Chapter 13

23.3K 974 259
                                    

Nakatitig ako sa aking bagong manicured na kuko habang paulit-ulit na dina-dial ang numero ni Clyde. It's been two days since that incident happened. I have not yet heard from him. Mas lalo akong naiinis kay Luca dahil doon. This is his fault!

That damn guy just doesn't know where he stands. Pakialamero talaga! Noong dinala niya ako sa firm ni Dad ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-away. He tried avoiding it, though— after offering me that pact. Pero ako iyong away nang away sa kaniya. I hate how he called me his baby! Ugh!

Sumunod din naman siya sa pangako niya. He did not tell my parents about what happened back in school. It's impossible since the school's admin can just always call my Dad and all, but it did not happen! Ano kayang pinaggagawa ng Luca'ng iyon at kung papaano niya rin nagawa iyon.

Napa-buntong hininga ako sa naalala. I also promised him I would stay away from Clyde. Iyon ang kapalit na hiningi niya. Kaso, kaya ko ba talaga? Gagawin ko rin ba? My relationship with Clyde is just taking off. Sayang naman kung tatapusin ko na agad.

At bakit ba iyon pa ang hinihingi ni Luca na kapalit? Of all things? Bakit iyon pa? He's only met Clyde once, pero ang husga niya rito ay parang may nagawang krimen iyong tao. For the first time since I met Luca, ngayon lang siya naging irrational! I can't understand him!

He also tried to confiscate my phone. I did not let him. Ano nang gagamitin kong aparato para makipag-komunikasyon sa kaniya? Iyon ang sinabi ko kaya't hindi niya na rin naituloy ang pagkokonpiska sa huli.

I also noticed that he's been checking on me from time to time, more often now. Kahapon sa school ay lagi akong nakatatanggap ng mensahe sa kaniya. He's in his school, too! Pero kung makapag-text parang wala nang bukas!

Hindi ko tuloy mawari kung alin talaga ang ikinagalit niya. Iyong pananampal at pambabastos ko ba o iyong pakikipag-relasyon ko kay Clyde. Doesn't he think it's normal? I'm a teenager! Para namang hindi rin siya dumaan doon. Palibhasa gurang na kasi!

I heard isasama raw siya ni Daddy sa pago-golf ngayon. They really bond a lot! Samantalang ako? Wala. Sa tuwing bumabalik ulit sa isipan ko ang isyung iyon ay hindi ko mapigilang magngitngit sa galit.

Natigilan ako nang sa wakas ay sinagot rin ni Clyde ang tawag ko. I've been calling him endlessly. At ngayon niya lang sinagot! I wonder if he got mad at me.

"C-clyde?!" Tawag ko. I heard him sigh.

"What?" He asked coldly.

"I've been calling you! Bakit 'di mo sinasagot?" Tanong ko. He sighed again.

"After what happened? I don't think I should still talk to you." Aniya. Nanghina ako. He's really mad. Hindi ko alam pero hindi naman din ako nasasaktan. Weird.

"I'm sorry about that. Huwag mo na lang isipin ang sinabi sa'yo ni Luca." Sabi ko.

"That guy... What is he to you?" He said seriously. I gulped.

"He's just my father's mentee. Nakikialam lang." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Baka may iba siyang iniisip. Shit. No way!

"Hmm. Are you with him right now?" He asked. Bahagya naman akong napaayos ng upo. Tumikhim ako.

"No... Why?" I asked in a little voice. He sighed again.

"Let's meet." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko at sasagot na sana nang bigla niya na iyong ibinaba at napa-titig na lamang ako sa aking cellphone. What the?

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon