Kinakabahan man ay nag-patuloy pa rin ako sa paglalakad. I am too happy to even let my nervousness totally consume me and ruin my mood. Habang napapalapit ay naaaninag ko na nang mas mabuti ang lalaki. And it was no other than the mentee of my Dad... Luca.
Nakatayo at halos naka-sandal na ang malapad na likod sa aming gate. Naka-tukod ang kaliwang kamay sa isang bar ng bakal naming gate at madilim ang anyong nakatingin sa 'kin.
Wearing a white long sleeve shirt, na itinupi hanggang siko, ay kitang-kita ang mga namumutok na ugat sa kaniyang mga braso pababa sa kaniyang malalaking mga kamay. Ang kaniyang morenong balat ay napaka-gandang tingnan kahit na ito'y niyayakap ng maliwanag na tela ng kaniyang damit.
Hindi ko alam kung lahat na lang ba ng sinusuot niya ay mahahapit o sadyang ang laki lang talaga ng katawan niya kaya ang mga ito'y nagiging hapit sakaniya. I can see the forming of his pectorals against the sheer fabric of his shirt- almost waving at me. Bumaba naman ang mga mata ko sakaniyang suot na pantalon kung saan medyo may parang alon na naka-porma sa may parte ng... ng kaniyang private part. Napa-singhap ako. Shit.
Nabigla ako nang gumalaw siya at umayos ng tayo. Natigil rin ako sa harap niya dahil hindi ako makadaan dahil nakaharang siya. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya.
Sa loob ng halos dalawang buwan, ay ngayon ko lang napansin nang mabuti ang kaniyang itsura. Ang makakapal niyang mga kilay ngunit hindi masungit tingnan... Ang matangos niyang ilong na bahagyang may bukol sa gitna dahilan upang mas nae-emphasize ang katangusan nito... Ang mahahaba niyang mga pilik mata na animo'y sa isang Santo... At ang mga labi niyang mapupula.
Napalunok ako nang lumipat naman ang tingin ko sakaniyang mga panga. Napapalibutan iyon ng maninipis na balbas. Nakita ko ang pag-galawan ng mga ito at ang pag-alon ng kaniyang mga balbas- tila sumusunod sa galaw ng facial muscles niya roon sa mga panga niya. Sa ibabaw naman ng kaniyang mga labi ay may latag ng papatubong mustache na halatang shinaved.
Tumikhim ako at umayos ng tayo. Taas noo at mataray ko siyang tiningnan nang naka-rekorba.
"Get out of my w-way." I stuttered, unfortunately, in the end. Napa-mura ako sa isipan ko dahil sa pagkaka-utal. Damn! I can't help it! His aura is screaming of so much danger! Kahit magtapang-tapangan pa ako ngayon ay mas nananaig talaga iyong sakaniya!
Hindi siya nag-salita. Nakita kong itinago niya lang ang kaniyang kanang kamay sa likuran niya at kung hindi ako namamalik-mata, nakita kong naka-kuyom iyon.
"Luca, I said get out of my way! Papasok na ako, ano ba." Sabi ko, pilit mas tinatagan ang tono ng boses ngayon. Marahas siyang suminghap at isang beses na umabante sa 'kin. Napaatras agad ako at na-alarma.
"Where have you been?" He asked, in a cold baritone that I've never heard from him ever since. Napatitig na naman ako sa mga labi niyang paminsan-minsang kumikibot. Tila nag-pipigil nang kung ano.
"The hell y-you care?" Sabi ko at tiningala siya. Nanliit agad ang kaniyang mga mata. Urgh! Nautal na naman ako! Pahamak naman, eh!
"And who was that boy? Huh? Your classmate?" Aniya at tumingin sa likod ko. Napalingon din ako roon at natantong iyon pala ang banda ng binabaan ko kanina. And that, maybe he saw Clyde, too. Umingos ako.
"Wala ka nang pakialam dun, Luca. Atsaka, pwede ba? Padaanin mo na ako!" Inis kong sabi. He lowly groaned. Pumameywang siya.
"Do you know what time it is?" Kalmado ngunit may halong galit niyang sabi.
"Yes! It's time for you to get out of my way so I can finally get inside our house now!" Sarkastikong sagot ko. Mahigpit na umigting ang kaniyang mga panga.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...