Chapter 29

32.9K 1K 190
                                    

Naka-pangalumbaba akong nakikinig kay Teacher Julie ala una ng hapon. Katatapos lamang naming mag lunch at busog na busog pa ako. Inaantok na rin ako at nagbabanta nang pumikit ang mga mata ko.

"Nakuha mo? Oh, anong sagot?" Pukaw sa 'kin ni Teacher Julie. Humikab ako at umayos ng upo. Naka-salampak kami sa sahig at nasa center table naman ang mga books ko.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Natawa si Teacher Julie at umiling-iling. It's supposed to be nap time! I really hate afternoon classes like this. Nakaka-tamad ang vibes. Mas active ako kapag umaga o kaya'y dapit hapon.

"Tingnan mo sa periodic table mo!" Aniya. Kinuha ko naman ang periodic table ko at hinanap ang atomic mass ni Chlorine. Naka-dagdag pa ang Chemistry na ito! Gosh.

"35." Bored kong sagot. Natawa na naman si Teacher Julie.

"Hay naku, Blythe. O sige, mukhang inaantok ka na talaga. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamayang alas tres." Aniya. Bumungisngis agad ako sa kaniya.

"Thank you, Teacher." Malambing kong sabi. Tumango lang siya kaya tumayo na rin ako at nag-tungo sa sofa ng Library. Padapa akong humiga at hindi rin nag-tagal ay naka-tulog na ako.

Naalimpungatan ako nang maka-rinig ng mga boses. Nag-uusap. Nang narinig kong parang pamilyar ang boses ng lalaki ay tuluyan na akong nagising. Una kong tiningnan ang grandfather's clock at nakitang 3:14 pm na! Lumampas si Teacher Julie!

"So, nakakaya mo naman? Hindi ka naman niya pinapahirapan?" Rinig kong sabi ni Luca. Nalipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Teacher Julie na nag-uusap sa table ni Dad. Naka-tukod ang kamay ni Luca sa table at naka-upo naman si Teacher Julie sa upuang nasa harap ng table.

"Oo naman. Hindi naman siya maldita sa 'kin. Atsaka, gusto ko si Blythe. Parang bunsong kapatid ko na rin." Ngumisi si Teacher Julie. Pinanood ko naman ang pag-ngiti rin ni Luca.

"That's good. I'm happy to know that." Ani Luca.

Nag-iwas ng tingin si Luca at tiningnan ang mga libro ko sa center table. Ngunit napansin ko ang pagkaka-iwan ng titig ni Teacher Julie kay Luca. Tumikhim ako.

"L-luca?" Paos kong tawag. Agad napaayos ng tayo si Luca. Nalipat ang tingin niya sa 'kin na naka-higa pa rin sa sofa. Malambing siyang ngumiti.

"Baby..." bati niya at nag-lakad palapit sa 'kin. Ang normal na pag-kalabog ng dibdib ko sa tuwing lumalapit siya ay nararamdaman ko na naman. It's funny to think that it has become a normal feeling to me.

"Hey..." magaspang niyang bulong at yumukod upang halikan ako sa noo. I heard Teacher Julie gasp. Tumingin ako sa kaniya. Napa-kurap kurap siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Tila natuliro sa nasaksihan.

"How's my baby?" Malambing na tanong ni Luca. Naibalik ko ang titig sa kaniyang maamong mukha. He's passionately staring at me. I smiled.

"I'm tired. I wanna go out." Sabi ko. Ngumuso siya at tumango.

"Ikaw, bakit ang aga mo ngayon?" Tanong ko. Umayos siya ng upo sa may paanan ko. Bumangon na rin ako at humarap sa kaniya.

"Pinag-bakasyon muna ako ng Daddy mo. One month. Pero gusto ko pa ring mag-punta roon upang maka-tulong. Kaya, eto, hawak ko na ang oras ko." Ngumisi siya. Kumislap naman ang mga mata ko.

"Does that mean..." pina-bitin ko ang sinabi ko at malapad na ngumiti. Baritono siyang humalakhak.

"Yes, baby. Mapapasyal na kita parati." Aniya. Sa tuwa ay patalon akong yumakap sa kaniya. Sumabog agad ang halakhak niya sa Library.

"Don't get too excited. You still have to do your daily sessions with your Teacher Julie." Mataman niyang sinabi. Tumango ako.

"Oh! I forgot. She's Julie, my private teacher. Teacher, si Luca po. Boyfriend ko." Ngiti at baling ko kay Teacher Julie na ngayon ay nakita kong namumula. Natigilan ako at agad nang may naiisip.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon