Hinila ako ni Clyde patungo sa isang modernong hagdanan. This big house is screaming of advanced technology and modernization. Maganda ang bahay at mukhang bago pa lamang naipa-tayo. Mabilis ang hatak sa akin ni Clyde kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.
"Where are we going?" Tanong ko. Nilingon niya ako nang nasa ikalawang palapag na kami.
"Magbibihis lang ako." Aniya. Hinila niya na naman ako kaya nagpatianod na lamang ako sa kaniya. He led us to a room that I think is a guestroom at binuksan iyon. Tama nga ako base sa porma at kagamitan ng kwarto.
"Mag-sisimula na ang party. One of the eighteen roses ako." Ani Clyde at inilapag ang kaniyang bag sa katamtaman lang ang laki na kama. Ganoon rin ang ginawa ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi.
"Come here." Kaway niya sa 'kin. Naiilang man ay lumapit pa rin ako. Hinapit niya ako sa beywang at mabilis na pinatakan ng halik sa labi. He smirked.
"You're so beautiful." Aniya. Namula ang mga pisngi ko sa tinuran niya kaya nag-iwas ako ng tingin. I know I am beautiful but the compliment feels so bland. O ako lang itong nag-iisip ng ganito?
"Makikita ka ng lahat ng pamilya ko mamaya. I couldn't be more proud." Ngisi niya. I smiled shyly. Ito ang first time kong maipakilala sa pamilya ng boyfriend ko. Well, Clyde is my first so natural lang naman siguro. At hindi ko inakalang ganoon na lang pala ka-kaba at nakakahiya ito! Ugh.
"Umupo ka muna, bihis lang ako." Aniya at iginiya ako pa-upo. Naka-tingala ko siyang pinanood. Abala siya sa pag-hubad ng kaniyang uniporme. Bahagya akong natigilan nang masilayan ang kaniyang hubad na katawan. A typical teenager's body. May papatubong muscles ngunit kung ikukumpara kay... kay... stop. No. Ugh!
Clyde looks like a naughty teenage boy, well, he really is. The first time I saw him, he was really very attractive. Hanggang ngayon naman. Kung ibang babae lang siguro ang nandito sa posisyon ko at nasisilayan niya si Clyde nang ganito, ay baka humandusay na at naglalaway pa. Pero... hindi ko makita ang sarili kong ganoon ngayon. I need more. Like someone more mature and... and masculine. Damn it, Blythe!
"Babe..." tawag pansin ni Clyde. Napabalik ang tingin ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang naka-brief na lamang siya ngayon. Agad akong napaatras. He chuckled.
Naka-pameywang siyang nakaharap sa 'kin. Tanging brief lamang na kulay gray ang suot at may panunuyang ngisi pa sa mukha. Tumitig ako sa maselang bahagi ng katawan niya and gulped when I noticed there's a bulge! Kinabahan ako. I feel harassed. Suddenly...
"Mag-bihis k-ka na, Clyde." Matigas kong sabi at nag-iwas ng tingin. Hindi ko nakita ang reaksyon niya kundi napansin ko na lamang na nag-simula na siyang mag-bihis ulit.
Napapikit agad ako nang mariin nang maalala ang nakita. Was he seducing me? Alam kong wala akong karanasan sa mga bagay na iyon pero hindi naman ako mangmang. Napa-buga ako nang mainit na hininga. I suddenly remembered someone. Nang minsang dumako rin ang mga mata ko sa bahaging iyon ng katawan niya. I saw his bulge, too. And it's massive! Gosh! Ugh! Mababaliw yata ako. Bakit ba lahat naikukumpara ko sa kaniya?
"Babe, let's go? I'm done." Ani Clyde. He's now wearing a tuxedo with a gold bow tie. Naka-brushed up rin ang buhok niya ngayon. He smiled at me cockily.
"Gwapo ng boyfriend mo, noh?" Aniya. Ngumiti na lamang ako. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tiningala ko siya at tinitigan. Ito ang taong sinugalan ko. Kahit ubod ng kaba ay kinapitan ko pa rin. I really hope he'll make everything worth it.
Yumukod siya at pinatakan ako ng halik sa labi. He smiled.
"Tara na." Aniya at inilahad ang braso niya. Ikinawit ko naman ang akin dito. I think I fit in naman. Hindi ako naka-uniform ngayon dahil nga dadalo kami ngayon dito. Nakakapagod nang mag-dala ng damit pampalit kaya sinadya ko na lamang na huwag mag uniform. It's allowed, anyway.
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...