Saturday in the afternoon, one tap on my shoulder, I instantly knew it was Gabby. Kasalukuyan akong kumakain ng lunch sa cafeteria ng school, may ginawa pa kasi ang gaga bago ako sinundan dito kaya napa-irap ako. Naging boylet niya nga iyong schoolmate naming kalandian niya nung birthday niya.
Ngising-aso agad ang bumungad sa 'kin pagka-upo niya sa harap ko. Umirap ulit ako at sumubo sa aking pasta.
"Ay? Walang support?" Pabirong aniya. Umiling ako bago nilunok ang pagkain ko.
"Hindi ikaw ang tipong umuulit ng lalaki, Gabby. Akala ko nung birthday mo lang. Ba't parang mag-iisang buwan na yata iyan?" Tanong ko. He grinned mischievously.
"Grabe ka naman! May umabot namang tatlong araw, no! Hmm... Siguro kasi maalaga siya." Ngisi niya. Ngumuso ako. Well, if that is the case...
"Iba eh... Malambing at maalaga. Iyong ramdam ko ring gusto niya rin ako." Dagdag niya. Parang may humaplos tuloy sa puso ko. Alam ko kasi ang pakiramdam ng ganun. Kaya sige, bahala siya.
"Okay." I said nonchalantly. Ngumisi ulit siya at kinain na ang pagkaing kanina pa naghihintay sa kaniya.
Naisip ko tuloy si Luca. Alam kong mahal na mahal ako nun kaya naiintindihan ko ang mga sinabi ni Gabby. Alam ko ang pakiramdam ng inaalagaan. Iyong pinaparamdam na gusto ka rin niya. Walang lumipas na isang araw na hindi iyon pinaramdam sa 'kin ni Luca kaya umiinit ang puso ko. The brute really made sure I'd remember him in anything that I would hear and see. It's like he cast a spell on me that only him can ever destroy.
"Naloloka ako sa lahat ng paandar ng school! Kailangan talagang may sayawan sa graduation ceremony?" Talak ni Gabby habang hinihilot ang sentido niya. I smirked.
"Para namang wala ring ganun noong moving up ceremony natin!" Sabi ko. Nalalapit na kasi kaming gumraduate sa Senior High School. At may sayawan at kantahan kaya nagtata-talak ang baklang ito.
"Masyado na tayong matatanda para diyan, no! Atsaka, ang papanget ng choreography! Napaka-julogs." Patuloy niya.
"It's either sasayaw ka or hindi ka ga-graduate at all!" Buga ko. He sneered. Nag-flip pa ng imaginary bangs at hindi na umimik pa.
"Huwag mong kinukutya ang paandar ng school, Baks. Do not disrespect the heads, especially the Dean." Sabi ko. He mimicked my face, so I threw a tissue at his face. Nag-tawanan kami at napag-tantong pareho kaming baliw.
Malapit na talaga ang graduation namin at abala na rin ako. Si Luca naman ay nakapag-take na ng board exam at hinihintay na lamang ang resulta. Pero alam kong papasa siya dahil nga sabi niya dati, magta-top daw siya kahit hindi magre-review. Ang hambog pero may ibubuga naman.
Nung pagkatapos nga niyang mag-take ng exam, eh, halos hindi na umalis sa bahay. He's making up for all the days he missed with me. And by making up, I mean, he's making me sore almost every day. And I'm such a good girlfriend for always giving in to him.
Kanina nga pagka-hatid niya sa 'kin dito sa school, nag-ayang kakain daw kami sa labas pagka-uwian ko. It's not gonna be our first time to dine outside, though. Pero nalulusaw pa rin ang puso ko kapag napaka-random niyang gawin sa 'kin ang mga bagay na iyon. Kahit walang okasyon o ano pa man. I can feel that he's really doing his boyfriend duties to me. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa damuho.
Gabby and I headed to our classrooms after we finished eating. We're not classmates anymore, but that doesn't matter when it comes to us. Kami pa ba? Napaka-strong ng bond namin ni Gabby na kahit paglayuin man kami ng landas ay hahanap at hahanap pa rin talaga kami ng way para makapag-chismisan at talakan. That's what real bitches do.
I sneered when I passed by a classroom that I dreaded the most since I saw that rapist lurking again in the corners of this school. Akala ko nga tumigil o lumipat na ng ibang school. Pero matapos noong insidente sa mall, nakita ko siya ulit at nabi-bwisit talaga ako sa tuwing ngumingisi siya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
Roman d'amourLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...