Mabilis ang pag-harang ni Luca sa akin nang galit na galit kong sinugod si Teacher Julie. Hinarang niya ang malaki niyang katawan at halos hindi ko na makita ang malanding babae sa sobrang lapad ng katawan niya. Nanginginig ako sa galit. Hindi ko maintindihan. It's my first time to get so angry that I wanna be violent so bad! Pula na lang ang tanging nakikita ko sa ngayon at gustong-gusto ko nang manakit.
"Blythe!" Natataranta at gulat na sigaw ni Luca. Isang atras ay malakas na hampas sa dibdib ang ginawa ko sa kaniya.
"Get out of my fucking way!" Matinis kong sigaw. Parang nababaliw naman si Luca na palipat-lipat ang mga mata sa 'kin at halos kargahin na ako.
"Blythe Gia! Calm down!" Mariin niyang saway pero halatang kabado ang boses. Probably too shocked to ever see me this mad.
"If you won't get out of my way, I'll break up with you!" Banta ko. No longer minding what I'm even saying. Ang gusto ko lang ay malapitan ang babaeng naka-tayo na sa gilid ng kama ngayon at namumutla sa takot.
Kitang-kita ko ang pag-putla ng labi ni Luca dahil sa sinabi ko. Bumagsak ang mga matitigas niyang balikat at ginawa ko iyong pagkakataon upang itulak siya nang malakas. Parang halamang hinawi ay napaalis agad siya sa harap ko.
"You bitch! Fuck you!" Halos maputol ang litid ko sa pag-sigaw nang nalapitan ko na si Julie at malakas na hinila pababa ang kulot niyang buhok. She's an inch taller than me but I'm too mad and too strong to even care about it. Napa-bagsak agad siya sa sahig at kumapit sa buhok niyang hila-hila ko.
"Malandi ka! Putang ina mo!"
Hila pababa at pataas ang ginawa ko sa buhok niya at halos sumasabay na ang katawan niya sa ritmo ng pag-hila ko. Hinila ko ulit paangat ang buhok niya at ginawaran ng isang malutong na sampal ang mukha niya kaya umalingawngaw ang malakas niyang iyak pagkatapos.
"T-tama na! Tama na..." iyak niya at kinurot ang kamay kong naka-hila sa buhok niya. Mas lalo akong nagalit.
"Malandi ka! Akala mo hindi ko napapansin! Malandi!" Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa sobrang galit. Narinig ko naman ulit ang pag-pigil ni Luca sa likod ko pero hindi ko pinansin.
"Kakalbuhin kita! Ahas ka!"
"Tama na! Blythe!" si Luca.
"Aahh!! Tama na!" Malakas na sigaw ni Julie. Sa pag-sigaw niya ay tila mas sinilaban lang ang galit ko. Inangat ko ang binti ko at akmang tatadyakan ang tiyan niya ngunit biglang umangat na ako sa ere at pabagsak na ipinatayo ni Luca malayo kay Julie.
"Tama na! Sabi ko, tama na!" Niyugyog ni Luca ang mga balikat ko habang galit na galit na naka-dungaw sa 'kin. Nahintakutan ako at natameme.
"Stop! Fucking stop!" He continued. Growled so loud.
Napaatras ako kasabay nang pag-patak ng masaganang mga luha. Malakas ang dagundong ng dibdib at halos hindi na maka-hinga. Ang sobrang galit na naramdaman kani-kanina lang ay napalitan ng takot at dismaya. I cried.
"L-luca... help me..." rinig kong iyak ng nakadapa sa sahig na si Julie mula sa likuran ni Luca. Ngunit hindi ko iyon pinansin at tumitig lang sa mukha ni Luca habang umiiyak.
"What did you do, Blythe? Ano iyon?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Mas lalo akong napa-iyak. He looked and sounded so disappointed. Habang patuloy pa rin ang pag-iyak ni Julie sa likod niya.
"She's a fucking whore! Malandi siya, Luca!" I shouted when I finally mustered enough strength and voice to do so. His jaws clenched.
"I just wanted to talk to Luca!" Sabat ni Julie na humihikbi. Kahit umiiyak ay galit ko siyang binalingan. Dinuro ko siya.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...