Days have passed and I can still see the slight amazement in Daddy's face. He would now smile at me every morning and greet me just like before. He did not talk about my being grounded again but he seemed to have remained happy with what I'm 'currently doing', nonetheless.
Walang namang ibang ginawa si Luca kundi ang i-blackmail ako sa mga naka-lipas na araw. Ginagamit niya laban sa akin iyong pag-sibat at pag-iinom ko. Kaya wala rin akong nagagawa kundi ang sumunod na lang sa mga utos niya. Lalo na kapag nandiyan si Daddy.
The only thing that's keeping me sane is the fact that Clyde is now my boyfriend. I still can't believe na noong nakaraang Linggo lang ay naging kami na agad. We communicate more often now. Since we can't video call, sa pipitsuging selpon ko na lamang kami nagtatawagan minsan.
He's sweet, playful, and witty. He is sometimes a dirty talker in text, too- to my biggest surprise. Kinikilig din naman ako dun kahit papaano. Kaya minsan ay napupuyat ako sa pakikipag-usap sa kaniya.
He is my first boyfriend but he managed to make me comfortable with him in just a short span of time. Hindi niya ako pinapabayaan at iyon ang isa sa mga marami kong nagustuhan sa kaniya.
Hindi pa kami muling nagkita simula noong naging kami pero meron daw siyang balak na bisitahin ako mamaya rito sa school. And it made me so excited for later!
I would gladly show him off to my haters here in school pero ang ikina-babahala ko lamang ay baka makita siya ni Justin o ni Luca. I don't want my family to know about this. Baka tuluyan na talaga akong hindi na mapatawad ni Daddy. Kaya ipagpapaliban ko na lamang muna ang pagyayabang.
Kasalukuyan kaming kumakain ng Lunch ni Gabby rito sa Cafeteria ng school at malisyosa siyang nakatingin sa 'kin matapos kong i-kwento sa kaniya ang nangyari noong nakaraang Linggo. At hanggang ngayon ay inaasar at tinutukso niya pa rin ako.
"Tumigil ka na nga." Sita ko habang humihigop sa straw ng aking mango shake. He sneered.
"I never thought you could be so marupok, Baks." Aniya at ngumisi. Umikot muli ang mga mata ko.
"You seriously need to move on, Gabby." Sabi ko.
"I mean... Maraming nanliligaw sayo rito sa school pero ni-isa wala ka talagang sinagot. Tapos iyon? And that fast? Feeling ko talaga dinaan ka lang sa alak, eh." Humagikhik siya. Naiinis man ay natawa rin ako sa huli.
"Gusto ko lang din talaga si Clyde. Period." Sabi ko. Pinag-laruan niya ang pagkain niya.
"Ipakilala mo naman ako sakaniya kapag may time. So I can see for myself." Nag-taas siya ng kilay. I smiled at that.
"Actually, pupunta siya dito mamayang uwian." Sabi ko. Agad nanlaki ang mga mata niya.
"Shit! 'Di nga? Seryoso?" Halos mabilaukan niyang sabi. Hindi na ako sumagot at nag-kibit balikat lang.
"Taray! Kinareer na talaga!" Tawa niya. I gave him a resting bitch face. I hate that he's still doubtful of this new thing I got myself into.
"Iba lang talaga ang ganda ng kaibigan mo." Sabi ko na lang. Humalakhak siya lalo.
"Mag papasabog ka na naman ng chismis dito, bakla ka! Pahinga din minsan, kaloka!" Maarte niyang sabi at hinimas ang sentido niya kunwari ay sinasaktan ng ulo. Napa-bungisngis ako sa huli at mas nag-yabang lang.
I could barely focus on my lessons when our afternoon classes came dahil panay ang text ni Clyde. Gusto ko mang ignorahin ang mga text niya ngunit hindi ko rin magawa. Nothing but messages of sweet nothings at pagpapa-cute lang naman. Ito namang si ako ay ine-enjoy rin!
From: Clyde My Love
'Di ba may Coffee Shop diyan malapit sa school niyo? Dun tayo, gusto mo?
I smiled as I read his recent text. Agad akong nag-tipa.
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...