Kinabukasan, sa parehong klase ni Ma'am Castro, ay todo pakikinig talaga ang ginawa ko. Busy ngayon si Clyde kaya walang nagte-text sa 'kin. Sabi niya sa 'kin kahapon ay may group project daw siyang pagkakaabalahan ngayon. Noong una nga ay inakala kong hindi niya masyadong pina-prioritize ang studies niya dahil sa pagiging pilyo niya in nature ngunit responsable rin naman pala siya kahit papaano.
Sa pakikinig ko nang mabuti ay nalaman ko na ang tungkol doon sa tanong ni Ma'am na hindi ko nasagot kahapon. Ngayon ko lang din na-realize na sobrang sayang nun dahil malaki ang points sa oral recitation.
Wala sa sarili akong napalingon sa likod ko at naabutan iyong impaktang babaeng sinampal ko kahapon. Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin at yumuko— tila takot. Bahagya ko na lang siyang pinanlakihan ng mga mata at pagkatapos ay bumalik ako sa pakikinig. Seems like the bitch has already learned her lesson. Do not ever really mess with Blythe Gia Gomez. Just do not.
Nagsulat ako habang maiging nakikinig. I don't know what suddenly inspired me to do so, but I just feel like doing it. Hindi ko rin naman masasabing si Clyde dahil kapag nagte-text siya ay hindi naman ako nagdadalawang isip na i-neglect ang pag-aaral ko. May himala lang siguro ngayong araw...
Bigla ko ring natanto na simula noong na-grounded ako ay ngayon ko lang ulit sineryoso ang pag-aaral. I actually love studying. I love learning things; academic or non academic. Pasaway ako, oo, pero masipag ako mag-aral kahit papaano. Noon.
Nawalan lang ako ng gana simula nung ma-grounded ako. Naisip ko na bakit pa ako mage-effort kung ganito lang din naman ang situation ko. Sobrang demotivating. At ayun nga, naisip ko ring sa pamamagitan ng pagre-rebelde ay mas lalong magiging mahirap ang trabaho ni Luca sa 'kin. He has to fail! That's the goal here.
Speaking of that guy, simula kagabi hanggang kaninang umaga ay hindi siya namamansin. Usually kasi, eh, makulit siya. In a way na laging nagpapaalala, nangangaral, at bigla biglang sumusulpot. Madalas ding tumitig gamit ang mapanuring mga mata. Pero hindi niya ginawa ang mga iyon simula kagabi at kaninang umaga. Ramdam ko pang umiiwas!
Napa-simangot ako. Hmp! Ano namang akala niya, mabo-bother ako? Mako-konsensya? Eh, ano naman kung binilhan niya nga ako ng paborito kong Fried Taco? Should I be happy with that? Am I obliged to feel happy or reciprocate his gesture with a positive reaction?
Atsaka, hindi nga raw naman sa 'kin iyon, 'di ba? Siya mismo nagsabi! Tss. Akala mo kung sinong mature na tao, eh! May gana pang umakto nang ganun ngayon. Naku! Nanggigigil talaga ako!
Isang quiz ay dinismiss na agad kami ni Ma'am. Umakto pa sana siyang mag-iiwan ng homework ngunit maraming umalma (kasama na ako roon) kaya hindi natuloy. Ine-encourage din kasi ng school namin na huwag mag-bigay ng homeworks lalo na kapag Friday kasi karapatan naming magpahinga during weekends. Pero may iilang teachers pa rin ang sumusuway talaga. Maybe because they all have a different approach in teaching. And it's not yet a law, too. Entitled lang din talaga ang mga students dito. Which I think is fine because I am, too. I smirked.
Lumapit agad sa 'kin si Gabby habang nagliligpit pa ako ng mga gamit. Naaamoy ko na naman ang mga chismis sa kaniya. Inikutan ko siya ng mga mata.
"Baks, alam mo ba, kabarkada pala ng cousin ko 'yang si Clyde! Small world!" Tili niya. Tumigil ako at pinaningkitan siya ng mga mata.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Ngumisi siya.
"Eh, nai-kwento ko kasi sa cousin kong skater din! Ayun!" Aniya. Nanliit lalo ang mga mata ko.
"Tell me, lagi mo bang iniisip ang boyfriend ko kahapon? At naitanong mo pa talaga sa pinsan mo?" Sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya ngunit agad ding tumawa.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...