Chapter 48

36.7K 1.1K 433
                                    

Naninigas ang buong katawan ko habang ramdam na ramdam ko ang mahigpit niyang yakap. Yakap na parang wala nang planong kumalas pa. Yakap na mainit ngunit sa kabila nito ay sobrang lamig pa rin. Yakap na nakakapanindig balahibo at higit sa lahat, yakap na traydor at sakim.

Hinugot ko ang buong lakas ko sa isang malalim na buntong hininga bago marahas na pumiglas sa yakap ng taong kinamumuhian ko.

"Get off me." Mariin kong bulong habang tinutulak ko siya sa tiyan. Nanginginig ang buong katawan niyang mas yumakap pa sa 'kin nang bahagyang nakalas ang yakap. I cursed out loud.

"I said get off me!" Ngayon ay sumigaw na talaga ako.

Umiling-iling siya at mas lalong isinubsob ang mukha sa leeg ko. I can feel his hot and heavy breaths on the sensitive part of my neck. A wave of nostalgia surged through me but I quickly threw it away.

"Damn it! Bitawan mo ako gago!" Nawala ko na yata ang poise ko nang sobrang lakas ko na siyang itinulak. Napakalas siya at natitigan ko ang buong itsura niya ngayon. Parang gustong matunaw ng puso ko sa tanawin.

Pain is very evident in his bloodshot eyes. Namumungay ang mga mata at malungkot ang mga pilik mata. His damn red lips were shaking and his broad shoulders dropped. Gayunpaman, pinilit kong ibalik ang galit ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Matapos ng lahat? May lakas ng loob ka pang magpakita sa amin?" I said while gritting my teeth. I don't wanna shout again. I don't wanna give myself away. The perfect thing to show him now is how I loathe him so much. Purely.

"B-baby... please," he begged. He begged like that of a poor hungry dog. I smirked. Tang inang mukha iyan! Gago!

"Don't call me that again. I am not someone's baby and never will be. At higit sa lahat, wala akong kilalang traydor at makapal ang mukha." I threw those insults like daggers at him. Nakita ko ang pag-ngiwi at pag-igting ng mga panga niya. Hindi siya nakapag-salita. Yumuko siya na parang bigong-bigo. I smirked and shook my head before I turned my heels and tried to walk away.

"No. No. Baby." Natataranta niya akong hinabol. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang siko ko at mabilis ko siyang hinarap at ginawaran ng napaka-lutong na sampal.

Kitang-kita ko ang pag-pikit niya nang mariin sa kaniyang mga mata. Hinaplos niya iyon.

"Putang ina mo!" Sigaw ko. Nandidilim ang paningin ko habang nakatingin sa kaniya.

Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata at kung kanina'y namumula lang ang mga iyon, ngayon ay may mga luha na. Pinikit niya ulit iyon at hinaplos. Napalunok ako nang matantong baka nasagi ng mahahaba kong kuko ang mata niya. Kumirot ang puso ko ngunit agad kong pinigilan iyon.

"Try to touch me again and you will get so much more than that. Pwede ba? Matuto kang mahiya. Ganiyan ka na ba talaga kakapal? Nakakahiya ka." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa— puno ng pandidiri. Yumuko lang siya at patuloy na kinukusot ang paniguradong mahapding mata.

Kitang-kita ko ang pag-landas ng isang butil ng luha sa pisngi niya. Kinuyom ko ang aking mga kamay para pigilan ang sariling manghina.

"I'm sorry." He said in a very sad voice. Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa tono ng boses niya. Na para bang binubuhos niya sa 'kin ang lahat ng nararamdaman niya. Tinakpan ko ng nanunuyang tawa ang panghihina ko.

"Sorry? Talaga? Para saan? Alin doon? Sa lahat ng ginawa mo?" I gritted my teeth. Sinubukan niyang lumapit at humawak ulit sa 'kin ngunit isang sampal na naman ang ginawa ko dahilan para matigil siya.

Pumikit ulit siya nang mariin habang kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang kaliwang pisngi. He sighed.

"Please, hear me out. I need you to hear me out." Pagsusumamo niya. Tinawanan ko ulit siya.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon