Chapter 38

37.1K 989 371
                                    

For me, pure happiness comes to those who welcome, wait, and embrace it. It occurs to those who strive hard for it and live with it. Kasi sa panahong ito, natanto kong being happy is indeed a choice. Na hindi ka malulungkot kung pipiliin mo lang na hindi rin malungkot. You can be happy for any reasons. Be it your family, friends, whims and caprices, vices, chocolates, or even... sex.

Na kung sana ay pinili ko ring maging masaya na lang noon pagdating ni Luca sa buhay ko. Na sana winelcome ko na lang siya ng buong puso at hindi na pina-iral pa ang selos at pagiging makasarili. Hindi na sana ako nag-dusa at napuno ng galit sa mga panahong iyon.

But then... every time I try to regret all of what happened before, I just can't. Simply because if I didn't possess such hatred towards him, I wouldn't have been this in love and crazy for him now. As he is to me, too.

Kaya sa huli, ang tanging mapapag-tanto mo na lang din ay ang lahat ng bagay ay nangyari at nangyayari para sa isang dahilan. Ano man iyon, wala na tayong kakayahang malaman pa.

Isang halik sa noo bago ako sinubsob sa dibdib niya ay napa-ngiti ako. Huminga ako nang malalim habang pinapanood ang mga buildings sa labas na mabilis na nawawala dahil sa pag-andar ng bus.

We are once again riding a bus to wherever his province is. But this time, it is fully air-conditioned, with comfy seats and a flat screen mini TV. My big man is spoiling me just the way I like it.

Manila to Isabela ang routa ng bus na ito at hindi ko alam kung doon nga din ba ang probinsya nila o baka nasa unahan pa ng lugar na iyon. It also makes me wonder if we might have to climb a mountain just to get to where the freakin' bukid he came from. I smirked. Just the thought of it horrified the hell out of me. Well, kung taga bundok nga siya, ang gwapo niya namang taga bundok. Ang sarap pa.

Now that I think of it, hindi niya pa kailanman sinabing taga Isabela pala siya. I've done my research and it's eight hours away from Manila! My gosh...

"Maganda ba dun sa inyo?" I looked up at him. Ang tumutubong balbas sa kaniyang panga at baba ay sobrang gaspang tingnan. He licked his lips.

"Hmm." He nodded. Matagal at tahimik ko siyang tinitigan bago umiling. Kunwari na lamang akong walang pakialam kahit na ang raming tumatakbo sa utak ko.

Naka-tulog ako buong byahe. Nagigising lamang kapag pinapa-kain ako ni Luca. He always makes sure na hindi ako nalilipasan ng gutom. Pagkatapos kumain ay tamad ulit akong hihiga sa dibdib niya at matutulog.

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng byahe nang maramdamang bumibigat ang pag-yakap sa 'kin ni Luca. And when I looked at him, I saw him peacefully sleeping. Agad akong naawa at dahan-dahang kumalas sa kaniya. Baka kasi nangangalay na ang mga braso niya at sumasakit na ang dibdib niya. Kanina niya pa ako niyayakap.

Nang tuluyang nakalas ay mabilis siyang nag-dilat ng mga mata. Disoriented pa siyang tumingin-tingin sa paligid at nang nakitang naka-upo na ako nang maayos ay nag-salubong ang dalawang kilay.

"Baby..."

Hinila niya ako palapit at aktong yayakapin ulit. Pula pa ang mga mata at bahagyang busangot ang mukha. I shook my head.

"No. Hindi na ako matutulog. 'Tsaka, baka nangangalay ka na..." bulong ko. He softly glared at me and pulled me again towards his chest.

"Dito ka." Aniya. Napa-hinga na lamang ako nang malalim at hinayaan siya. My big man is so clingy. I smiled against his chest.

"Sabing 'di na ako matutulog, eh. Manonood na lang ako sa labas ng bintana." Sabi ko. I felt him shook his head.

"No. I need your warmth." He whispered on my head. Napa-ngiti na lamang ulit ako at wala nang nagawa.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon