Chapter 55

38.6K 1.3K 459
                                    

Tumitig pa ako sakaniya ng ilang sandali. Amused at the determination I am seeing in his eyes. He stared back at me with more intensity. I shivered.

"You look tired. I'm sorry," huminga siya ng malalim at hinaplos ang kamay ko. I smiled weakly.

"You look dirty." Sabi ko naman. It was not to offend him. Talagang gusto ko lang siyang tanungin kung bakit siya nagpabaya ng ganito pero hindi ko lang magawa kasi naiilang ako. He sighed.

"I.. I just.." he stuttered. Pinigilan ko ang ngiti ko nang makitang namumula siya at tila nahihiya.

"No.. it's okay. You look more mature, actually." Puna ko. Nag-angat siya ng tingin sakin. Agad din namang nag-iwas at ngumuso. A ghost of a smile is on his lips.

I yawned. Kumunot ang noo niya at umayos ng tayo. Concern is evident in his eyes.

"Let me get you home. It's late," aniya at marahan na akong tinulak pabalik sa loob. Nagpatiuana naman ako dahil pagod na din talaga ako. My eyelids are starting to get heavier by the minute.

Pinanood ko siyang umikot patungo sa driver's seat. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at tinitigan siyang nagmamaneho. I can't believe this man is driving for me. A famous renowned architect slash Mayor of Isabela. Ginagawa kong driver! I bit my lip to hide my amused smile.

Nang nakarating sa bahay ay isang busena ang ginawa niya. Agad lumabas si Manong Andoy at nakita ko naman ang pagbukas ng ibang gwardya sa gate. Ibinaba ni Luca ang bintana at sumilip naman si Manong Andoy habang nakasaludo kay Luca.

"Mayor!" The old man's laugh resonates inside the car.

"Manong, salamat po!" Ani Luca. Bumaba siya at kinausap pa si Manong. Huminga ako ng malalim at hinaplos ang namamaga kong mga mata. I feel so light despite of my heavy eyelids. Parang may nawalang nakadagan sakin. Na ilang taon kong binuhat.

Natigil ako ng makitang lumabas si Justin. Agad siyang lumapit kina Luca. Siguro nga ay kinuntsaba niya talaga si Manong Andoy kanina. Wala na kasing ibang paraan para makita niya ako, kundi iyon lang. Sa higpit ng seguridad ko, imposibleng makalusot siya sa mga bodyguards ko.

Bodyguards.. teka, walang nakasunod sakin kanina pa! At kung meron nga, pag-liko pa lang ni Luca sa tahimik na parke, naalerto na sila!

Napa-tingin ulit ako sakanila. Nakita ko si Justin na tumatango-tango. Napa-buga na lamang ako ng hininga. Right! I have a very wonderful young brother! Sino pa nga ba?

Hindi na ako nag-hintay pa at bumaba na ako. Natigil sina Luca sa pag-sasalita. Agad siyang bumaling sakin. Pagod ko siyang tinignan.

"Ah, sige po, sa susunod ulit. Justin, golf tayo sa makalawa?" Ani Luca habang unti-unting lumalapit sakin. I saw Justin's intrigued face scrutinized me. Uminit ang pisngi ko.

"Pagod na 'to. I want her to rest already." Aniya pa bago bumaling na sakin. Agad pumulupot ang kamay niya sa beywang ko.

"Hey.." malambing niyang bulong. Mabilis ko siyang sinulyapan bago tumingin ulit kina Justin na walang hiyang nanonood samin! Damn!

"Good night. See you, hmm.." isang halik sa noo ko, halos isang kandilang nauubos na ako. Dinagdagan pa ng tumalikod si Justin at umiiling-iling pa. Damn! Panigurado ay kinukutya na ako nun sa isip niya!

"Night,"

Agad na akong naglakad papasok ng bahay. Nang nasa bulwagan na, lumingon ako. Nandun parin si Luca, nakapamulsa, parang leong nakamasid sakin. He smiled at me and waved his hand. I smiled, too.

Hindi ko alam kung anong hiwagang nangyari ngunit kinabukasan, sobrang gaan ng pakiramdam ko. I even danced my way to the bathroom. Pagkaharap ko sa salamin, my cheeks are blushing. Oh my... what did you do?

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon