Lumipas ang mga araw at mas lalo akong nababagabag sa presensya ni Luca. He's been too much for me I can't even stand his mere presence for long! Tinitiis ko lamang dahil kailangan kong makibagay sa kaniya. Kahit sobrang naiinis ako sa mga ngisi at panunuya niya. Kahit minsan gustong-gusto ko na siyang tsinelasin sa sobrang inis. Tinitiis ko lang.
At iyong pagti-text text niya na noon ay dumarating lang naman kapag may ipinapaalala siya, ngayon ay hindi na lamang basta ganoon. Palagi na siyang nagti-text kada oras o minsan nga ay kada-minuto pa. Most of it, reminders lang naman of what I should and have to do. The rest are pawang pang-iinis lamang.
I really find it weird to see him being this light with me. I always see him as someone very serious and mysterious. But seeing him this way? It feels like he is showing another side of him I never thought he had at the very beginning.
Pagkarating nang Lunes ay balik eskwela na naman ako at ganoon pa rin naman ang paghahatid sundo niya sa 'kin. After dropping me off at school, he would watch me until I enter the gate and that's when he would tell Mang Andoy to take off.
Pagkapasok ko nun sa classroom ay nawi-weirduhan ako sa mga tingin ng mga ka-klase ko. Maging si Gabby na parang naka-kain ng panis na pagkain. Tumaas tuloy ang kilay ko at hinanap ang partikular na tao at nakitang wala siya roon.
Pag-upo ko sa table ko ay nagkukumahog agad na lumapit si Gabby sa akin. Puno ng intriga ang mukha at ewan ko kung maiinis ba ako o matatawa na lang. Parang tanga lang kasi.
"Vaukla! Bruha ka!" High pitched ngunit mahinang boses niyang sabi habang nag-lilikot ang mga mata sa paligid. Kita mo 'to, ang chismosa talaga ng alindog.
"Napano ka?" Sarkastikong sabi ko habang inililigpit ang phone ko. Impit siyang dumaing at mahinang hinampas ang table ko.
"Si Kathy! Pinalipat ng ibang section at may kinuhang isa mula roon at inilipat din dito!" Aniya. Oh, so that explains why the bitch is not here...
"Uhm... Kaya pala." Walang gana kong sagot. That bitch's chair is just behind me. Nilingon ko ito at nakitang ganoon pa rin at walang naka-upo.
"At alam mo ba? Ha?" Bahagya niya akong niyugyog. Naiinis ko namang iwinaksi ang mga kamay niya.
"Isa pa! Para kang tanga diyan." Aburido kong saway. Humalakhak lang siya na parang bruha.
"Eh, kasi! Alam mo ba?" Nilagyan niya pa ng thrilling effect ang boses niya nang sinabi iyon.
"Eh, ano nga kasi? Last ka na lang talaga para ka nang baliw diyan." Mataray kong sabi. Ngumisi siya at yumukod palapit sa akin.
"Eh, may nag-transfer daw doon sa section na nilipatan ni Kathy galing Ford High. Tapos dahil nilipat na dun si Kathy, imbes na doon iyong transferee, eh, dito na lang inilagay! Iyon 'yung pinalit kay Kathy dito!" Excited niyang sabi at parang baliw talaga na namilipit.
"At lalaki! Vaukla! Lalaki! Famous daw roon at varsity pa!" Aniya at parang uod na namang binudburan ng asin. I scrunched my nose in annoyance.
Pero sandali rin akong natigilan sa nalaman. Ford High? Nakagat ko ang aking ibabang labi. He's been aloof since that day. At iyong araw na nag-kita kami, akala ko'y babalik na siya sa dati pero parang mas lumala pa. Hindi na kasi siya nagpaparamdam sa text. I still text him every morning and sometimes, before I go to sleep. Pero wala nang replies.
Clyde is studying in Ford High. At labis na lamang ang kaba ko sa nahihinuha ko ngayon. Hindi kaya... siya iyong nag-transfer? Pero bakit naman? He's loyal to his school lalo pa't varsity rin siya roon. He can't just transfer here just to be with me and closer to me! At classmate ko pa? Sa likod ko pa!
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...