Chapter 50

36.8K 1.1K 396
                                    

Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang ramdam ko ang pagbaba ng elevator. I breathed heavily as I listened to Bryan's hysterical voice on the other end.

"What happened, Gia?! Sumagot ka!" Tila naiinis niyang sabi. Hikbi lang kasi ang naisasagot ko sa kaniya simula nang sagutin niya ang tawag.

I can't seem to form a sensible sentence. Bukod sa mahirap dahil may bikig sa lalamunan ko gawa ng pag-iyak. Eh, mahirap din kasi nahihiya akong baka isipin niyang nagpapatalo ako sa kalaban. Not to mention that this is the first time we've talked again since I came back home without even telling him.

"He's threatening me, Bryan. He's being ridiculous and I hate his guts so much!" Sa wakas ay nakapagsalita ako. Narinig ko agad ang pag-hinga ni Bryan nang malalim. Tila inaalisa pa kung ano ba ang pinagsasabi ko ngayon dito.

"Is this about your... ex?" Mataman niyang sabi. Napa-mura ako sa isipan ko. Does he really have to say that?!

"Sino pa nga ba eh 'di iyong tarantadong Lagdameo na 'yun!" Inis kong sabi. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at agad akong natigilan nang maalalang hindi pala dapat ganun kasi mabibinat ang skin ko. Walang hiya ka talaga, Luca! I'll blame you for everything!

"Oh, yeah, yeah... calm down. I'm sorry, calm down, okay..." narinig kong parang nagpatuloy na siya sa kung anumang ginagawa niya bago ako tumawag. May naririnig akong tunog ng tila makakapal na papeles. He's probably in his office in Massachusetts right now. Na-disturbo ko pa yata.

"D'you mind telling me about what happened? Hindi 'yang parang bata kang nagta-tantrum diyan." Bored niyang sabi. Minura ko na siya ngayon. Right! I really came to the right person!

Kinwento ko sa kaniya ang pagiging magka-sosyo ng mga Lagdameo at Romualdez sa isang proyekto. Na tinangka kong gawing advantage kuno para mapalapit kay Luca dahil inakala kong mamamanipula ko siya dahil sa ipinapakita niyang kahinaan sa 'kin. Na nauwi rin sa pag-iyak ko ngayon nang sinabi niya sa 'king mahal niya pa rin daw ako at kailanman ay hindi nawala iyon. Shit talaga! Urgh!

"Then he's wise, huh... very wise, if that's the case. Sa ipinakita mo ngayon, napagtanto niya rin sigurong mahina ka rin sa kaniya at gagamitin niya rin iyon laban sa'yo." Ani Bryan. Nanlaki ang mga mata ko roon. It sounded so wrong! It felt so wrong. Hindi! Hindi ganun ang nakita ko kanina.

Pero naisip ko ring baka maaari ngang ganoon din. Na baka nagpakita nga rin ako ng butas sa kaniya kanina, na pwede niyang gamiting advantage laban sa 'kin. Shit! I'm going insane!

"He's not one of my damn weaknesses, Bryan! Drop it." Pilit kong tanggi. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

"Hindi nga ba?"

"Hindi talaga! I just hate how he could say that to me after all he's done! Ang kapal lang! At kung totoo mang ganun nga ang iniisip niya, pwes hinding-hindi ako magpapatalo! Kung matalino siya, madiskarte naman ako!"

Nakalabas na ako ng elevator. Tila kay haba ng oras ko doon. Bumungad sa 'kin ang abalang tanggapan ng tower. Naisip ko bigla sina Ate at Kuya Miko. Ang mga walang hiyang 'yun! Urgh. Hindi nila alam na umalis na ako. I will just text them later when I'm done talking to Bryan.

"Hmmm... The pain of it all made you tougher and stronger, Gia, yes. But I also think that, that same pain itself makes you weak, too. And only that pain can destroy your walls." Matalinghagang sabi ni Bryan. Napa-nguso ako.

"What do you mean? Pain— what?"

Umupo ako nang natantong wala nga pala akong sasakyang dala. Mag-isa lang akong nakaupo ngayon sa malapad na couch ng lobby. Ite-text ko pa si Manong Andoy para sunduin ako rito.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon