Tulala ako buong gabi. Hindi ako naka-baba upang mag-hapunan. Ipinahatid ko na lamang kay Kuling ang pagkain ko sa kwarto ko. Halos hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko dahil sa mabigat kong nararamdaman. All I wanted to do was to stare at the ceiling and feel my unwanted tears streaming down my cheeks.
Naka-tulog akong mabigat ang dibdib. Wala akong ibang nagawa kundi ang paniwalain ang sarili kong wala lamang iyon at may mga darating pang araw upang maka-usap ko si Luca at maka-hingi ng tawad.
Maaga akong gumising kinabukasan. Kahit ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ay pinilit ko talaga ang sariling maging masigla. It's Sunday and it's time to go to the firm! Excited akong naligo at nag-bihis. Naalala ko ang sinabi ni Luca noong nakaraang Lunes. Bibili raw kami ngayon ng mga gusto kong bilhin dahil sahod niya! Napa-ngiti ako.
Siguro naman tutupad siya, 'di ba? He is a man of honor naman daw kaya siguro tutupad pa rin iyon kahit galit sa akin. Napa-ngisi ako.
Nang bandang alas otso na ay umayos na ako, ito ang oras nang pag-punta namin ni Luca sa firm kaya agad na rin akong lumabas. Hindi na ako nag-breakfast pa. Lumapit ako sa family car namin at sinilip si Mang Andoy.
"Mang Andoy, si Luca po? Pupunta kami ng firm ngayon." Sabi ko. Kumunot ang noo niya.
"Ha? Eh, kanina pa umalis. Hinatid ko. Atsaka, hindi ka pwedeng lumabas, 'di ba?" Aniya. Namilog ang mga mata ko. Bakit ang aga niyang umalis? Eh, isasama niya dapat ako. Huminga ako nang malalim at binalewala ko na lang ang huling sinabi ni Mang Andoy.
"Eh, Manong... Sa firm lang naman ang punta ko. Hindi naman siguro magagalit si Daddy. Atsaka, tumutulong po ako kay Luca dun. Hatid niyo na po ako." Kumbinsi ko. Ilang sandali ko pang kinausap si Mang Andoy na tila naguguluhan bago ko siya tuluyang nakumbinsi. Tumango si Mang Andoy at pinasakay na ako.
Buong byahe papunta ng firm ay naka-titig lang ako sa cellphone ko. I want to send him a message. Pero umuurong pa rin ang kaluluwa ko. Hindi pa rin nawawala ang hiya. Napa-buntong hininga na lamang ako.
Nang nakarating ay pumasok ako sa loob nang mag-isa at pinag-titinginan ng lahat. Kuryosong naka-tingin sa 'kin at ang iba pa'y nag-bubulungan. May nakita rin akong mga binatilyong intern na naka-ngisi sa akin. Sanay naman na ako sa mga tinginang ganyan pero disente naman ang suot ko kaya nagtataka ako kung bakit tila kakaiba sila kung tumitig ngayon.
Pagkarating ko sa tanggapan ng opisina ni Daddy ay sinalubong ako ng sektetarya niya. Ngumiti ako rito.
"Good morning po." Bati ko. Nakita ko ang bahagya nitong pagkaka-tigil. Ngumiti naman din siya kalaunan.
"Good morning, M-ma'am." Nag-aalangang bati nito. Kung ibang pagkakataon lamang ito ay baka nataasan ko na siya ng kilay ngunit hindi ko na lamang ininda iyon.
"Nasa loob po ba si Luca?" Tanong ko. Sumulyap siya sa pinto ng office ni Dad at tumango.
"Oo. Papasok po kayo?" Magalang na sabi nito. Tumango rin ako.
"Eh, si Daddy po?" Nag-aalangan kong tanong.
"Wala, eh. Nasa isang site visit kasama si Engineer Teorico." Aniya. Tumango na lamang ako at sinabing papasok na ako.
Huminga muna ako nang malalim nang nasa harap na ng pinto. Kaya ko ito. Go, Blythe...
Pinihit ko ang seradura ngunit natigil agad ako sa naabutan. Halos lumuluwa na ang dibdib ni Cassie sa harap ng naka-upong si Luca. Naka-yukod si Cassie habang may itinuturo sa isang blueprint at nakikinig naman si Luca sa kaniya. Naka-tingin ang huli sa itinuturo ni Cassie ngunit paminsan-minsa'y tumitingin din dito.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...