. Kahit pa maraming testigong nagsasabing may mga tauhan ng mga Montallanang nanloob at hinaluan ng substandard cements ang nakalaang cements ay hindi pa rin iyon sapat."

"Why? Is that how fucked up our justice system here?!"

"At isa pa, hinarap din nila iyon. Ilang hearing din ang dinaluhan nila."

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon