Chapter 8

21.8K 1K 154
                                    

Sabado ay naghahanda na talaga ako. Mula sa mga susuotin ko at iba pa. At dahil wala na akong makeups ay nag-tipid talaga ako para maka-bili ng kahit isang lip tint man lang para may kulay naman ang mukha ko sa date namin ni Clyde. Bukod doon, lahat ay planado na. Hinihintay ko na lamang ang pagsapit ng Linggo...

Luca's been really consistent in giving me a glass of milk every night before I go to sleep. At lagi rin akong inaatake ng kaba sa tuwing tititigan niya ako nang mabuti bago tuluyang umalis. After that incident, I permanently silenced my phone. I don't want him to know that I'm up to something. I can't afford that. Lalo na ngayong kailangan kong makuha ang kumpiyansa niya para lang maka-sibat ako sa date namin ni Clyde bukas. 

He's not usually all up in my business every Sundays since he works in the firm on that day but I won't know how long I'll be gone for my date with Clyde! Kaya mas mabuti nang hindi ko muna bibigyan ng dahilan si Luca upang bumuntot-buntot ulit sa 'kin bukas! 

Dahil sa kasabikan, kinabukasan ay hindi ako makapaniwalang Linggo na nga at talagang matutuloy ang date namin ni Clyde! I've been working hard on this. Tiniis ko talaga ang pakikipag-plastikan kay Luca para lamang dito. Hindi dapat ito ma-uwi lang sa wala!

Nakababad ako sa bath tub ko habang pinaglalaruan ang mga bula sa aking mga braso. It's eight thirty in the morning already at ang huling text ni Clyde sa 'kin kagabi ay magkikita raw kami mamayang lunch doon pa rin sa malawak na kalsada ng village. And we'll take it from there...

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta o kung ano pa ang gagawin namin bukod sa lunch date. But that makes me so thrilled and excited, nevertheless. Parang ayoko na ring mag-tanong pa at hayaan na lamang siya. Basta ang nasa isipan ko lamang ngayon ay ang makasama siya.

Pagkatapos maligo ay nag-handa na agad ako. Pag-silip ko sa orasan ay nakita kong kaka-alas nuebe pa lamang. Bigla naman akong nalungkot. Nasanay kasi akong nagha-handa talaga ng ilang oras noon dahil sa pagme-makeup. At hanggang ngayon, nadadala ko pa rin iyon at ang sakit lang kasi nga wala naman na akong makeups. Wala nang rason upang mag-handa ulit ako nang ilang oras ngayon.

Dapat nga ay isang oras o kalahati lang akong maghahanda ngayon dahil wala rin naman akong magagamit na kung ano ano pa. Pero heto ako't parang tangang naka-titig sa kalbong vanity table ko— atat mag-handa kahit sobrang aga pa naman. Hayy.

Hindi ko alam kung excited lang ba ako o nasanay lang talaga ako. Though, I think both naman. Kaya imbes na mag-self pity pa ay kumilos na lang ako. Katawan ang unang aasikasuhin ko, as usual, at inabala ko na agad ang sarili sa pag-papahid ng kung ano ano rito. At least, I still have these. My lotions and all...

Bigla ko tuloy ulit naramdaman ang pamilyar na inis kay Luca. Dahil sakaniya kaya ko ito nararanasan, eh. Well, just partly... fine, I admit. I'm fully aware naman that these are the consequences of my actions and I'm the only one to fully blame but I just want to direct that blame to him instead. Kung hindi lang kasi sana siya sipsip at pabida, eh! Pa epal din kasi talaga! 

Instead of spending my time hating on that guy again, I decided to cheer myself up for my date today. May date ako ngayon, oo, tama... I should be happy and lively!

Pagkatapos mag-lotion ay ang buhok ko naman ang inasikaso ko. In our school, hindi bawal ang mataas na buhok sa lalaki. No prescribed haircut for boys and girls, actually, only hair color. And that is an advantage and relief to all of the queer folks in our school— even to straight boys (those who want to grow their hair long for a certain reason). Kaya ang hanggang panga kong buhok na pwede nang mai-braid ay pina-tuyo ko gamit ang Dyson hair dryer ko na isa sa mga naiwang bagay sa 'kin.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon