One thing's for sure: I am so fúcking sore. Ang sakit ng buong katawan ko! Para akong sumali sa isang hazing! Bawat galaw ay napapapikit ako at hindi pa nakakatulong na halos hindi ako pakawalan ni Luca. Tatlong beses naming ginawa iyon at ngayo'y pagod na pagod akong naka-higa at nakayakap kay Luca. Naka-unan ako sa braso niya at naka-dantay naman ang kaliwang paa sa katawan niya. Balot kami ng puting kumot at amoy na amoy ko ang pinaghalong bango ng mga katawan namin.
I tried to move away from Luca but to no avail. Tamad na naka-subsob ang mukha niya sa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang kiliti hatid ng kaniyang balbas at hininga. Dagdagan pa ng kiliti gawa rin ng mabalahibo niyang mga binti na nakalapat din sa akin.
"Baby..." bulong ko sa paos na boses. Hindi siya sumagot bagkus ay hinalikan niya lang ang leeg ko. He nuzzled his face on my neck.
Pilit kong inilayo ang mukha ko sakaniya upang makita siya. I saw his tired handsome face. My heart fluttered at the sight. Bruskong brusko!
"Hey..." I chuckled. Tamad niyang hinalikan ang balikat ko at tipid na ngumiti. Nag-lalambing na ang damuho!
"Bati na tayo?" Tanong ko. Hindi ulit siya sumagot at idiniin pa ang mukha niya sa balikat ko. He bit it softly and I instantly shivered.
"Bati na tayo." Deklaro ko at humagikhik. Napa-ngiti na rin siya. Mag-didilim na sa labas at ramdam ko na ang gutom gawa sa pagod ng ginawa namin. Ngunit hindi ko yata kayang umalis sa kamang ito kung ganito siya ka-lambing sa akin. I smiled.
"My whole body is so sore," I said. Nag-angat siya ng tingin sakin at masuyo akong hinalikan sa labi. Sinipsip niya ng marahan ang ibabang labi ko at huminga ng malalim.
"I'm sorry, baby. I just can't stop myself." Aniya. Gamit ang kaliwang kamay ay hinaplos ko ang pisngi niyang mabalbas. I repeatedly caressed it. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sakin.
"I love you..." I whispered against his lips. Umawang ito at tila kinapos ng hininga. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang mabilis na pag-pintig ng puso niya! Oh my!
Pumikit siya ng mariin. Kumunot ang noo niya. Pag-dilat ay dun ko nakita ang pag-tulo ng isang butil ng luha sa kaliwang mata niya. Agad natunaw ang puso ko.
"Damn..." he whispered. Umigting ang panga niya at mariing lumunok. I kissed his cheek.
"I will always be in love with you, my architect."
Naka-tingin lang siya sa kisame habang patuloy at tahimik na umaagos ang luha niya. He's controlling his emotions, I can sense it. Kaya ayaw niyang tumingin muna sakin habang hindi niya pa nakakalma ang sarili niya. I know this is shocking him so much, If I'm not mistaken, this is my first time, after how many years, pouring out my heart to him. Iyong buong-buo at walang halong pag-pipigil kong sinasabi ang nararamdaman ko sakaniya.
"Oh God. It feels so good to hear you say it, baby, after so many years." Malungkot niyang sabi. Napalabi ako at hinalikan ulit ang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya. Wala naman na ring tumulo pagkatapos nun. I want to suddenly tell him that men are allowed to cry. Hindi nila kailangan mag tapang-tapangan kung totoong nasasaktan o sobrang saya nila. Iyon ang mapait na idinikta ng sosyedad sa mundo.
"I'm sorry for all I've done to you, Luca. Sa mga masasakit na salita. Sa mga ginawa kong mali. I'm sorry." Sabi ko. Pinanood ko ang bawat pag-kurap ng mga mata niya kasabay ng pag-sayaw ng makurba niyang pilik mata. Medyo basa pa ang mga iyon sa luha.
"It doesn't fúcking matter to me, baby. Sa akin lang ay ma ibalik kita sa akin at mapakasalan. Iyong mabalik tayo sa dati. Kasi sa loob ng ilang taong wala ka sa tabi ko, pakiramdam ko nabuhay ako ng walang halaga at rason sa mundong ito. Crazy, I know.. but that's what I felt." Nabasag ang boses niya sa huling sinabi. Hinaplos ko ang dibdib niyang namumula at mainit. I kissed his shoulder, as well.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...